Chapter 36

4.6K 184 10
                                        

Sofiera

Dinala ako nito sa isang malaking gusaling nagagawa pa lang kaya nagtataka ko itong tinignan.

"Bakit tayo nandito?" Obviously kahit gabi na ay may mga construction workers pa ring nagta-trabaho.

"Well, gusto ko lang malaman mo na kapag nagsama na tayo sa iisang bahay. Responsable ako kahit bata pa." She beamed dahilan para matunaw ang puso ko rito.

Kahit hindi ito mag-trabaho ay super yaman ng angkan nito. Mabubuhay pa rin but it doesn't mean na kahit magsama kami, I have to depend on her o sa kanila. Besides, mas gusto kong nagta-trabaho at may sariling income. May kaya rin naman kami kaso ay walang wala pa rin iyon pagdating dito. At mas lalo pa akong napre-pressure kapag sumasagi sa isipan kong hindi lang basta basta ang pamilya ng magiging live in partner ko.

"Nakikita ko naman iyon love."

"I still want to prove you how much I love you." Napangiti ulit ito. "At hindi dahil sa mayaman ang angkan ko, hindi na kita kayang panindigan. I still want to work for us at para sa kinabukasan ng magiging anak natin."

Namula ako sa sinabi nito. She's really planning na ibahay at anakan ako.

"Gusto ko lang malaman mong seryoso ako sa iyo at may mga plano ako sa buhay, marami akong plano para sa atin."

"I know you're serious love. Wala ka naman dapat patunayan, nakikita ko naman iyon sa iyo."

Kinuha nito ang kamay ko saka ito halikan. Kahit may mga manggagawa na tumitingin sa amin ay parang wala itong pakialam.

"This." Iminuwestra nito ang matayog na building. "Tita Snow built for me and Dominique para daw kapag nakapagtapos na kami sa pag-aaral, may firm agad."

Napalunok ako. Just how wealthy and generous her Aunt Winter Snow is. I can't imagine their bond, care, and love for each other. I just can't with this family.

"Dahil ayaw naming hawakan ni Dominique ang school at sa amin iyon ipapamana."

Napabuntong hininga ako. "I don't want to hear kasi nalulula ako. Ayaw kong manliit sa sarili ko-"

"Hindi mo naman dapat minamaliit ang sarili mo sweetheart." Pinisil nito ang kamay ko. "Trust me, si mama Allison walang wala sila noon at magsasaka lang din ang lolo ko dati pero dahil sa pagmamahal ni mama Risen at kabutihang loob niya. Naging mas maayos pa ang buhay nila. Mas masarap mabuhay kasama ang taong mahal mo saan man yan galing at sino pa man. Ang mahalaga, masaya at kontento ka sa taong iyon."

"Pero-"

"And please don't ever listen sa sasabihin ng ibang tao. Distraksyon lang sila at kapag hinayaan mong panghimasukan nila ang iniisip mo, maaapektuhan tayo. And that's the least thing I want to happen. Ikaw lang ang mahalaga sa akin at hindi ang opinyon ng ibang tao."

I can't help kung hindi ang lumambot ang puso ko. She's so young para maging sobrang matured nitong mag-isip.

"Hindi rin ibang tao ang magdidikta sa akin kung anong nakakabuti at makakapagpasaya sa akin. Hindi sila ang magsasabi ng dapat kong gawin. If I have to listen, dapat galing sa pamilya ko at dapat pagpapayo lang. In the end, desisyon ko pa rin ang masusunod."

Kinabig ko ito at niyakap. "I don't want to cry. All I can say is I have many flaws, hindi ako perpekto pero magiging mabuti akong kasintahan sa iyo."

"Sweetheart, dinala kita dito para sa planong ibabahay na kita. Kasintahan na kita ngayon kaya bakit ako magsasabi ng planong pangmatagalan? E di sana binembang na lang pala kita kanina."

Mahinang hinampas ko ang likuran nito kaya natawa ito.

"Stop using foreign language dahil hindi ko maintindihan." Kumalas ako rito. "Why are they still working? It's night time already, shouldn't they be at home and resting at para makasama nila ang mga pamilya nila?" Curious kong tanong tungkol sa mga construction workers. Hindi naman kasi ako sanay makakita ng nagta-trabaho sa isang matayog na gusali sa gabi.

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon