Jazmine Allison
Nag-aalala akong napatingin sa Doktor. Nasa hospital kami ngayon dahil kaninang umaga ay nabulabog kami ng sumakit ang tiyan ng asawa ko. And now she's in labor habang ang higpit ng hawak nito sa aking kamay na parang babaliin na nito lahat ng mga daliri ko.
"Dok baka pwedeng i-cs na lang-"
"I said no! I can do it! Ayokong ma-cs!" Frustrated na saad ng asawa ko.
"Pero nahihirapan ka na at ayokong nakikita kitang ganito love-"
"For goodness sake! It's part of the process!" Napahinga ito ng malalim. "Tang ina Jazzy! Ang sakit!"
Napakagat labi ako dahil sa sobrang pag-aalala. Pinagpapawisan rin ako dahil sa kaba.
"You can do it anak." Si mommy Allison habang pinupunasan ang mukha ng asawa ko. Hinahaplos naman ng mommy nito ang buhok niya.
"Ang sakit po." Naiiyak na ito.
Gaano na ba ito katagal nagle-labor? Magsa-sampung oras na yata at kanina pa pabalik balik ang Doktor para tignan kung ilang inches pa.
Dumukwang ako para halikan ang sentido nito. Ayaw naman nitong ma-cs at wala rin naman akong magagawa para tulongan ito sa sakit na nararamdaman nito.
"Kaya mo iyan love nandito lang kami. Ilang sandali na lang makikita na ang baby natin." Hinalik halikan ko ulit ang sentido nito para kahit papaano ay kumalma ito.
"Hindi na ito mauulit." Naiiyak itong umiiling na nakatingin sa akin. Seeing her go through this ay hindi na talaga mauulit. Naaawa ako at naiiyak na rin sa kalagayan nito.
"Hindi na ok? I'm ok with one."
Pinunasan ni mommy Sibyl ang leeg nito. Kaming tatlo lang ang nasa loob dahil si mama Risen at daddy Fitzroy ay nasa labas and only them who knows kung ano ng pinag-uusapan ng mga ito. Huwag naman sana akong ipahiya ni mama Risen sa father in law ko.
I swear I want my mama's mouth shut all the time.
"Ang sakit sakit na!" Sigaw nito habang umiiyak at umiiling.
Pinunasan ni mommy Allison ang mga luha nito. Pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak nito sa akin pero hindi naman ako makapagreklamo. Mas matindi ang nararanasan nito ngayong sakit.
Napatingin ulit ako sa Doktor. "Dok?"
Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko. Ayaw naman nitong ma.cs.
"Oh fuck! Ang sakit!" Napahinga ito ng malalim bago napasigaw sa sakit. "Hindi ko na kaya!" Napasigaw ulit ito. Parang sunod sunod na nga ang paghilab nito.
Lumapit si Doktora at pinasok nito ang kamay sa loob ng dress ng asawa ko.
"Dahan dahan! Matatadyakan kita!" Sigaw rito ni Sofiera.
"She's fully dilated. She's ready to deliver the baby." Pumwesto agad ito sa gitna at agad umalalay ang mga nurses sa paligid. "Kapag humilab. Sabayan mo ng mahabang ire."
"Oh fuck!"
Hindi ako tumitingin pero naaawa na ako sa mga sigaw nito dahil sa sakit. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ko narinig ang pag-iyak ng isang sanggol. Pati ako ay nagiging emosyonal dahil sa wakas ay natapos na rin ang paghihirap ng asawa ko at makikita ko na ang anak namin.
"It's a healthy baby girl!" Inilagay ang baby sa ibabaw ng dibdib ni Sofiera. May mga dugo pa ito.
Hinalikan ng asawa ko ang baby namin pero kapagdakay pumikit ito.
"Love?" Tinapik ko ng marahan ang pisngi nito. "Sofiera!" Pero hindi ko ito magising.
"Her heartbeat getting slower and low pulse rate. Lumabas po muna kayo."
"No! I'm not leaving my wife!"
*****
Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga. Hawak ko ang kamay ng asawa ko at hinahalik halikan ito. She's stable now pagkatapos nitong mag-agaw buhay kanina sa panganganak.
Hindi ko kakayanin kapag may nangyari dito na hindi maganda kaya wala ng magbabago sa desisyon ko na isa lang ang magiging anak namin. I saw how she suffered and it's too much for me to bear.
Maya maya pa ay pumasok na sina mama Risen, mommy Allison, mommy Sibyl at daddy Fitzroy. Nanggaling ang mga ito sa nursery para tignan ang kanilang apo.
"Magpahinga ka muna anak. Kami na muna ang magbabantay sa asawa mo. Higa ka doon sa couch." Isang suite room ang kinuha namin sa pribadong hospital.
"Ayoko mommy. Kumusta po ang anak namin?"
"Syempre nandoon tulog. Ang gandang bata anak manang mana sa amin, diba balae?" Baling ni mommy Allison kay mommy Sibyl.
Itong si mommy Allison minsan ay talagang sinungaling din.
Kunway napaubo si mama Risen.
"Syempre balae. Kanino ba naman magmamana ang apo natin?"
Mga buang.
Kinalabit ako ni mama Risen bago ito bumulong sa akin.
"Alam ko iyang ganyang tingin mo anak. Tama ka, ilusyunada silang dalawa. Sa asawa mo nagmana kasi syempre maganda talaga si Sofiera."
"Tama mama." Bulong kong sang-ayon rito.
"Pero mas maganda ako." Saad nito bago lumayo sa akin at naupo sa couch.
Isa ka ring sinungaling mama. Ilusyunada pa.
"Have you thought any names already hija?" Tanong sa akin ni mommy Sibyl. Nakangiti ito ng matamis na kahit si mommy Allison ay halatang naghihintay.
"Meron na po mommy. We'll call her Savienne Josefa Melchora Sima Orosa Gregoria Fin Giudevaun."
Nahulog si mama Risen mula sa couch. Natigilan si daddy Fitzroy at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nina mommy Allison at mommy Sibyl na halos lumuwa ang mga mata kasabay ng pag-awang ng bibig ng mga ito.
"Y-You what?!" Kahit nanghihina pa ay ramdam ko ang galit sa boses ng asawa ko.
It's a prank lang naman e although gustong gusto ko kasi unique siya.
"Jazzy! You registered our baby's name without waiting for me? Diba nag-usap na tayo tungkol diyan?!" Nanggigigil nitong pinisil ang kamay kong nakahawak sa kamay nito.
Napangiwi ako.
"Anak naman!" Reklamo ni mama Risen.
"Maganda na e pero bakit dinagdagan mo pa at ang haba ng sobra." Reklamo ni mommy Allison.
"I honestly have no words." Si mommy Sibyl.
"So what would be her nickname?" Si daddy Fitzroy.
"Ah.." Napatingin ako sa asawa kong nanlilisik ang mga mata. Ganito ba kapag kapapanganak? Parang iba na naman ang dadanasin ko rito.
"Pwede na po siguro ang Oryang dad." Sagot ko.
"What the heck! I will file a divorce!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Oh shit! Prank nga lang e!
*****
NO revision
whenever you cry, make somebody smile
earn a laugh from others
to get inspired
so, enjoy reading !
