Pasensya na ngayon lang makakapag update. Super busy sa school gawa ng pabebeng prof na sa dulo cinco ang ibibigay sayo. HAHAHAHAHA. Tang ina,wag kayong ganun. Di ako makakagraduate on time! :((
ATHENA'S
Ngiting aso ako habang inaantay siya hubarin ang mask niya. Mga dalawang minuto ang katahimikang bumabalot sa amin, nahihiya pa siya ilabas eh. "Uh, wolf?Ano na?!" pangungulit ko.
Kinamot niya lang ang ulunan ng mask niya, and tumango. Napangiti ako. "Sige, para sa soup. Kanina pa din kasi ako gutom eh.."
Unti-unti niyang tinanggal iyon, ang kaso, hanggang bibig lamang. Pero grabe na ang bilis ng tibok ng puso. She has a perfect lips and jaw line. Ang hot niya. Sobra
"Okay na ba? Asan na yung soup ko,nurse?" pagtatanong nito. Parang musika sa tainga ko ang boses niyang napakalambing. Wala na kasing hadlang sa pagsasalita niya, unlike dati na nahaharangan ng mask. Unti unting bumubuka ang bibig ko sa paghanga sa munting kagandahan kanyang ipinapakita.
"A-ang ganda pala ng boses mo, w-wolf" nauutal kong sabi. Why stutter? Athena?
Gagawa sana ng kurba ang kanyang maninipis na labi,ngunit pinili nitong kagatin na lamang ang lower lip niya. Dahilan bat ako namula. Parang bolta-boltaheng kuryente ang dumadaloy sa katawan ko/
"W-wolf..." tawag ko
"Hmm? Bakit? Pangit ba ako? Sige, iwan mo na lang yung soup dyan,ha.."
Umiling iling ako, at namula. "Actually, you're the most beautiful and almost perfect person I've ever met.." Ngumiti ako at hinawakan ang baba nya, at gently na pinisil iyon
Napangiti siya, na ngayon ko lang nakita, nanginginig ang kamay kong nakahawak sa baba nya. Naka retainers pala siya.. "Athenaa.." bulong niya,pero sapat na iyon para marinig ko.
Ngumiti lang ako sakanya, unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. hindi ko mapigilan na hindi siya halikan. Gustong gusto ko siya sunggaban. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa akin. Pumasok ako sa ICE na si Louis Maxwell ang gusto at mahal ko. Pero bakit ako naliligaw ng landas?
Bago ko pa siya halikan ay hinalikan niya na ako. Ngunit,sa pisngi lamang. Nagulat ako at na-disappoint at some point. Pero kinilig na rin. Hehe. Napahawak ako kung saan niya ako hinalikan.
Humagikgik siya. I find it cute. "No no no!" sigaw niya at humalakhak
"Huh? Ano?"
"The kiss. The cheeks?" tinuro niya ang pisngi ko. "Is for friends.."
Friends? So, friend lang pala turing niya sa akin? Ano ba turing ko sakanya? Special friend maybe? Dahil may pagkaspecial siya. Hahahaha! Hmm.. Special friend with a slight feelings?
"F-friendly kiss?" naguguluhan kong tanong
Tumango siya at tumawa. "Yes. Lips are for lovers,boyfriends and girlfriends.." pag eexplain niya
Lumapit siya sa tenga ko, at mariin na kinagat. Nabigla ako nanginig. Parang binuhasan ako ng malamig na tubig sa ginawa niya. "Unless, you want to be my girlfriend..." sexy na saad nito na parang kakagising niya lamang.
Lumayo naman siya agad pagkasabi niya nun. "Wolf.. Kaya mo na ba kumain mag isa?" iniba ko ung topic. Hindi ko kasi alam kung san ito tutungo at kung ano ang isasagot ko.
Sumimangot siya at ibinalik ang mask niya. At tumango. Nalungkot ako.KJ na kung KJ. Tumayo ako, at nagpagpag. "P-pagaling ka ha wolf." tinignan ko ulit siya, bago umalis. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, maski isang tango.
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...