Chapter 31

6.1K 265 10
                                        

Jazmine Allison

"Love gising." Nagising ako ng halikan ni Sofiera ang pisngi ko bago nito kagatin ang balikat ko.

"Aray!" Hindi ko mapigilang magreklamo. Masakit kaya.

"Sorry, nanggigigil kasi ako sa iyo. Ang lambot ng kutis mo tapos ang puti mo pa."

Parang siya hindi.

Kinusot ko ang mga mata ko bago tinignan ang relong pambisig. Napaungol ako ng makitang alas tres pa lang ng umaga.

"Spare me today please. Gusto ko munang matulog, ang aga mo sweetheart."

"We need to leave dahil manganganak na ang beastie ko! And I'm excited for her!"

Beastie? Si Ate Mikaela. Ah ok!

Agad akong napatayo ng mapagtantong hipag ko nga pala ang masungit na iyon. Ibig sabihin, magkakapamangkin ako.

"Si Medusa?!"

"Ha?" Napatingin ako sa kasintahan kong nakanganga at nanlalaki ang mga mata.

I cleared my throat. "Si Ate Mikaela."

Kapagdaka ay natawa ito ng mahinhin. "Did you just called her Medusa? Jazzy you can't be that mean my love!" Natatawa pa rin ito.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan itong tumatawa. Ang sarap lang sa pakiramdam na ang taong pinangarap ko ay kasama ko na ngayon.

So yes, I spent the night with her sa bahay nito pero walang nangyari. Nagtabi lang kami nito.

Jazzy? Nasaan ka na naman? Hindi ka pa umuuwi. -Text sa akin ni mommy Allison.

Nandito ako sa bahay ni Sofiera my, nagpapatulong siya.

Na ano?

Gumawa ng bata.

Jazmine Allison Reyes Giudevaun! Umuwi ka ngayon din! Diba sinabi kong huwag mong gagawin ang ginawa ng mama mo sa akin?

Duh my! You're so advance. Nagbibiro lang, she just want me to spend the night with her. I propose already and she said yes!

Oh that's great! But always remember to do the right thing. Sofiera deserves everything.

Aww my! Of course. Thank you!

Umuwi ka ng buo, walang labis, walang kulang! Kung hindi, pagpuputolin ko lahat ng mga daliri mo!

Natawa ako ng maalala ang usapan namin ni mommy Allison kagabi.

Your mommy's ranting here. Go anak! Pinaghirapan mo si Sofiera, anihin mo na! -Sunod namang text ni mama Risen sa akin.

"Love, go and change."

Kumindat ako rito bago dumiretso sa washroom nito. I did all my morning rituals bago mabilis na naligo. Ng matapos ako ay pinahiram ako nito ng susuotin, isang itim na leggings at itim na fitted shirt. Nagsuot naman ito ng dress, pucha naman! Ang aga aga pero nakakaakit ito sa akin.

"Ok love, tara. Saang hospital?" Hindi ko kasi tinitignan ang cellphone ko kaya hindi ako sigurado kung may mga chat sa akin si Dominique.

"I'll put it in the maps sweetheart." Lumapit ito para ilagay ang address sa gps ng sasakyan ko. Langhap na langhap ko ang bango nito.

I was just watching her while she's typing in the screen. Ng hindi ako makatiis ay kinabig ko ito at mabilis na hinalikan sa labi.

"Sorry." Mahinang paumanhin ko ng gulat itong mapatingin sa akin.

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon