Chapter 34

4.4K 177 8
                                        

Jazmine Allison

Pangiti ngiti ako habang kumakain kasalo ng buong pamilya ko. Kapag sinabi kong buo, as in buong angkan kasama na sina Tita Frances, ang matatalik na kaibigan nina mama Risen at Tita Snow na sina Tita Xen, Tita Swan, Tita Amber, at Tita Jen pati na ang pamilya ng mga ito.

Nandito pa rin kami sa private island resort ni Ate Natalie since dito ito ipinamana ni Tita Snow. Continuation ng selebrasyon sa birthday ni Tita Meadow, ang boo ni Tita Jen na mommy ng kambal na sina Medge at Tobias.

Besides, kahit Lunes ngayon ay nataon talagang holiday kaya imbes na umuwi kagabi ay nag-extend na lang ng isa pang araw total ay kompleto naman kami rito sa mga kagamitan lalo na ng pagkain. May mga tao rin kasing naitalaga talaga para pangalagahan ang islang ito.

"Are you ok hija?" Banayad na tanong ni Tita Snow sa kasintahan kong parang walang gana.

She woke up like that na parang masama ang pakiramdam. Tinanong ko naman ito kanina pero sabi nito ay ok lang. Napakagat labi ako ng maalala ang ginawa ko rito kagabi.

Hinalikan ko ang leeg nito pababa sa dibdib at binigyan ito ng malalaking hickeys, marking my territory. Sinabunotan nito ang buhok ko dahilan para mas lalo akong maging agresibo.

I told myself I will take it slow pero pagdating sa kanya, hindi ko pala kaya dahil para akong mababaliw rito. She's really driving me crazy.

Imbes na tanggalin ang suot nitong dress na pantulog ay pinunit ko ito at basta na lang itinapon sa kung saan. Hindi naman ito nagreklamo, imbes ay nanatili lang itong nakapikit na parang hinihintay kung anong susunod na gagawin ko.

Kagaya ng ginawa ko sa dibdib nito, tinadtad ko rin ng hickeys ang tiyan at puson nito bago nagdesisyong bumaba..

"Hija?" Natauhan ako ng marinig ulit ang boses ng Tita ko.

Napatingin ako sa kasintahan kong nasa tabi ko. Namumungay ang mga mata nitong nag-angat ng tingin. Halos nakatingin rito ang lahat. Hindi ko alam kung namumula ang mukha nito dahil masama ang pakiramdam o sa hiya.

"I'm sorry, Tita. Yes po, I'm ok." Malumanay na sagot nito.

Napatigil si mommy Allison sa pagkain at hinarap nito si Sofiera since sila ang magkatabi sa kabila.

"You don't look fine, anak." Inangat ni mommy ang kamay nito at sinalat ang noo ng kasintahan ko. "Ang init mo, may lagnat ka." Tumayo si mommy at hinawakan ang braso ng kasintahan ko.

"You're not supposed to come down and join us if you don't feel well hija. You can stay in bed and rest, maiintindihan naman namin iyon." Tinulongan nitong makatayo si Sofiera kaya napatayo na rin ako para tumulong sa pag-alalay rito.

"Excuse us." Si mommy Allison.

Inalalayan namin ito at dinala sa taas kung nasaan ang kwarto ko na inuukopa namin ngayon. Ng maihiga namin ito ay agad itong pumikit.

Kumuha si mommy ng plangganitang may maligamgam na tubig at binasa nito ang isang bimpo bago ito pigaan at nilagay sa noo ni Sofiera.

Nagpunta ako sa washroom kung nasaan ang first aid kit at mga gamot. Naghalughog ako rito para tignan kung may gamot na paracetamol. Nakakuha naman ako at chineck ko kung kailan ang expiration, malayo pa naman although aware naman akong nachecheck palagi ang mga stocks dito pero gusto ko lang din makasiguro. Nakakita rin ako ng vicks kaya kinuha ko na rin ito. Kailangan nitong mapahiran kahit sa sentido lang para kung nahihilo ito ay mabawasan kahit papaano.

Pagbalik ko ay matalim ang tingin sa akin ni mommy Allison. Hindi ako sigurado pero nag-iwas ako rito ng tingin. Takot ako rito diba?

Ng mailatag ko ang gamot sa bedside table ay naupo ako sa tabi ng kasintahan ko at nilagyan ng vicks ang hintuturo ko bago ko pahiran ang sentido nito. Hindi man lang ito gumalaw. Mukhang malalim agad ang tulog nito.

"Jazzy, follow me." Hindi ako sigurado sa tono nito. Lumabas ito ng kwarto kaya wala akong choice kundi ang sumunod rito.

"Bakit mommy?" Tanong ko ng maisara ko ang pintuan at tuloyan itong makaharap.

"Ginalaw mo siya." She's not asking, it was a statement.

Mulagat akong nakatingin rito. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko ng..

"At huwag na huwag kang magkakaila o magsisinungaling." Tinuro pa ako nito habang gigil na nakatitig sa akin.

"I told you na huwag mong tutularan ang mama Risen mo! I told you to do the right thing with Sofiera because she deserves better!" Kastigo nito sa akin.

"Bakit ako nasali diyan?" Tanong ng kadarating lang na si mama Risen.

"Ginawa niya kay Sofiera ang hindi dapat!" Mukhang nakuha naman agad ito ni mama Risen.

"Really? Wow anak! How is it? Tibay na talaga ng dibdib mo!" Tinapik pa nito ang balikat ko kaya napangiti ako, tinapik ni mommy ng ubod lakas ang kamay nito.

"Aray ko! Sweetheart naman! Sina-"

"Palibhasa ganun ka non sa akin kaya hayan! Now what?"

"Mommy, anong gagawin ko kung pagdating sa kanya, ang rupok rupok ko?" Katwiran ko dito.

"Kaya nga at saka anong problema doon sweetheart? Nagmamahalan sila saka they're both adults. Hindi naman na bata si Sofiera para pilitin ng anak natin sa isang bagay." Sang-ayon ni mama Risen.

"Kunsintidor ka talaga no? Isa pang salita mo, pagpuputolin ko lahat ng mga daliri mo at matutulog ka sa guest room hindi lang isang buwan kundi kalahating taon!"

Napatakip ako sa bibig ko. Si mama Risen ay kunwari'y zinipper nito ang bibig bago tumalikod at walang sabi sabing umalis.

Under talaga itong si mama. Nakakagawa lang talaga ng kalokohan kapag wala si mommy.

Bumaling sa akin si mommy. "You will do the right thing, Jazzy. Hindi mababang babae si Sofiera. Make it right hindi para sa iyo kundi bilang respeto at para may magandang maikwento sa anak niyo hindi kagaya sa mama mong tarantado noon at dinala hanggang ngayon."

"I am more than willing mommy. Maganda nga iyon para sa akin na talaga siya."

Tinitigan ako nito na parang nananantiya bago napabuntong hininga. "Of course, you're in love. Well, nangyari na. Ayaw ko lang na sumira ka sa usapan natin. Take care of her, painumin mo ng gamot, kailangan niya ng pahinga." Tumango ako rito. Lumapit ito sa akin at hinalikan nito ang noo ko bago ito umalis.

Pabalik na ako sa kwarto ko ng makita ko si mama Risen na naglalakad ulit. Mukhang may kukunin ito sa kwarto nila ni mommy.

"Mama." Tawag ko rito.

Nakangiti itong lumapit sa akin. "Yes anak?" Inakbayan pa ako nito.

"Gusto ko na pong pakasalan si Sofiera."

"Walang problema doon. Kailan mo gusto? Gusto mo ako ang maging planner niyo?"

Tinignan ko ito ng may pag-aalangan. I can't trust her at baka masabotahe pa ako. Pinasundo ko nga lang si Sofiera kahapon pero dinakip raw nito.

"Leave it to me, anak. Mama knows best." Kinindatan pa ako nito.


Maling desisyon yatang kinausap ko siya sa plano ko. Nasa maling tao ako, jusko!

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon