DualPointOfView♣️
Jazmine Allison
Pumasok ako sa kwarto ni Savienne ng hindi kumakatok. Sabado ngayon at may dinner kami mamayang gabi sa mansyon ni mama Snow. She came home late last night. Hindi naman ito ginagabi pero nagsisimula na akong maghinala na may problema ito.
Tumayo ako sa paanan ng kama nito at pinagmasdan ito habang natutulog. Hindi kami nagkaroon ng problema rito ni Sofiera. In fact, she grew up na masunorin, masipag mag-aral, may pagkamakulit, at ngayon nga ay napakasipag sa kanyang trabaho. She's managing her grandmi Risen's chains of hotels, resorts, and restaurants dahil lahat naman ng mga iyon ay dito mapupunta.
She's my only heir.
Napabuntong hininga ako. Mas maganda pa noong bata pa ito. Nagsasabi ito ng mga problema, ngayon kasing malaki na ito. Iniisip nitong kayang kaya na nito ang lahat.
Napabuntong hininga ulit ako bago walang ingay na lumabas ng kwarto nito saka ako bumaba sa kusina. Nabungaran ko ang asawa kong abala sa pagluluto ng umagahan.
"Good morning, love." Bati ko rito bago ako lumapit at hinalikan ang mga labi nito.
Nakangiti ito sa akin. "Good morning, my love. Do you want hot chocolate or milk?"
"I'll have hot chocolate please." Naupo ako sa bar stool.
Ilang sandali lang ay inilapag nito sa counter ang aking hot chocolate.
"Thank you, love."
Binigyan ako nito ng pagkain. Nagluto ito ng fried rice, egg, spam, fried marinated bangus, at pritong talong.
"May napapansin ka ba kay Savienne, love?" Tanong ko dito.
Napatango ito. "But I don't want to ask her cause I don't know if it's personal. You know your daughter. If she's back to her senses, she will talk."
Nagpatuloy kaming kumain at malapit na kaming matapos ng sumulpot si Savienne sa kusina. Medyo inaantok pa ito pero mukhang handa na para sa araw na ito.
"Good morning mommy, mama." Lumapit ito sa amin at ginawaran kami ng halik sa pisngi.
"Good morning, sweetheart." Sabay naming bati ng asawa ko.
Sakto namang natapos na kaming dalawa ni Sofiera pero inuubos ko pa ang hot chocolate ko. Naglagay naman ng ulam ang asawa ko sa plato ng anak namin at binigay rito.
"Thank you, mommy." Hinalikan ng asawa ko ang noo nito.
"Savienne, anak." Tawag ko rito. Napaangat ito ng tingin sa akin.
"Yes, mama?"
"I want you to know na kung ano man ang pinagdadaanan mo. Karamay mo kami ng mommy mo. Just like the old days and you know ikaw lang ang baby namin."
Nag-isip ito saglit bago napabuntong hininga. Naupo si Sofiera sa tabi ko at parehas na kaming nakaharap dito ngayon.
Savienne cleared her throat. "There's this girl I really like."
"Ha?" Hindi ko mapigilang anas. Nagkatinginan kami ni Sofiera bago bumalik ang tingin namin dito.
Simula noong insidenteng kinagat ito ng batang lalaki ay sinabi nitong mas gusto na lang nitong magmahal ng babae. Wala pa itong pinakilalang boyfriend pero may mga rumors na habulin ito ng lalake at babae lalo na noong nasa kolehiyo pa ito but none of them ay walang nakakuha sa interes nito.
But we told her na kahit sino pa ang mahalin nito. We're ok with it basta alam siya ng taong iyon na alagaan at pahalagahan.
"E di go, get her. Walang talunan na Giudevaun."
