Chapter 36

28.4K 469 24
                                    

CHAPTER 36: 1 4 3

Umuwi ako ng bahay na ang sama-sama ng loob. Paulit-ulit na nagrerewind sa utak ko yung mga sinabi niya sakin. At isa lang ang emotion na umaapaw sa puso ko.

GUILT.

Masasakit yung sinabi sakin ni Bea pero kahit na ganun..  naiintindihan ko kung bakit niya nasabi sakin yun. Ako naman talaga ang may kasalanan dito eh. Kahit saang anggulo mo tingnan.. ako ang kontrabida sa kwento nila, sa fairytale story nila. Ako ang villain.

At yun ang masakit. Nagmamahal lang naman ako pero bakit kailangan pang maging ganito kakumplikado? Gusto ko lang namang sumaya pero bakit kailangan ko pang manghiram? Magnakaw ng kakaunting oras?

Imposible ba talagang maging simple ang lahat ng bagay?

Naputol ako sa pag-iisip nang may nagvibrate sa bulsa ng pantalon ko. Agad ko yung kinuha at binuksan ang message mula doon. Pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ko nung madiskubre ko kung sino ang nagpadala nun. Bakit ako nakaramdam ng lungkot? Or is that the guilt?

Shin! :) Magkakaroon kami ng shooting sa may simbahan that’s only two meters away from our school. Sana makapunta ka. I really hope that you’ll be there. :)

Inilapat ko ang phone sa aking dibdib. Marco,  mahal kita pero nahihirapan na ako..

***

“MEDYO MABAGAL!” narinig kong sigaw ni Tony na nagpaangat ng ulo ko. Lakad-takbo akong pumantay sa kanila. Hindi ko na namalayang nahuhuli na pala ako sa paglalakad sa sobrang absorb ko sa pag-iisip.

“Ba’t ba atat na atat ka dyan, Kristina?!” sambit ni Bryan sabay kurot sa pisngi ni Tony. Wait.. KRISTINA?!

“THE FVCK! DON’T YOU EVER.. ARGH!!!”

Natatawa ako sa pag-uusok ng ilong ni Tony pati na din sa pamumula niya na epekto ng sobrang pagka-irita! HAHA! Kristina pala yung first name niya! Ngayon ko lang nalaman yun ah!

“Tawa-tawa pa yung isang ‘to!” Nagpoker face ako pero hindi pa din mapigil ang paglabas ng ngiti ko. “Aminin mo nga, Shinie..”

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Tony. Mas lalo pa akong kinabahan sa tono ng boses niya pati sa scrutinizing look na binibigay niya sakin ngayon.

“..a-ano yun?” Nakakaba talaga, swear!

“Anong meron sa inyo ni Marco?” Tinaas-baba pa niya yung mga kilay niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko bago siya sinagot. “Umm.. Friends.”

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon