Jazmine Allison
Natatawa ako dahil hinahalik halikan ko si Savienne ngayon sa kanyang leeg. Malakas ang kiliti nito doon kaya natatawa ito dahilan para mahawa ako.
Halos kompleto na rin ang ngipin sa baba pero sa taas ay may ilang hindi pa tumutubo sa likod. Honestly, looking back those days na kasagsagan nitong magpatubo ng ngipin. Ilang beses itong nilagnat.
Ilang beses din napapahiyaw ang asawa ko dahil nakakagat nito ang nipple nito intentionally which is normal naman daw lalo na kapag nanggigigil ang bata.
"I'm home." Bumungad ang asawa kong may mga dalang ilang groceries.
Napasigaw ang anak ko ng makita nito ang mommy nito. Savienne's always this excited kapag nakikita nito si Sofiera. Napangiti naman ang asawa ko sa amin.
"Mummy!" Excited na wika nito. She can talk already pero mga basic pa lang.
"Wait my love." Dumiretso ito sa kusina dala ang mga pinamili nito.
Ito ang ugali nito kapag dumarating galing sa labas lalo na kapag sa mall pumunta. Kailangan muna nitong maghugas ng mga kamay at magpalit ng damit para maiwasang maipasa ang kung anumang nakuha nito sa labas para hindi raw mahawa ang anak namin and I completely agree.
Ilang sandali lang din ay bumalik ito at nakasuot na ng isang dilaw na dress na nagpatingkad lalo sa kaputian nito. Parang hindi nanganak katulad ni ate Mikaela na nakadalawa na- si Vega at si Micaelle.
Nauna nga lang manganak ang asawa ko kay Savienne ng anim na araw bago rin nanganak si ate Mikaela kay Micaelle kaya noong first birthday nila ay pinagsabay na lang namin sa gitnang araw ng birthday nila.
"My baby miss me?" Nakangiting tanong nito kay Savienne and our daughter squealed. Kinuha nito sa akin si Savienne bago ako nito hinalikan sa mga labi.
"Love." Anas ko.
Hindi pa ito nakuntento. Hinawakan nito ang panga ko gamit ang isang kamay nito since ang isa ay karga si Savienne. Hinalikan ulit ako nito.
"I miss you, Jazzy."
And for that I smiled bago ko halikan ang kanyang noo. "I love you, Mrs. Giudevaun."
She smiled at kita ko ang pamumula nito.
Now it's my turn to go in the kitchen at iayos ang mga pinamili nito. I have to wash everything and wipe to dry it bago ko ilagay sa pantry room at ref namin.
"Mummy, milk." Si Savienne at hinawakan pa ang dress ng mommy nito para silipin ang dede nito.
Natawa ng mahinhin ang asawa ko. Until now, malala pa rin talaga ang tama ko kahit sa akin na ito. Araw araw akong nai-in love dito lalo na kapag nakikita ko kung paano nito alagaan si Savienne. Natutunaw ang puso ko. Ang swerte ko sa babaeng ito, maswerte kami ng anak ko rito.
"Ok but you're going to sleep now ok?"
Kaagad namang tumango si Savienne. She's one year and six months already. She looked exactly like my wife, well not exactly dahil baby pa ito ay parang isang manika.
And yes my wife's still breastfeeding our daughter. Hanggat hindi raw nawawala ang gatas sa dibdib nito ay dito dedede ang anak namin at hindi sa botelya with some chemical powdered milk.
If we go outside ay may dala itong pantakip sa harapan kung dedede si Savienne. It's not something she's ashamed to do basta daw para sa kalusogan ng anak namin. She intend to breastfeed Savienne until she's three years old kung aabot ang milk production nito sa ganung age ng anak namin.
Naupo ang asawa ko sa pang-isahang couch at pinahiga si Savienne sa kandungan nito bago nito pinadede ang anak namin. Habang dumedede si Savienne ay hawak hawak ng asawa ko ang isang kamay nito at hinahalik halikan.
