Chapter 28

4.9K 225 15
                                        

Jazmine Allison

"Hindi ko ito na-imagine Risen." Panimula ni Tita Xen habang nakasandal ito sa sasakyan ko. Sumubo si mama Risen ng isang chip.

"Na ano?" Takang tanong ni mama dito.

"Na darating tayo sa puntong ito. Noon, si Miss Reyes lang ang tinatakot natin. Now, Jazzy is such a fine young woman and here we are, to rescue the love of her life."

"Thank you, Tita."

"Alam mo naman, walang nakakalusot sa akin. Ngayon pang alam kong ang lalaki rin na iyon ang may pakana sa pagkawala ng preno ng sasakyan ng anak ko. Kilala mo ako Xen, kapag buhay ang kinuha, buhay rin ang kapalit but since my daughter is alive. Isang itlog non ang nakasanla sa akin." Saka ito tumawa.

I cringe. "Iww ma."

Natawa rin si Tita Xen. "But yes, ako nga noong may nanligaw sa anak ko. Kinarate ko talaga."

Tinignan ko ang orasang pambisig ko at nakitang maga-alas dyes na ng gabi. Dalawang oras na itong wala. I'm still not worried dahil nakasubaybay rito si Tita Swan.

Chinat ko na rin si Ate Natalie kanina if she can do something para bumagsak ang chains of hotel ng mga Torilla at umuo naman ito. Gusto kong lumabas ito sa headlines kinabukasan.

Kung ano man ang mangyari ngayong gabi ay hiwalay sa magiging kaso ni Liam. Pipilahan ito ng patong patong na kaso simula sa criminal mischief vandalism, attempted murder, intimidation, and uttering threats.

"Mabuti na lang mabait pa rin ako kahit papaano. Asawa ko lang naman ang binastos ko ng husto."

"Mama!" Awat ko rito. Ayokong marinig ang mga ginawa nito kay mommy noon.

Ilang sandali pa ay nakita kong dumating na ang mahal ko. Hinatid ulit ito ni Liam. Mukhang nagtatalo ang dalawa sa loob ng sasakyan. Akmang lalabas na si Sofiera ng hablutin ni Liam ang braso nito ng marahas.

Pinigilan ako ni Tita Xen ng akmang tatakbo ako para saklolohan ito. Tita Xen tap my shoulder after.

"Patience Jazzy."

"How dare he para hablot hablotin ang manugang ko." Si mama Risen.

Ibinalibag ng kasintahan ko ang pintuan ng sasakyan at nagmamadaling pumasok sa gate ng subdivision ng pagbuksan ito ng mga gwardiya. Nakita kong sinuntok ni Liam ang manibela nito.

Pucha, akala mo siya itong syota kung makaasta.

Ng umalis ito ay sumunod rin ang sasakyan ni Tita Swan na nakabuntot rito.

"And the time has come." Si Tita Xen saka ito pumasok sa sasakyan nito ganun din si mama Risen. Pumasok rin ako sa sasakyan ko at agad itong pinaandar. Sinundan namin ang sasakyan ni Liam. Medyo natagalan na ang biyahe namin, siguro ay nakahalata na si Liam na may sumusunod rito kaya ng matapat kami sa madilim na parte ng daan ay mas binilisan nito ang patakbo.

But he's only using a normal car samantalang pangkarera ang sa amin. Agad itong binuntotan ni Tita Swan, I saw Tita Xen and mama Risen's car accelerated. Inunahan nila si Tita Swan at inipit ang sasakyan ni Liam. Mabuti na lang at wala ng mga sasakyang makakasalubong. Sakop na kasi namin lahat ng espasyo ng kalsada ngayon.

Inapakan ko ang accelerator at sumibad ng husto ang sasakyan ko. Inunahan ko si mama Risen at ng malagpasan ko silang lahat ay bigla akong nagpreno at binalandra ang sasakyan ko sa gitna. Lahat sila ay tumigil kahit si Liam.

Agad na bumaba si mama Risen at Tita Xen, parehong may hawak na baril. Mabilis din akong bumaba ng makita si Liam na nakataas ang kamay na bumaba sa sasakyan nito habang si Tita Swan ay simpleng nasa likuran at nakasandal sa sasakyan nito.

Kinuha ko ang baseball bat sa likuran ng sasakyan ko. Huminga ako ng malalim.

I can do this, I just need to close my eyes and hurt him once.

Naglakad ako papunta rito ng makitang napahiga ito ng sapakin ni mama Risen ng baril.

Am I really doing this with my mama?

Napalubo ako ng mga pisngi ko.

"Ano na Jazzy? He's here." Si Tita Xen.

Nag-angat ng tingin si Liam at kumunot ang noo nito sa akin. Dugoan ang putok na kilay nito.

"Ikaw?! Putang-" Nangasim ang mukha nito ng pasakan ni Tita Xen ng kalahating lemon ang bibig nito na kung saan galing ay hindi ko alam.

Nagkibit ito ng balikat. "I'm prepared at alam ko ng masama talaga ang tabas ng dila ng mga lalaki."

Natawa si mama Risen at Tita Swan ng idura iyon ni Liam habang hindi pa rin maipinta ang mukha nito.

"I told you to stay away from Sofiera!"

"Iyan pa rin ba ang issue mo?"

Ngumisi ito sa akin. "And why not? She's mine in the first place."

"I told you, you're messing with the wrong person Liam. Hindi ka nakinig and worst you tried to kill me that day when you came to see me just to threaten me."

Tumayo ito pero isang sapak ang natamo nito kay Tita Xen kaya napasandal ito sa sasakyan nito ng mahilo.

Natawa ito na parang nababaliw.. No- he's really crazy. Isa itong psychopath.

"Anyways, masarap siya alam mo iyon?" Nang-uuyam na tanong nito dahilan para magdilim ang paningin ko. "She gave me the most amazing night, baka sa susunod kung mapalad ka. Isa ka sa magiging ninang ng dinadala niya ngayon- Aray! Putang ina!" Atungal nito ng walang sabi sabing ubod lakas kong pinalo ang tuhod nito ng baseball bat na hawak ko.

Hindi ako nakuntento at isang beses pa dahilan para mas lalo itong sumigaw ng mabali ang tuhod nito bago nawalan ng malay. Napasugod si Tita Swan para tignan si Liam.

Nakangangang nakatingin sa akin si mama Risen habang nanlalaki ang mga mata ni Tita Xen. Nabitawan ko ang hawak na baseball bat habang malalalim ang aking paghinga.

"Anak?" Si mama Risen. Tinitigan ko lang si mama.

"Oo anak mo siya, tanga. Bumalik sa akin iyong panahon na nagbabasag ka kapag nagagalit." Si Tita Xen.

Tinapik ni Tita Swan ang pisngi ni Liam pero wala itong reaksyon.

"I-Is he dead?" Tanong ko rito.

"No, he passed out due to vasovagal syncope or extreme pain."

Mabilis akong lumapit at tinadyakan ang dibdib nito ng ilang ulit bago pa makakilos si mama Risen at Tita Xen.

"Oy pucha! Anak awat na!" Mabilis na nailayo ako ni mama Risen dito pero nakahabol pa ako ng isang tadyak.

"Catastrophic. I very much like it Jazzy." Si Tita Xen.

Napahinga ako ng isang malalim. "I want to kill him. Does he meant ginalaw niya si Sofiera?"

"Only Sofiera can answer that." Si Tita Swan.

I gritted my teeth in anger. Susugod sana ulit ako kay Liam ng hawakan ako ni mama Risen at Tita Xen.

"Anak ako naman papatayin ng mommy Allison mo."

"Uwi na, kami ng bahala rito." Si Tita Xen.

Kahit ayaw ko pa ay hinatak na ako ni mama Risen at ito na mismo ang nagpasok sa akin sa sasakyan ko.

"Let's go home and tell no one about this, ok?"

Tumango ako rito.

"Mama." Lumingon ito sa akin ng akma na itong papalayo. "I can kill next time."

Napakamot ito sa leeg nito. "Ayokong madivorce sa mommy mo."

"Di pakasalan mo ulit."




Napaawang ang mga labi nito.

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon