Chapter 23

28.6K 450 46
                                    

CHAPTER 23: TAKE CARE OF YOU

Hanggang sa pagpasok ko ng classroom sa Bio, sandamukal pa din ang mukha ko. Gusto ko nga sanang mag-cut kaya lang nakokonsensya naman ako. Dahil lang may problema ako, isasakripisyo ko na ang pag-aaral ko? No way!

Ang gusto ko lang naman mangyari, hindi SILA makita. Sa totoo lang, nababanas na ako sa mga itsura nila, particularly sa itsura niya. Siguro nga tama sila, kapag sinaktan ka ng isang tao, 'yung mga panget sa kanila unti-unti mo nang makikita.

Umupo na ako sa pwesto ko at napatingin na naman sa kanya. Kung dati parang ang gwapo-gwapo ni Jer sa'kin, ngayon, nagtataka na ako kung bakit ko siya nagustuhan. Okay, bitter person here. Totoo nga. In the first place, hindi ko naman siya tipo eh. Tama, hindi ko siya type. Haaay.. Pero ba’t napapabuntong-hininga ako ngayon?

“Shinie! May number ka daw ni Marco Delos Santos?!” sigaw ni Yanna.

“AS IN?! Pano niya nakuha?! My gosh!”

“SHIIIN! ANO 'YUNG NARIRINIG KO?!” napatingin ako sa pinto kung saan nakapamewang si Mimi.

Nakalimutan ko pa lang sabihin na isa sa mga gusto ko ngayon ay KATAHIMIKAN na mukhang kahit 'yun, ay di ko pa makukuha.

Ayun, halos lahat ata ng mga ka-blockmate ko tinatanong kung totoo nga na may number ako ni Marco. Sinabi ko na lang na wala talaga ako kasi panigurado kukunin nila 'yun sakin. Hindi naman sa ayokong makuha nila. Well, slight. Pero kasi respeto na din sa tao.

And speaking of his number, hindi ko pa pala siya tinetext. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko. Ang awkward kasi kapag “hi” lang. Err..

Buti naman at nag-bell na, hindi ko na kasi ma-take makita pa yung mukha nilang dalawa ni Carlo. Kung dati pinagdadasal ko na sana mag-extend pa kahit konti 'yung time namin sa Bio pero ngayon, gustong-gusto ko nang matapos ito.

“Patext na, Shinie!!!”

“Oo na. Oo na.” sabay bigay ko ng phone kay Mimi. “Basta bilisan mo, may klase pa ako.”

Ilang minuto ata ng pangangalikot niya sa phone kong pipitsugin ang nakalipas bago niya binalik ulit ito sakin. Take note: with creepy smile on her face. Weird.

“Nako Shinie, kaibigan pa ba kita?” patawa-tawa niyang sabi sa'kin.

“Oo naman!”

Umiling-iling lang siya. “ SIGE NA! MALELATE KA NA! BABUSH!”

Pagpasok ko sa Math classroom, ibang aura ang naabutan ko. Kaya pala, wala si Marco. Wala 'yung nakangiting lalaking laging nakakapagpagaan ng loob ko. Kainis naman oh, kung kelan kailangan ko siya ngayon. Kung kelan kailangan kong humugot sa kanya ng kasiyahan. Dun pa siya wala.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon