http://ask.fm/Clrssxx
Feel free to ask me! Yan lang yung account na maisshare ko :))
ATHENA'S
"Ano ba yan, ang dali naman ng topic sa algebra!" bulalas ni Clarisse. Katatapos lang ng klase namin, okay naman. Unlike kanina, hindi minadali. Ninanamnam ang bawat ang oras. Kaya sulit naman.
"Yabang neto! Malamang umpisa pa lang.." sagot ko naman sa ratsada ng magandang dilag na ito
Tumawa lang siya ng kaunti at hinampas ako ng bahagya sa balikat. "Uhh, Athena. Saan ka maglulunch?" tanong niya
Nag isip ako ng kaunti. "Ahh eh, nag frappe na ako kanina eh, Clarisse. Hmm. Baka mamaya na lang siguro?"
"Sure ka dyan? May klase ka pa mamaya ahh." Paninigurado niya
Ngumiti ako sa kanya at tumango - tango. "Oo, okay lang ako no!" paninigurado ko sa kanya.
"Sabi mo yan ahh. Aayain sana kita eh, mag lunch kami ni Luigi. Ito nga at kakatext niya lang." nag blush sya at ipinakita yung phone niya from ICE
Nanlumo naman ako. So tama lang na tumanggi ako, dahil ang mangyayari ay magiging third wheel ako. "Ahh, kayo na lang, salamat sa pangumbida."
Ngumiti ulit siya, "Sige ha, una na ako, Athena. Ito pala oh." abot niya ng 100 MICE na ikinagulat ko.
Binigyan ko siya ng mukha na nagtatanong. "Mahal yung frappe na binili mo no! And, binibigyan din ako ni Luigi. So,no biggie, Athena.." pag eexplain niya rito
Alanganin lang akong ngumiti. "S-salamat." nauutal ako dahil sa hiya.
Binigyan niya lang ako ng halik sa pisngi bilang pamamaalam.
----
Kakalabas ko lang sa elevator after 10 floors. Di naman ako napagod dahil di ako gumamit ng hagdan. Sa paglalakad, may bago sa paningin ko.
"Tent? Bakit may tent dito? Kanino kayo to?" tanong ko sa sarili ng makita ang tent na nasa 10th floor or rooftop kung tatawagin ng karamihan.
Pumasok muna ako sa dorm, para ibaba ang mga gamit ko. Pag pasok ko, eh nandun si Kuya Lebron, na hanggang ngayon eh na-awkward ko pag andyan siya. May pagka bad boy kasi siya at kakapiranggot mag salita
"Uhh, Kuya Lebron? Excuse me lang, sayo ba yung tent dun sa labas?" tanong ko at ngumiti sa kanya
Tinanggal niya yung earphone niya, "Wait, Ate Emm. Someone's here. A parasite." nagulat naman ako sa inasta niya, pero pinigilan kong sumagot dahil may kailangan ako. "Excuse me? Don't call me 'kuya' dahil di kita kapatid, Okay? And I don't give a fuck about that tent.." sagot niya at ibinalik ulit ang earphones sa tainga. "Hey, Ate Emm. Where's Ate Aud? I miss you both.." balik niya dun sa phone niya at mukhang may ka-skype.
"Gagoo." bulalas ko na tinutukoy siya.
Mukha namang narinig niya at binigyan ako ng malutong na dirty finger. Umiling na lang ako at sinara ang pinto. Mamatay sana siya dun. Ang layo niya sa kakambal niya.
Pagkalabas na pagkalabas ko, eh sabay lumabas din ang tao na nagmamay ari ng tent na kanina pa ako naiintriga.
"Wolf? Sayo yan?" tanong ko ng makita siya.
Tumango lang siya. "Bakit? Anything wrong?"
Tumango tango naman ako, "Yup, bakit andito ka? Nung first day walang tent dito!" pag sagot ko
"Eh sa gusto ko eh!" pambabara niya
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...