Jazmine Allison
"Nagbibiro lang ako love."
"Really? Do you think it's a joke? Savienne lang ang usapan natin. Bakit may Josefa? Melchora? Sima? Orosa at Gregoria! Tapos ang nickname niya Oryang?! Are you out of your mind Jazzy?!"
"Anak kumalma ka." Si mommy Sibyl habang hinahaplos ang balikat nito. "Hindi ka pwedeng mabinat."
Napabuntong hininga ito.
May kumatok ng tatlong beses bago ito bumukas. Two nurses came inside with the baby at ang isa ay may hawak na form.
"Heto na po si baby."
Kaagad itong kinuha ni mommy Allison. Lumapit si mommy Sibyl at nakitingin na rin ito. Tuwang tuwa ang dalawa sa anak namin.
"Ma'am pasulat na lang po dito kung anong pangalan ni baby." Ang isang nurse.
Napatingin sa akin ang asawa ko bago ito umirap. Kinuha nito ang papel.
"Savienne Fin Giudevaun." Wika nito na halatang pinaparinig talaga sa akin.
"Kahit iyong Orosa lang love." Hirit ko.
Binalik nito ang form sa nurse na parang walang narinig. Alam kong napag-usapan na namin ito pero ang sarap lang nitong pagtripan ngayon. Lalong gumaganda kapag nagsusungit.
"You can bury those old names six feet under the ground."
Grabe siya.
Ilang sandali pa ay ibinigay ni mommy Allison rito ang anak namin. Napangiti ako ng masilayan ang anak namin. Kamukha ito ni Sofiera.
I was in awe ng hawakan ko ang maliit nitong kamay and her tiny fingers held my point finger. My heart melted at pinigilan ko talagang huwag maiyak kahit parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya.
Dinampian ko ng halik ang noo ng asawa ko. "I love you both."
Sofiera smiled at me. "I love you most, Jazzy."
*****
Nagising ako ng may marahang tumapik sa pisngi ko at naramdaman ang pagdampi ng labi sa noo ko. Pagmulat ko ay nakita ko ang maganda kong asawa. Napangiti ako rito.
"Bumangon ka diyan. I want you in our room."
Nakatulogan ko na kasi ang ginagawa kong trabaho para sa isang malaking proyekto namin ni Dominique. Pagod talaga ako dahil pagdating ko kagabi galing sa trabaho ay kumain kaagad ako at naligo saka ako nag-alaga at nagpatulog kay baby Savienne. Ayoko kasing napupuyat ang asawa ko dahil ayokong magkasakit ito.
"I told you to stop taking your work at home. Gusto ko kapag umuwi ka. Sa amin ang oras mo."
Hindi ko naman ito palaging ginagawa. Tuwing may malaki lang kaming proyekto ni Dominique dahil kailangan matapos lahat ng mga paperworks bago ito simulan sa madaling panahon.
"Ngayon lang ulit my love." Mahinang wika ko bago tumayo.
Magkahawak kamay kaming lumabas mula sa pribadong opisina ko. Kakalipat nga lang namin sa pansamantalang tahanan namin. Hinayaan ko lang ang asawa kong gawin nito ang gusto nito para sa amin. She also manage our finances at wala sa akin iyon problema dahil kung anong akin ay sa kanya at anong sa kanya ay akin.
We moved out sa bahay namin dahil kahit hindi sabihin ng asawa ko ay nahihiya na ito kay mama Risen at mommy Allison. They supported us throughout her pregnancy and I understand kung gusto nitong bumukod kami. Kung doon din ito komportable ay all support lang ako.
At mas maganda rin talaga kung may sarili kaming space at privacy.
Nakabili na rin ito ng lupa at nagsimula ng magpagawa ng ibang bahay namin. This time ay ito mismo ang nagplano and because we have only one child at napagkasundoang hindi na mag-aanak pa ay hindi naman kalakihan ang pinagawa nito hindi kagaya sa bahay namin na talagang mansyon. She just want something homey at may sariling hardin at paglalaruan ang anak namin.
Nahiga ako sa kama at sumunod ito. Lumapit ito at nag-unan sa balikat ko at ipinulupot ang kamay sa beywang ko. Mas lalo ko pa itong hinapit bago halikan ang noo nito.
"Good night, love."
"I love you."
*****
Ilang buwan din bago tuloyang natapos ang bahay namin. I'm speechless when I saw the result. It was a very modern house pero simple lang ang loob nito. Walang maraming kagamitan.
A spacious living room with a big television, round long couch and a center table. May limang kwarto. Tatlo sa baba for guests room at dalawa sa taas. Our masters bedroom at kwarto ni Savienne. It was complete with own bathroom and walk in closet. And a spacious luxury kitchen.
And what stunned me was the garden. I thought it would be all just a flowering plants pero mali ako. Her version of garden is different dahil bumili ito ng mga malalaking drums ng iba't ibang grafted fruit bearing trees.
"Do you like it?" Sulpot nito sa tabi ko habang karga si Savienne na siyam na buwan na.
"I love it." Hindi ko mapigilang humanga lalo ng makita kong maayos ang pagkakalandscape dito. Parang pinaghalo lang ang buhay ko sa syudad at probinsya nina lola.
"Magpapatanim rin ako ng mga grafted coconut at maglalagay ng hammocks at swing chairs. Then I'll add some bamboo plants sa ilang corner para mas presko. Magpapatayo din ako ng patio with gazebo para kapag nabisita ang ilan sa bahay natin. We can grill some barbecue in the backyard."
"Thank you, love. I honestly have no words pero gustong gusto ko ang ganito. Simple pero sagana."
Kinuha ko rito si Savienne at hinalikan ang pisngi nito. Parang wala ito sa mood ngayon dahil kagigising lang. Gusto lang nito kadalasan ang mommy nito kapag nagugutom dahil kailangang dumede pero mas gusto ako nitong sinasamahan dahil palagi ko itong kinakarga tuwing namamasyal. She knows where the fun is.
Hinaplos haplos ko ang likuran nito at inayos naman ni Sofiera ang maliit na pony tail nito. She has a light brownish hair hindi kagaya sa ibang bata na ipinanganak na kalbo. She has a thick hair when she came out. Pagkatapos ay inayos nito ang maliit na towel na nilagay sa likuran nito.
Sofiera always make sure na naaalagaan ng tama ang anak namin kaya hindi ko maimagine kapag lumaki na ito at bubuo rin ng pamilya at iiwan din kami. Sigurado akong iiyak ang asawa ko.
Napatigil kami ng marinig na tumunog ang doorbell mula sa bahay. Nagkatinginan kami nito.
"Baka iyong babae mo na iyan."
Kumunot ang noo ko rito. "Love wala akong naging babae o babae. Ikaw lang."
Natawa ito ng mahinhin bago dampian ng halik ang labi ko bago ang pisngi ni Savienne.
"Si Luane. I invited her to come over to give me some ideas what to add in our house." Natatawa pa rin ito ng iwan kami sa likuran.
Si Ate Natalie.
Baliw.
