Jazmine Allison
"Kailangan ko ng umuwi cous." Baling ko kay Dominique.
"Go ahead. Everything ok?"
"Hindi ko alam. Umiiyak ang asawa ko e at ang sabi niya gusto niya ng watermelon kung hindi ay magbabasag daw siya."
Natawa ito. "Parang aping api."
"I have to go cous." Kinuha ko ang bag ko.
"Ingat ka."
"I will." Isasara ko na sana ang pintuan ng bigla itong magsalita.
"Congratulations." Wika nito kapagdaka.
"Ha?"
Natawa ito. "Napagdaanan na natin iyan, alam mo na."
Nagugulohan pa rin akong umalis sa firm namin. Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan ko at saka ito pinaharurot papuntang mall.
Habang nasa byahe ay tinawagan ko si mommy Allison na agad naman nitong sinagot.
"Napatawag ka anak?"
"Mommy, please pumunta ka sa bahay namin ngayon. Umiiyak ang asawa ko e magbabasag daw. Can you go please check on her? On the way na ako pero may bibilhan lang saglit."
"Is she ok? What did you do to her ha jazzy?"
Napairap ako sa ere. Ako talaga? E hindi naman kami nag-away kaya nga nag-aalala ako ngayon at hindi ko alam kung anong nangyari dito. I'm not worried when it comes to strangers na pwedeng makapasok sa subdivision dahil mahigpit ang seguridad sa mga pinatayong subdivisions, condo's, and apartments naming mga Giudevaun.
Ako lang naman dati ang nakakapuslit doon to stalked Miss Fin na ngayon ay asawa ko na nga.
"Mommy, wala akong ginawa."
"Kapag nalaman ko talagang ginagawa mo ang mga kalokohan mo sa kanya. Mananagot ka sa akin."
"Ako ang tunay mong anak, my."
"Mas matimbang na si Sofiera ngayon."
Bias!
Pinatay na nito ang tawag at parang ito pa ang may sama ng loob. Ni hindi ko nga alam anong nangyari sa asawa ko.
Nagmamadali akong nag-park at pumasok sa loob ng mall. Dumiretso ako sa groserihan. Kumuha ako ng cart at saka nagtungo sa may fruit section. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong may tinda silang pakwan. Kumuha ako ng dalawang malalaki. Nahirapan pa akong buhatin dahil ang isang pakwan ay may bigat yatang walong kilo. This fruit is massive. Ito iyong tinatawag na black diamond. Mabilis lang din akong nakapagbayad.
Nahirapan ulit akong buhatin ang pakwan papasok sa likuran ng sasakyan. Halos kalahating oras pa bago ako makarating sa bahay namin. Nagpark ako sa harapan at agad kinuha ang bag ko at binuhat ang isang pakwan.
Nakita ko ang sasakyan ni mama Risen na nakapark kaya sigurado akong nandito na silang dalawa ni mommy Allison.
Pagkapasok ko sa bahay ay nakita kong inaalo ni mommy Allison ang asawa ko habang si mama Risen ay nakatayo sa gilid at napapakamot sa ulo.
"I'm home love!"
Nag-angat ito ng tingin at parang nanikip ang dibdib ko ng makita ang itsura nito. Namumula ang mga pisngi at tuktok ng ilong. Namumula ang mga mata at mugto na rin.
"You came home!" Agad itong tumayo at nagmamadaling lumapit sa akin leaving mommy Allison in the couch.
"Of course! I told you I'll come home-"
"Let's go!" Agad nagbago ang mood nito at parang walang nangyari ng makita ang karga kong pakwan. "Cut it open!"
Nagmamadali akong sumunod rito sa kusina. Nakasunod na rin si mommy Allison at mama Risen sa amin.
Si mama Risen na ang kumuha sa pakwan mula sa akin at dumiretso sa sink at nilagay doon. Hinugasan nito ang pakwan at nilagay sa may counter.
Inilagay ko ang bag ko sa may upuan matapos kong magmano sa mga ito at halikan sa labi ang asawa ko.
