Sofiera
Aware akong pinaglilihian ko si mama Risen kahit ayoko. I can't help myself. Whenever I see her ay kumukulo ang dugo ko for no reason. I know I'm being disrespectful at humihingi ako ng sorry dito kapag maganda ang mood ko pero hindi madalas.
How can my child put me in this situation? Ang kagalang galang at kinakatakutan na Risen Fall Giudevaun noong una ngayon ay sinusungitan ko na.
I don't have any choice, damn it.
Hinaplos ko ang tiyan kong maumbok na. Mag-aanim na buwan na ngayon and I can feel it already dahil kadalasan ay gumagalaw ito.
Ang maganda lang ay nag-normal na kapag kumakain ako ngayon pero mabilis akong mahilo kapag nakakaamoy ako ng pabangong hindi naaayon sa pang-amoy ko. Hindi naman ako iyong tipong sinusuka ko ang pagkain ko pero noong mga una ay nagigising akong nangangasim ang sikmura at wala namang mailabas.
Napangiti ako ng maramdamang gumalaw ang anak ko. Hinaplos ko pa ito.
I can't wait to see you, sweetie. I love you so much already.
Hindi pa namin alam ang gender nito at gusto kong alamin namin kapag malapit na ang due month ko dahil kung pagbili lang naman ng damit ang problema ay marami na sa bahay galing sa mga Tita's at Tito's nito. At lahat ng iyon ay pang-unisex.
Hindi pa man ito lumalabas ay may regalo na si Natalie Luane na cash para dito which is nakalagay na sa bank account ko at saka ililipat kapag nagawan na ito ng sariling bangko.
Si Natalie Luane na pinagseselosan ko noong una and worst ay inakala kong ito ang babaeng nakabihag sa puso ni Jazzy but turned out na magpinsan pala ang dalawa. Pero ang nakakahiya sa lahat ng ginawa ko ay ang pambibintang ko kay mommy Allison bilang kabit ni Jazzy.
Napasapo ako sa mukha ko ng maalala ko na naman iyon.
I was so stupid and blind that time. Hindi na talaga natatapos ang kahihiyan ko sa pamilyang ito at ngayon nga ay si mama Risen ang madalas na pinag-iinitan ko which is so wrong pero iyon ang kagustohan ng anak ko and I don't have any damn control of my hormones.
"Love?"
Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatiling nakasapo sa aking mukha.
"Anong nangyari sa iyo? May masakit ba? Nahihilo ka?"
Simula noong malaman naming nagdadalantao ako ay naging nerbyosa lahat ng nakapaligid sa akin at parang mga sundalong palaging nakabantay sa akin. I'm overwhelmed in a good way. I just don't expect them to treat me this way.
"I'm fine love. Winawaksi ko lang iyong mga nagawa kong kahihiyan dati."
Pinulupot nito ang mga braso sa akin mula sa likuran. Nakaupo ako habang nagpapaaraw dito sa may balkonahe ng living room.
"Don't worry dahil kahit ilang kahihiyan pa iyan. My heart will always choose and cherish you, Miss Fin."
Napakagat labi ako. "Do you have any idea already kung anong ipapangalan natin sa baby natin?"
Hinaplos nito ang maumbok kong tiyan. "I want you to name it. Kahit ano man iyan ay ok lang para sa akin."
"Hindi love, gusto ko lang din malaman kung may mga gusto kang mga pangalan."
"Hmm." Anas nito na parang nag-iisip dahil hindi ko naman ito makita mula sa likuran ko. "Kapag babae maganda ang Josefa, Gabriela, Teresa, at Gregoria. Kapag lalaki naman ay Antonio, Emilio, Jose, at Apolinario."
My eyes widened in horror!
Oh my ghad!
"What?! No!" Palag ko rito. "Those are very old names! Our baby isn't a hero but an angel!"
Natawa ito. "You asked me my love. I found 'em interesting and unique."
Para akong nahilo sa sinabi nito. I mean no offense because those names are unique pero hindi ko lang makitang iyon ang ipapangalan ko sa anak namin.
"Ikaw ang tatanungin ko ngayon kung anong gusto mo love." Wika nito.
I cleared my throat. "I want it simple. Kapag babae we'll name it Savienne pero kapag lalaki we'll name it Saviel. Ayoko ng mahabang pangalan dahil baka iiyak siya kapag sinulat ang pangalan niya."
Natawa ito. "Yeah right. I remember ganun ako noong unang sinulat ko ang pangalan ko. I used to asked mama kung bakit nilagyan nila ng Allison ang pangalan ko samantalang Allison na si mommy. Ang haba ng sinusulat ko dati at naiiyak ako dahil alam mo naman talagang tinatamad ako."
Napangiti ako ng malungkot. "I hope you'll accept this baby-"
"Hey." She cut me off. Kumalas ito ng yakap sa akin at nagpunta sa harapan ko. Hinawakan nito ang magkabilaang arm rest ng upoan ko at pumantay sa akin.
She's really gorgeous. Ang yaman yaman nito pero sobrang simpleng tao. She's even hiding her real identity dati to live a normal life.
"I want you to know na kahit wala akong dugo diyan. It will always be my baby dahil mahal kita. I accept everything about you my love. Ngayon pa lang sobrang saya ko na. You're going to give me the family I dreamed of with you. Thank you."
Naramdaman kong umagos ang mga luha ko sa pisngi. I have no words actually kundi paulit ulit na pasasalamat.
"Don't cry love." Pinunasan nito ang luha ko sa pisnging naglandas gamit ang isang kamay nito. "Napakaiyakin mo na." Tukso nito sa akin.
Natawa ako bago ito abutin para yakapin. "Ikaw kasi pinapaiyak mo ako!"
"Tears of joy." Hinalikan nito ang buhok ko. "I love you so much Mrs. Giudevaun."
Humiwalay ako rito at hinawakan ang magkabilaang mga pisngi nito. It's so soft and smooth na parang sa baby.
"Hindi ko alam kung anong nagawa kong mabuti para ibigay ka sa akin. You complete me Jazzy."
Napangisi ito. Ito iyong klase ng ngiti nitong nagpapabilis sa tibok ng puso ko. Dinampian nito ng halik ang mga labi ko.
"You know what?" Nanunukso pa rin itong nakatingin sa akin.
"What?"
"You're mine Sofiera Fin."
I smirked. "Of course kaya hindi ka pwedeng mambabae at kung may balak ka man. I will eliminate all your incoming women and will tell mommy Allison about you being unfaithful. I'm sure itatakwil ka non."
Dahil nga mas close kami ni mommy Allison. Magkakampi kami nito kaya ang ending ay sina mama Risen at Jazzy ang nagsasabwatan pero parehas din namang walang magawa pagdating kay mommy Allison.
Jazzy leaned in. "Well Mrs. Giudevaun, you're the only woman I want to bed and spend the rest of my life with."
