Jazmine Allison
Imbes na dalhin si Sofiera sa kung saan ay dumiretso kami sa bahay nito. Hindi ako umiimik at panay lang ang sulyap nito sa akin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko rito.
Nararamdaman kong para akong bomba ngayon na handang sumabog pero ayaw ko naman itong pagsalitaan. I am not like mama Risen na irrational. I always listen bago ko ibuka ang bibig ko, in that way ay hindi ako mapapahamak o makakapanakit.
Ng makarating kami sa bahay nito ay walang imik kong ipinark sa labas ang sasakyan ko. Nagpapakiramdaman kami nito hanggang sa marinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Love, iniiwasan mo ba ako?" Tanong nito.
Hindi pa ba halata sa tatlong araw na ngayon?
"I gave you space and time to think." Mahinang wika ko. Gusto kong maging mahinahon.
Hindi ito nagsalita.
"I know everything, Sofiera." Patuloy ko. "Alam ko lahat ng nangyayari sa iyo dahil lahat ng iyon ay nakasubaybay ako."
Binalingan ko ito ng tingin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha nito ngayon pero nananalamin sa mga mata nito ang sobrang lungkot.
"Alam ko rin kung bakit naaksidente ako. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan mong magsinungaling at pagtakpan ang lalaking iyon."
"I.. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Ang sabi niya papatayin ka niya kapag hindi ako sumunod sa kanya at natakot ako kasi noong maaksidente ka, may hinala na akong siya ang may gawa at inamin naman niya sa akin. Kapalit non dapat ay sumama ako sa kanya-"
"You know you could've come to me at sinabi mo na lang sana-"
"H-Hindi ganun kadali Jazmine!" Tumulo na ang luha nito and I hate it! "Bago pa lang ang relasyon natin at ayokong magdala ng gulo. Nahihiya ako sa iyo, sa pamilya mo-"
"Hold on." Itinaas ko ang kamay ko rito to stop her from talking. "Sino ba dapat rito ang nagdadamayan hindi ba tayo? Hinihintay kong maging honest ka, Sofiera."
"I'm sorry I don't know what to do! Gulong gulo ako love. Please, forgive me."
Napabuntong hininga ako.
"Why are you asking for forgiveness?" Wala sa sariling tanong ko rito.
If someone's asking for forgiveness, kailangang alam nito kung saan ito nagkamali.
"Because I made a mistake for not telling you. For not needing you, na hindi ako naging honest sa iyo."
Pinagkrus ko ang aking mga kamay sa aking dibdib bago diretsong tumingin sa harapan.
"Ginalaw ka ba ng hayop na iyon? Tell me dahil tutuloyan ko talaga siya. Kulang pa ang ginawa ko sa kanya."
"A-Ano? Ikaw ang dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon?"
Tumingin ako rito ng seryoso. "Yes. Lahat ng headlines about kay Liam about him being in the hospital, about his crimes, ang pagbagsak ng chain of hotels nila ay kagagawan ko at ni Ate Luane. So, did that pyscho force you?"
"No." Umiling ito sa akin. "Hindi niya ako ginalaw. He tried to take advantage of me pero hindi ko siya hinayaan. Lumabas lang kami dahil nagpilit siyang makipag-date at dahil ayaw kitang mapahamak ay sumasama ako sa kanya. Why would I get pregnant kung sa iyo ko lang gustong ibigay ang bagay na iyon?"
Napahinga ako ng malalim. Fuck you Torilla.
"What makes you think na papatol ako doon? Kontento ako sa iyo, mahal kita Jazzy."
"Dahil sinabi niya sa akin kagabi na dinadala mo ang anak niya kaya nagdilim ang paningin ko."
Mulagat itong nakatingin sa akin habang hilam ng luha ang mga pisngi nito.
"Jazzy, ayokong maging masama ka ng dahil sa akin."
"If I have to just to protect you, yes I can be evil. Kaya kong pumatay para sa iyo."
"Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang mo, ng buong angkan niyo kung malaman nilang gumawa ka ng mga bagay na hindi nila ikakatuwa ng dahil sa akin."
"Don't mind what they're thinking saka sanay na ang buong pamilya ko. Kasama ko rin si mama Risen kagabi, si Tita Xen, at Tita Swan. Mama Risen knows and she likes it, sayang inawat nila ako ni Tita Xen dahil kung hindi. Hindi lang sa hospital pupulotin si Liam kundi pinaglalamayan na ngayon ang hayop na iyon."
Dahan dahan nitong inabot ang mga pisngi ko at hinaplos ito sending a warm feeling in my heart.
"Ayokong maging masama ka. Mangako ka sa akin na hindi ka na mananakit pa ng iba Jazzy. You have a pure heart and I want it to stay that way."
Hinawakan ko ang mga kamay nitong nakahawak sa aking mga pisngi. Binaba ko ito pero hindi ko binitawan.
"Then marry me. In that way kapag nagsama na tayo, mapapanatag ako at para walang rason na mahiya ka sa pamilya ko. Alam mong gustong gusto ka ng mga magulang ko para sa akin, Sofiera. At kahit wala doon si mommy Allison kagabi kapag nalaman niya ang ginawa ni Liam sa akin at sa iyo, uutosan pa non mismo si mama Risen para itumba siya."
Natawa ito bago lumapit at niyakap ako.
"I love you Jazzy."
"No more secrets?"
"No more."
Lulubos lubosin ko na para mapikot ko ito sa mas lalong madaling panahon.
"Will you be my wife?"
Naramdaman ko ang pagtango nito. "Yes, I will be your wife, Jazmine Allison."
Napangiti na ako bago yumakap pabalik rito.
"I love you, Miss Fin."
"I love you too, boo."
Natawa ako rito, parang kailan lang nong pinagseselosan nito si Ate Natalie Luane.
Kumalas ako ng yakap rito bago kinuha ang isang kahon ng singsing sa compartment ng sasakyan ko. It's an engagement ring na nakareserba, may isa pa sa bahay at nakalaan talaga ang dalawang ito para sa kanya.
Binuksan ko ang kahon at tumambad sa paningin nito ang isang GIA four point twenty nine carat d-vs1 pear shaped diamond french cut pavé diamond and it's worth six million pesos.
"Do you like it?"
"L-Love diba mahal iyan?" Nanlalaki ang mga mata nito. She's really cute.
"Mas mahal kita, you deserve everything." Pinunasan ko ang mga pisngi nito gamit ang panyo ko.
"Mamaya may makakita niyan at nakawin sa akin, pati daliri ko putolin at tangayin."
Natawa ako. Make sense nga naman pero malabo namang mangyari ang bagay na iyon.
"Quite true pero hindi mangyayari. And Sofiera Giudevaun sounds better than Sofiera Fin, don't you think so?"
"Hindi ka na galit sa akin?" Imbes ay tanong nito.
"Kung galit ako, hindi na sana ako sumama sa iyo ngayon. Hindi na sana ako nagpropose. Gusto kong marinig ang paliwanag mo bago ang reaksyon ko. I admit natakot ako sa posibilidad na buntis ka dahil iyon ang sabi ng sira ulong iyon pero kahit ganun handa akong tanggapin ang bata kung sakali."
"Jazzy." Naluluha na naman ito ngayon.
"Pero ngayon ko lang napagtanto na nagawa mo lang din maglihim dahil mahal mo ako at gusto mo lang akong protektahan but you don't have to do that. Sa susunod, gusto ko magsabi ka dahil lahat nagagawa ng pamilya ko. And I also realize na iniinis lang din talaga ako ni Liam para magalit ako sa iyo at mawala ang tiwala ko. Like I said, no more secrets."
Kinuha ko ang kaliwang kamay nito at sinuot ang singsing sa palasingsingan nito.
Sobrang bagay. Simple pero elegante kagaya nito.
Dinala ko ang kamay nito sa aking labi saka ito hinalikan.
You're finally home, Sofiera.
