@bcabugsa34 Thank you! Sipag mo lagi mag comment. Hahahaha!
ATHENA'S
Pagkatapos kong kiligin sa pag text sa akin ni Louis Maxwell, unexpectedly. Eh nakatambay lang ako sa labas ng building. Hindi ko alam ang gagawin sa 2 oras na bakante. Nagpakawala ako ng mahabang hikab. Di pa siguro sapat ang tulog ko.
"Nakakantok. Mag starbucks nalang kaya ako?" Tanong ko sa aking sarili, na natatanaw ang starbucks sa malapit. 10 steps away
"Excuse me po kuya" pagsasaad ko, dahil nakaharang sa pinto yung isang guard ng starbucks.
"Asan ang registration card mo,miss?" tanong nito. Habang sinusuri ako mula ulo hanggang paa.
"Po? Meron po ba nun?" tanong ko sa kanya. "Di po kami nabigyan nun eh,kuya." Dagdag ko pa.
Ngumisi lang yung guard na parang nang-aasar. "So freshmen ka pala, di pwede miss dito. Sorry." pagsasabi niya
Tumaas ang isang kilay ko at nagtaka. "At bakit?!"
"Ma-uunlock mo lang itong place na ito pag 3rd yr ka na. Hindi ba nasabi sa orientation niyo yun?" pag e-explain niya. "Dun ka na lang,miss. Pang freshmen yun.." pagtuturo niya sa vending machine na di kalayuan mula dito.
Napangiwi ako at napaatras na lang. "Sige,kuya. Salamat."
Naglakad lakad pa ako para makapunta sa vending machine na tinutukot nung guard. Bilang freshmen, eh no choice ako dahil ito lang mau-unlock ko sa ngayon. Pampawala lang naman ang antok ko to, and blessing in disguise na rin siguro dahil hindi gaanong mababawasan ang money ko.
"Ay, may frappe naman pala dito. Gago yun si Kuya, talagang minamaliit ako at sa vending machine ako tinuro." bulalas ko ng makita ko yung frappe stall bago mag vending machine
"Isa nga pong chocolate ate,medium po." saad ko dun sa nagtitindang babae
Ngumiti lang siya ng napakatamis, "Registration card mo,iha?" tanong nito
Pati ba naman dito? Ganito pa rin? Napakalaki pala talaga ng discrimination sa engineering school na ito.
Alanganin lang akong ngumiti sa kanya, "Ahh, sige ate. Wag na lang po. Fres--"
"Freshmeat! Hey!" sigaw ng pamilyar na boses mula sa likuran ko.
"Wolf!" saad ko ng makalapit sa kanya. Ngumit ako. "Salamat ha,wolf!" Sabi ko at ng maalala ng dahil sa kanya ay nagkatabi at naging magpartner pa nga naman kami ni Louis Maxwell.
Tumabingi yung mask niya. "Eh? Akala ko pa naman magagalit ka dahil 4km lang i-drive ko para sayo." pagtataka niya pa.
Umiling iling ako. "Okay lang yun no! Ang galing mo talaga,wolf!" pagcompliment ko kasabay ng pag pat sa shoulder niya
"Weird. Bakit ka andito,fresh meat?" tanong nito.
"Ahh ehh, sobrang aga tinapos nung prof yung class eh. Kaya eto,nagbabakasali makabili ng frappe, ang kaso wala eh. Unlock pa lahat." nanlulumong sabi ko
"Hmm. Sige,fresh meat. Dyan ka lang ahh? Wag kang aalis dyan!" pagbabanta nito.
Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya, na ikinabilis ng tibok ng puso kong napakakulit at sa hindi ko malaman na dahilan. "S-san ka pupunta,wolf?" nauutal kong tanong
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...