Kinuha ni mama Risen ang kutsilyo. Tuwang tuwa si Sofiera habang nakatunghay sa pakwan. Walang sabi sabing biniyak ni mama Risen ang pakwan revealing a ripe watermelon. Sobrang pula ang loob nito at may mga buto.
Napatingin kaming lahat kay Sofiera ng magsimula itong humikbi.
"Bakit love? May masakit ba?" Niyakap ko na ito. Seems like she's having a mood swing.
"Si mama Risen." Wika nito.
Nakita kong nagkatinginan si mama Risen at mommy Allison dahil nasa gilid ko ang mga ito.
"Biniyak niya agad ang pakwan. Ayoko siyang maghiwa! Ayoko na niyan! Gusto ko ng ibang pakwan at gusto ko ikaw ang maghiwa! At bakit ang daming buto ng binili mo?" Tuloyan na naman itong umiyak.
Oh my ghad!
Napatampal sa noo si mommy Allison habang si mama Risen ay hindi makapaniwalang nakatitig sa manugang nito.
"Ay gago-" Pero agad tinapik ni mommy Allison ang bunganga ni mama Risen. Nagmumura talaga ito pero dahil nga ganito ang kalagayan ng asawa ko ngayon ay bawal muna itong makakarinig ng kahit ano hanggat hindi namin nalalaman kung anong nangyayari.
Baka kasi sabihin nitong ito ang pinag-uusapan namin kahit hindi naman talaga. Knowing mama Risen ay wala itong preno.
"Tahan na, oo na ako na ang maghihiwa. Ma, pakikuha ang isa pang pakwan sa likuran ng sasakyan ko."
"Sige anak." Nagmamadaling umalis si mama Risen para kunin ang pakwan.
Ng bumalik ito ay hinugasan ulit nito ang pakwan pero ako na ang naghiwa pagkatapos kong patahanin ang asawa ko. Tuwang tuwa ito ng mahiwa ko ang mga pakwan.
"Pwede akong tumulong na magtanggal ng buto anak?" Nananantyang tanong ni mommy Allison kay Sofiera.
"Sige po mommy."
Dalawa kaming nagtanggal ng buto ni mommy Allison at hiniwa ko ang mga ito ng sakto lang. We watched her ate half of the big watermelon. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig rito ganun rin si mommy Allison sa kada subo nito.
And Sofiera loves to share pero it's something she didn't offer us right now.
"Thank you love. Matutulog muna ako." Wika nito. She kissed my lips at humalik din ito sa pisngi ni mommy Allison.
Nagmano ito kay mama Risen. "Mano ulit anak?"
Nalaglag ang panga ko ng irapan ito ng asawa ko. "Ang baho po kasi ng pabango niyo mama." Saka na ito umalis sa kusina.
Nagkatinginan kaming tatlo.
Silence.
"Yes!" Sigaw ni mama Risen kapagdaka. Mukhang masaya pa itong nabigyan ng attitude.
Tinitigan ko si mommy Allison. "I'm suspecting that she's pregnant. Mukhang successful ang IVF niyo anak. Congratulations! Magkakaapo na ako!"
She's pregnant? Magiging mama na rin ako?
Then it hit me with what Dominique said. Congratulations.
"Yes!" Hindi ko na rin mapigilang mapasigaw. That explains why! Naalala ko ng ganun rin si Ate Mikaela noong buntis kay Vega.
"Let's celebrate!" Si mama Risen. "Magpapalunch tayo bukas and announce the good news!"
Natigilan kami ng makita si Sofiera na sumulpot sa kusina.
"I forgot to tell don't touch my watermelon. Dapat sakto iyan pag gising ko-"
"Magkakaroon na tayo ng baby, love!" I cut her off.
"Ha?"
"Tara sa hospital! Let's confirm it!"
Natigilan ito bago nanlaki ang mga mata nito. When she threw her arms around me, that's when I knew..
I really hit home.
