Chapter 35

4.6K 188 12
                                        

Sofiera

Isang buwan na ang nakakalipas simula noong dinakip ako ni Tita Risen at dinala sa pribadong isla ng mga ito. Ibig sabihin ay isang buwan na rin simula noong makuha ni Jazzy sa akin ang bagay na iniingatan ko. Wala naman akong pinagsisisihan kasi mahal na mahal ko ito pero simula noong makabalik kami ay parang naging limitado na lang ang oras nito sa akin.

Napabuntong hininga ako bago hinilot ang sentido ko.

Binibigyan naman ako nito ng oras pero hindi sapat. Mas marami kasi itong oras sa ibang mga bagay at nag-aaral pa ito. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa ngayon.

Narinig kong may kumatok sa pintuan ko. Napaangat ako ng tingin at nakita ang matalik kong kaibigan, si Mikaela Rielle o mas kilala na ngayon bilang Mrs. Howard. The events of her life dramatically changed katulad ng pagpapalit ng apelyido nito dati, from Mrs. Knutson to Miss Adicof to Mrs. Howard.

"What are you doing here?" I asked. Nasurpresa talaga ako. Hindi pa ito pwedeng bumalik sa trabaho since naka-maternity leave ito ng isang taon.

"I got some papers from Mommy Frances's office, so I decided to drop by to see you." Lumapit ito sa akin dala ang isang folder.

Magdadalawang buwan na simula ng ito ay nanganak pero wala man lang nagbago sa katawan nito.

"​And you need to sign it. Every professor had to sign for some extra bonus from Tita Snow." Inopen nito ang folder at tinuro nito sa akin ang mga pipirmahan ko. "Here, make it quick because my daughter is waiting for me at home. I can't rely too much on my mother-in-law, nakakahiya."

Mabilis kong pinirmahan ang mga tinuro nito.

"You're really lucky to have such kind and helpful in-laws. Palagi lang silang nandiyan para alalayan kayo ni Dominique kay Vega." Wika ko, kinuha nito ang folder.

"The entire clan is fortunate, not just me. You are too, Jazzy's mom- Tita Allison is amazing. Besides, I'm afraid they're going to spoil my daughter. Alam mo na, una at nag-iisang apo."

"That's for sure."

"Well, you are more lucky. Especially Tita Risen, ganun lang iyon but she's always funny and they genuinely love you. I can see their affection for you and how much everyone cares about you."

Napangiti ako rito. "Siguro nga, napakaswerte natin sa kanila. Hindi sila mapagmataas kasi kung hindi, matagal ng nabaon ang pagmamahal na meron ako kay Jazzy."

"Touche. I'll see you this weekend if we'll have a family dinner again."

Nakasanayan na kasi ng buong pamilya na kumain every weekend ng sabay sabay. Dati na raw iyon nangyayari kaya namamangha talaga ako sa relasyong meron ang mga ito. Gusto ng mga itong masiguro na kahit lumalawak ang henerasyon ng mga ito ay nananatili pa ring malapit sa isa't isa.

Tumango ako rito. "Drive safe. I'll see you." Tumayo ako at bumeso rito.

Ng makaalis ito ay nahulog ulit ako sa malalim na pag-iisip.

Jazzy, what's keeping you busy these past few weeks?





*****




Pagdating ko sa bahay ay nakita kong nakatayo si Jazmine at nakasandal sa sasakyan nito. May hawak itong bulaklak kaya napangiti ako. Kahit medyo nagtatampo ako dahil sa kakulangan nito ng oras sa akin ay hindi ko maitatangging namiss ko ito. Hindi ko rin naman ito matiis.

Bumaba ako ng sasakyan. Nakangiti ito at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Hi my love!" Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi. Yumakap ako rito pabalik.

"Namiss kita." Wika ko.

"Aww!" Kumalas ito sa akin at binigay ang bulaklak. "For you at pasensya na kung abala ako sa mga nakaraang araw sweetheart. May mga pinapaayos sa akin si mama Risen sa opisina na mga papeles."

Hinapit ako nito at ipinulupot ang mga kamay sa beywang ko bago halikan sa labi. Awtomatikong naikawit ko ang mga kamay sa batok nito at tumugon sa halik nito.

I love her soft lips and tender kisses.

"I love you." Wika nito ng maghiwalay ang mga labi namin.

"I love you too." Pinatakan ko pa ng isang halik ang mga labi nito. "Tara sa loob." Hinawakan ko ang kamay nito pero kumalas ito ng hawak sa akin.

"Saglit lang sweetheart." Umalis ito at pumunta sa sasakyan ko para kunin ang mga gamit ko. "I don't want you to leave your stuffs behind."

Napangiti ako rito. "Thank you." Kinawit ko ang kamay sa isang braso nito bago pumasok sa bahay ko.

"Maliligo lang ako saglit love. Make yourself at home kung nagugutom ka, you know where to grab food. Saglit lang ako."

"Magbihis ka na rin love. Lalabas tayo."

Tumango ako rito at umakyat sa kwarto dala ang mga gamit ko. Inilapag ko ang mga ito sa table ko at dumiretso sa banyo para maligo. Ng matapos ay nagpatuyo ako ng buhok bago nagsuot ng isang summer casual dress. I can pair it with high heels or a white sneakers since hindi ko alam saan kami pupunta at tatanungin ko pa lang si Jazzy mamaya.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko pagkatapos ko itong suklayin. Naglagay ako ng light make up sa mukha ko at lipstick sa labi, a shade of ruby. Ng makuntento ako ay nagwisik ako ng pabango.

"Where are we going?" I asked ng makababa ako at madatnan itong nakaupo sa couch.

Napangiti itong tumayo at lumapit sa akin bago ako nito hapitin ng mahigpit at patakan ng halik ang mga labi ko.

"You're really driving me crazy. You're fucking gorgeous-" I peck her lips para matigil ito sa pagmumura. "Anyways, you look stunning. Palagi naman."

"Thanks my love."

"You can just use a pair of white sneakers."

Kumalas ako rito at ibinigay ang sling bag ko. Kinuha naman nito iyon kaya lumapit ako sa may shoe rack na nakakubli sa isang pintuang malapit sa main door. Kumuha ako ng isang pares ng puting sapatos at saka ito isinuot.

"Let's go."

She beamed. "Pwedeng dito na lang tayo? Parang mas gusto na lang kitang gawing hapunan ko kaysa lumabas."

Nawala ang ngiti ko. "Pagkatapos kong mag-ayos saka ka magsasabi ng ganyan? And I don't think I'm in the mood to get naked and eaten kung hindi sapat ang naging oras mo sa akin sa mga nakaraang linggo kaya manigas ka."

Natawa ito bago lumapit sa akin. "Nagbibiro lang sweetheart. Tara bago ko totohanin ang banta ko. Wasak ka ulit kapag ikaw binembang ko."



The heck is that?

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon