ATHENA'S
Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinaad niya. "P-pananagutan?" naguguluhang tanong ko. Baka nagkakamali lang ako ng narinig
Tumango siya. "Yup! Scared?" humalakhak siya.
Umiling ako. "H-hindi no!" pagsisinungaling ko dito.
She gave me a fucking smirk. "If you say so,fresh meat." di ako makapaniwala bakit laging nagrarambol ang mga paru-paro sa tyan ko pag andito ang babaeng ito. Am I really a lesbian? Oh gods! Naguguluhan ako.
"Preoccupied ka ata,babe." nabingi ako sa endearment na binitawan niya. Namula ako at uminit ng husto ang magkabilang pisngi ko. Ni isang salita ay walang kumawala sa aking munting bibig.
Hinawakan niya yung baba ko, "Athena. Are you ready? Call your mom." bulalas nito.
Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit!?" once a month nga lang nagbibigay ng call ang ICE. And gusto niya agad agaran ang pagtatawag ko sa bahay namin? Oh C'mon! Wolf..
"I told you huh? Pananagutan ko ang halik ko. First kiss diba? I want to be the last too,BABE." Humalakhak siya at kinulong ang bewang ko gamit ang dalawang braso niya.
Nagrarambol ang sistema ko sa ginawa niya sa akin. Bakit hindi nanaman ako makakapagsalita sa konting kilos lang niya. Sa konting kilos lang niya at nababaliw ako, at nahuhulog.
"You're not yet ready, fresh meat. Not yet.." kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Bakas sa boses niya ang biglang paglambot at pagkadismaya.
Humarap ako sa kanya ng wala pa ring sinasabi. Kung alam mo lang, wolf. Gustong gusto ko. Pero natatakot ako sa sasabihin nina Mama. Lalo na't babae ka, babae ako. At magbibirthday si Kuya. Kunsimisyon ang ibibigay ko sa mismong birthday niya?!
"Kung nag aalala ka about sa call, don't worry. I'll give you a dozen of calls, Athena." may diin sa boses nito na parang pinipilit ako na tumawag kina Mama at sabihin ang nangyayari sa akin dito.
Dozen? Hindi niya nagagamit yon? Wala ba siyang magulang? Di niya ba ito namimiss?
"Still? Kulang pa ba? Two dozen of call, Athena. Two dozen" lalong dumiin ang boses niya.
Alanganin akong ngumiti. "Okay na yung isang dozen,Wolf. Pero not now,okay?" pangungumbinsi ko dito.
Humalakhak siya na parang nasasaktan. "Okay,then." "Ibibigay ko sayo later yung tawag,okay? Pag isipan mo. Kasi ako, alam ko na eh." kalmadong sabi nito habang hinawakan ang kamay ko.
Lumunok ako at pumikit. "Sa day off ko, I'll tell it, wolf." binuksan ko ang mata ko matapos sabihin yun. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng matapos ang gusto ko pang sabihin kanina.
Itinaas niya ang mask niya bago mag ilong at ngumiti. Iniligay niya kamay niya sa balikat ko. Naamoy ko ang init ng hininga niya. Totoo nga, nakakalasing ito. "You know what?" paninimula niya. Ngumiti lang ako, iniintay ang sasabihin niya.
Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko, kahit wala pa siyang sinasabi ay nakikiliti na ako. Pinipigilan ko na lang tumawa, dahil ang sarap sarap sa pakiramdam ng bawat hininga niya kasama ako ay naririnig ko. "You own me, Athena. You own me,babe.." sabi nito with her husky voice. Sexy husky voice na lalong nagpapalasing sakin.
Para akong tuod na hindi makagalaw, nagiging jelly ace ang tuhod ko sa sinabi niya. Gusto kong angkinin ang labi niya, tutal wala namang harang ang mask niya ngayon. Humarap siya ulit sa akin. Ngumiti saglit,pero sumimangot ulit. "But, I don't know if I own you too, Fresh meat." lumungkot ang boses nito, pero bago pa man ako makasagot sa sinaad niya ay iniwan niya na ako.
Lumipas ang tatlong araw na hindi ko na siya nakita, pero totoo yung about sa calls, ibinigay niya agad sa dorm ko. Naibigay ko na rin kay Clarisse ang isa don para sa info about kay Maxwell. Tuwang tuwa ang loka loka dahil nagtagumpay siya makuha ang gusto niya. Kanina ko lang din ito naibigay dahil nag iisip ako kung ibibigay ko samantalang bigay lang din naman sa akin yon. Pero wala, mas nanalig ang desperadang ako na gustong malaman ang tungkol sa kanya.
Nandito kami ni Louis Maxwell ngayon sa rooftop. Inaayos ang research namin. Hindi ko alam bakit naiilang ako sa simple gestures niya. Yung parang nakukuryente ako pag sinusubukan niyang lumapit sa akin. Kaya dumidistansya ako.
"Hey,stupid. Preoccupied ka." malalim ang boses nito.
Napayuko ako at namula "S-sorry. Saan na nga tayo?" pagtatanong ko dito.
Napakamot siya ng ulo. "I'm asking you if can you be my girl?" hinawakan niya ang baba ko, para magkapantay na kami ng mukha. Perpektong perpekto talaga ang pagkakagawa sa kanya. Napakagwapo niya. Lahat ata ng dugo ko ay napunta sa pisngi.
Humalakhak siya, "TOMATO!" Hinawakan niya ang kanyang tyan dahil parang nasasaktan na sa pagtawa nito.
Nainis ako at kinurot ang bandang tiyan niya kaya natigilan ako,wrong move Athena. Wrong move. "M-may a-abs ka?" di ko makapaniwalang tanong.
Natigil siya sa pagtawa at sumeryeso. "Yeah,why?" ngumisi siya,nakakalokong ngisi.
"W-wala!" Pag dedeny ko. Sparkling abs, indeed. Itinago ko ang mukha kong namumula. "Di ka kase nag-gaganon sa shoot mo. Years ago, eh." pageexplain ko biglang dagdag.
Tumawa siya, "So now what?" ngumisi ito. "You're a fan? Huh? Stupid?" usisa niya sa akin at lumapit ng todo, umatras naman ako, pero wala dead end na kaya tabing tabi na kaming dalawa.
Dinadaga ang dibdib ko ngayon, jusko Lord. Bakit niyo ba binigyan ng abs itong lalaking ito! Tukso please! Tumango ako. "Die hard. Die hard fan." Ngumisi ako, naalala ang bawat suporta ko noon kay Maxwell. Yung 1% chance mong mameet ang idol mo ay naging 101% na. And yes, kausap ko siya at nahawakan ko ang isang parte ng katawan niya na sexy?
"Let that die,stupid." saad nito.
Tumaas ang kilay ko, "And why?" nagtaas ang tono ng boses ko. "I like your style, your fierce. Yun lang!" pagmamalaki ko.
Ngumisi siya, "Really? Not my looks? Not my abs? Style lang talaga, Athena?" Pangungulit niya Tumango naman ako. Humalakhak siya. "Hey, payag naman akong titigan mo all day at hawak hawak ang abs ko, stupid." sexyng saad niya at talagang kinalibutan ako. Naiimagine ko palang ay nanlalambot na ang tuhod ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ni-guide papunta sa may tyan niya.
I can't resist this temptation! Kahit sinong may idol naman siguro ay papayag sa ganito diba? Hay. Ang pinagkaiba ko lang ay may romantic way ako sa kanya. Inilayo ko agad ang kamay ko matapos ang sampung segundo ng pamamalagi sa sparkling abs ni Maxwell. "Tama na nga! Ambastos mong lalaki ka!" bulyaw ko dito.
Natawa siya, "Okay,okay. I have to go, Athena." pamamaalam niya at nag wave sakin. Nag wave ako pabalik. "Bye!"
*
Napatingin ako sa phone ko. Saglit lang kami nagkasama ni Maxwell. Maaga pa pala. Napansin kong may dalawang text doon. Isa kay Clarisse at isa kay Wolf. Kuminang ang mata ko ng mabasa ang name niya sa phone ko.
Humiga ako sa kama ko at binuksan ang text nito.
From: Wolf
Where are you,gym? I badly need it now. Abs abs abs baby!
Napaawang ang bibig ko at nanigas.Wala na akong sapat na lakas para buksan pa ang isang text. Oh gods! Nakita niya yon? Oh it's just a coincidence na gusto niyang magka-abs? Di ko alam pero na-guguilty ako. Nakalimutan ko siya ng panandalian.
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...