Chapter 29

27.1K 457 15
                                    


CHAPTER 29: DON'T AVOID ME

“She straightens her hair, puts on her eyeliner, glosses her lips and takes one last look in the mirror.. All for the boy who will never care.”

Pinasadahan ko ng iron ang hanggang waist-length ko na buhok at nang makarating na sa dulo’y inikot ko ito para makorte ang curls na gusto kong maattain. After ng ilang minutong pag-aayos, pinagmasdan ko na ang sarili ko sa salamin.

Wow. Nagawa ko talaga ‘to? Eto ba ang nangyayari sa mga taong heartbroken? Para ma-uplift ang sarili eh nagpapaganda ng todo?

I touched those big and wavy curls that’s freely falling on my shoulder. I stepped sideways at natuwa ako sa pagbounce nun at ang pagsunod sa katawan ko. I twinkled my eyes emphasizing my eyelashes na pinahaba at pinakapal pa ng maskarang binili sakin ni Mimi.

Kahit na ayaw na ayaw ko sa liquid eyeliner, nagtiyaga pa din akong patuyuin yun. Tinulungan pa nga ako ni Ian sa pag-iihip nun,  na naging matagumpay naman. Hindi ako naglipstick. Tinry ko yung lip tint na binigay din sakin. And look what the magic it did. Mas lalong pumula ang labi ko pero yung pulang aakalain mo eh natural..

“Anak! Bilisan mo na’t baka malate ka!”

“Opo, Ma!”

One last glance in the mirror. Sabi ng mga magulang ko, maganda ako. Sabi naman nila, plain ako. Well, why not disprove them?

***

“Shinie?! Anong meron?” bungad sakin ni Mimi pagkapasok ko sa Biology room.

Nagkibit-balikat lang ako at dumere-deretso sa pwesto namin. Ramdam ko din yung mga tingin este titig ng mga kaklase ko habang naglalakad ako. Stand straight, Shinie. Keep your chin up!

“Uy!!!” pinoke niya naman ako sa tagiliran.

“Yep?” syempre, ako naman si maang-maangan.

“Bakit..” tiningnan niya ako from head to foot. Nakakapangilabot yung ginagawa niya. Napahawak tuloy ako sa aking blazer na humaharang sa sleeveless ko na floral dress. Opo, nakadress ako ngayon. “..ang ganda mo ngayon?”

Napabungalit ako ng tawa. Grabe naman tong si Mimi!

“Haha! Masama na ba ngayong magpaganda? Tsaka dati pa ako maganda!”

“Tell me, Shinie!!!”

Nakapout na siya sakin habang niyuyugyog ako sa magkabilang balikat. Ayoko talagang sabihin sa kanya. Ayokong magopen-up sa nangyari. Nahihiya na ako sa sarili ko. Ba’t kasi ang bilis kong mag-assume? Yan tuloy, ang bilis kong masaktan. At eto lang ang tanging alam ko para iregain ang self-esteem ko. Ang self-confidence ko.

Beyond Reaching You [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon