Chapter 43

3.2K 138 15
                                        

Sofiera

"I'm pregnant." Anunsyo ko pagkatapos makumpirma ng Doktor kaninang umaga ang magandang balita.

Kompleto ang buong pamilya ngayon dahil inimbitahan lahat ito ni mama Risen. Basta ito ang nagsabi ay mabilis pa sa pinakamabilis makagawa ng paraan para sa mga ganitong okasyon.

Napapangiti ako habang binabati nila ng congratulations. I can't help but to get overwhelmed. Wala na akong mahihiling pa kung hindi ang maging healthy ang baby namin ni Jazzy.

Nandito rin sina mommy at daddy at masaya ang mga ito para sa akin.

"I'm pregnant, too." Anunsyo rin ng kaibigan kong si Mikaela.

"Ha?!" Si Dominique na parang hindi nito iyon inaasahan.

"It's a double celebration." Wika ni Tita Snow kaya nagpalakpakan ang mga ito at bumati rin sa dalawa.

"Magkakaapo na naman ako!" Si Tita Frances.

"Ay naku Pransya! Tumatanda ka na! Iyon ang ibig sabihin non!" Basag dito ni mama Risen.

Sumama ang tingin ni Tita Frances rito. "Tamo tung bwisit na ito-"

"Sweetheart huwag mo ng patulan." Awat agad ni Tita Scarlet.

"My love, diba isa lang ang plano natin? May nakalusot?" Si Dominique pa rin na mukhang hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Well I can't blame her, grabe kasing maglihi ang kaibigan ko at natatawa na lang ako ng ikwento ng mga ito ang mga pinagawa nito at nadamay pa talaga ang asawa ko.

I was abused and humiliated by your bestfriend sweetheart. Napahagikhik ako ng maalala ang sinabi ni Jazzy.

Sinamaan ito ni Mikaela ng tingin. "What do you think?"

Nagtawanan kami. I'm so happy right now, ibig sabihin ay hindi nalalayo ang edad ng mga magiging anak namin at sana maging matalik din silang magkaibigan kahit pa magpinsan sila.

Naiiyak akong yumakap kay Jazzy. Nagiging emosyonal na naman ako.

"Anong nangyari love?" Hinaplos nito ang likuran ko.

"Wala masaya lang ako at dahil don ay gusto ko ulit magpasalamat sa iyo. Mahal na mahal kita Jazzy."




*****




Jazmine Allison

Nakasandal ako sa may hamba ng pintuan ng kusina namin. Nakatanga ako kay Sofiera habang pinapanood itong kumakain ng fruit salad habang umiiyak. Hinahayaan ko na lang dahil kung papansinin ko ito ay mas lalo itong iiyak.

Gusto ni mommy Allison na lumipat kami sa bahay namin para daw may titingin at maalagahan ng mabuti ang asawa ko lalo na at kailangan kong pumasok sa trabaho.

But my wife doesn't like to see mama Risen that much. Tinatarayan nito at sinusungitan and mama Risen can't do anything. Hindi nito pwedeng patulan kahit pabiro lang ang manugang nito at kay mommy Allison ito mismo mananagot kung sakali.

Ng maubos nito ang fruit salad ay bigla itong natigil sa pag-iyak saka tumayo at dumiretso sa akin. Binigyan ako nito ng napakahigpit na yakap.

"Love, wag ka na munang pumasok sa trabaho ngayon. Dapat dito ka at asikasuhin mo ako."

Niyakap ko ito pabalik bago halikan ang sentido nito.

"Napag-isipan mo na ba ulit iyong request ni mommy?"

Napasimangot ito.

Cute..

"Makikita ko si mama Risen. I don't really like her around. Nagbabago ang mood ko kapag siya ang nakita ko baka lumabas na pangit ang anak natin."

Natawa ako. "It's not going to come out ugly kasi syempre magmamana sa iyong maganda at kung lalaki naman ay pogi."

"Pwede tayong lumipat doon pero kailangang mag-adjust ni mama. Either she stays inside their room if I'm around or she stays sa basement where she can't see any light."

Natawa ulit ako. "Sige that will do. She will stay inside their room para hindi mo makita. Payag ka na love?"

Napaisip ito bago tumango. "Oo pero hindi ba nakakahiya kay mommy Allison?"

"Of course not. She loves you saka isa pa, siya nga ang nag-request diba? She wants to take care of you kapag nasa work ako."

Napasimangot ulit ito. "I don't want you to go."

"Pero nakakahiya sa pinsan ko love. Baka isipin niya wala na akong pakialam sa pinatayo naming firm."

"Sa akin may paki ka?"

"Oo naman. What I'm doing right now ay para sa inyo at saka bonus na si mommy Allison na handang umalalay sa atin."

"Ok." Dinampian nito ng halik ang mga labi ko. "I love you, can I have more fruit salad?"

"Sure, anything for you love."



*****


Mabilis na bumalik si mama Risen ng tangkain nitong pumasok sa kusina at nakitang kumakain ulit si Sofiera ng buko salad. Maybe she's bored at hindi inaasahang makikita kami ngayon dito.

It's been two weeks since we moved here pero all the time ay nasa kwarto lang si mama Risen o di naman ay maaga itong umaalis para siya na ang mag-work para kay Sofiera dahil nangako naman itong ito muna ang hahawak kapag nagdalantao ang asawa ko.

Pinaglilihian ng asawa ko ang mama ko at dahil mahal ni mama Risen ang manugang nito ay talagang nagtitiis ito sa pagsusungit ng mahal ko.

"Eat more anak." Si mommy Allison.

Hinaplos ko ang likuran nito. "May gusto ka pang kainin love? Magsabi ka lang."

Natigil ito sa pagkain at tumingin ng masama sa akin. "Pinapataba mo ako no? Para ano? Ipagpalit sa iba?"

Napalunok ako. Ano?!

Napatingin ito kay mommy Allison. "Mommy! Ibabalik ko sa iyo ang anak mo kapag nagloko!"

"Hindi iyan magloloko anak. Itatakwil ko siya isama ko na rin ang mama niya."

Biglang napangiti ang asawa ko. "Salamat mommy. Tadtarin po natin sila ni mama Risen at ipakain sa mga isda."

Tigagal akong napatingin dito.

She's not like Ate Mikaela na maglihi pero iba ang trip nito. Sobrang emosyonal at parang roller coaster ang mood swings.

Madalang na nga lang din akong pumasok sa work ngayon ganun din si Dominique dahil hands on din ito kay Ate Mikaela ngayon. Talagang sabay pa ang dalawa na nagbuntis. Tuloy ay sa bahay na lang kami madalas mag-work at nagpapatulong na lang kay Ate Natalie kung urgent ang presence namin sa firm.

"Love pwede tayong pumunta sa mall mamaya?" Baling nito sa akin na parang walang masamang suhestiyon sa amin ni mama kanina. Ngiting ngiti ng matamis iyong tipong nakakahawa.

"Syempre basta ubosin mo muna iyan para makaalis na tayo."

Inubos nga nito ang buko salad. Pinunasan ko ang bibig nito at inabotan ng isang basong tubig. Kaunti lang ang ininom nito.

"Bibili na tayo ng crib so I can design our baby's room." Masayang masaya itong tumayo mula sa pagkakaupo at umalis sa kusina na parang walang nangyari.

Napahilamos ako sa aking mukha bago napabuntong hininga.

"Now you know anak. Hindi lang puro sarap ang pag-aasawa." Si mommy Allison.

"Ok lang ma. Nasa tamang butas na ako." Tumayo ako at iniwan itong nakatunganga sa kusina.







"Jazmine Allison Reyes Giudevaun!"

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon