ATHENA'S
"Ma, okay na tong sinaing!" Sigaw ko mula sa kusina. Konting minuto na lamang at mag sisimula na kaming mag hapunan. Naiwan silang tatlo don sa sala. Hindi ko alam kung nag kakainitan na sila don, pero huwag naman sana.
"Sige, punta na ako diyan at maghain" sigaw naman ni Mama pabalik. Bago pa man ako makapag protesta ay nandito siya sa kusina.
"Ma!" reklamo ko dito.
Tinignan niya ako at kumunot ng noo. "Bakit?! Anong problema mo!"
Napakamot ako sa ulo. "Mama naman!" makailang ulit din akong umiling. "Iniwan mo silang dalawa don! Seriously Ma? Baka magpatayan na yon doon!" pangamba ko.
Tumawa si Mama na parang di sineseryoso mga sinasabi ko. "Oh? Odi bigyang kutsilyo." Tumawa ulit siya.
Napailing na lang ako. "Sige, tawaging ko na sila.." tumawa ulit siya at tumango.
"Kuya, Wolf." Bati ko. Nasa iisang sofa lang sila, pero nasa tig isang dulo sila. Sabay silang tumingin sa akin. Napaatras ako. "K-kain na. Kakain na. Nakahanda na yung pagkain. Tara?" paanyaya ko.
Tumango si Kuya. "Natatae ata yang asungot na dala mo dito. Kanina pa hawak ng hawak sa tyan niya." bulong sa akin ni Kuya ng makatayo at papunta sa kusina.
Napatingin naman ako agad kay Wolf ng kusa ng masabi yon ni Kuya. Nakita ko nga siyang nakayuko at hawak hawak ang tyan niya.
Lumapit ako agad sa kanya. "Wolf.." tawag ko dito.
Unti unti niyang itinaas ang nakatungon niyang mask. "B.. Babeee.." bulong niya.
Yumuko ako at hinawakan ang kamay niya. "Natatae ka ba?" nag aalalang tanong ko. "Libre CR dito ano ba!" tawa ko sa kanya.
Wala akong nakuha sagot sa kanya kaya sumeryeso na ang mukha ko. "Okay ka lang, wolf? Ano ba nararamdaman mo?"
Hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. "Shit! Fuck. Not now. Not now." curse niya.
Lalo akong nagtataka sa pag mumura niya. "Ano bang meron kasi? Sabihin mo di yung nanghuhula ako." singhal ko dito.
"Ano ba Athena! Pataihin mo na nga yang dalahin mo dito!" singhal naman ni Kuya na nangggagaling sa kusina.
"Teka kuya! Masama pakiramdam nung tao! Mauna na kayo ni Mama." sigaw ko pabalik.
Tumingin muli ako kay Wolf. "Ano wolf?" tanong ko muli.
"Shit. Meron ako ngayon. Sumasakit puson ko. Fuck!" mura niya. Inalalayan ko siya tumayo. "First day babe, shit. Supposed to be, next week siya. Pero bullshit, napaaga cycle ko ngayon." nanginginig siya habang inalalayan ko tumayo.
"K.. Kumain ka kahit konti ha? Kaya mo yan,b.babe." pag bibigay ko ng lakas ng loob sa kaniya. Sana di mahalata nila Mama. Shit.
"Oh, okay lang ba? Iho?" bati ni Mama matapos kong alalayan si Wolf makaupo. Di sya sumagot, pero tango lang ang iginanti nito.
"Mangangalahati na kinain namin oh." dagdag pa ni Mama
Yumuko ako. "Masama kasi pakiramdam niya,Ma. Pasensiya na po." pag hihingi ko ng paumanhin.
"Oh! Pano ka kakain niyan? Tatanggalin mo na mask mo no. SA WAKAS." Ngisi ni Kuya.
Lahat kami ay tumingin sa kilos ni Wolf. And as what I expected, itinaas niya lang ito bago mag ilong niya. Tumawa siya kahit halatang may nararamadaman. "I have my ways,man. I have my ways." ngisi pa niya.
Napailing na lang si Kuya. "Taba ng utak mong hayop ka."
Natawa ako. "Ang ganda ng labi mo iho ah." compliment ni Mama sa kaniya.
Ngumiti si Wolf. "Sa.. Salamat po. Ito nga rin po gusto ng anak niyo sa akin ehh." nanlaki ang mata ko sa sinasabi niya. Napatingin siya sa akin saglit at lumawak lalo ang ngisi niya.
"Ano!? Paki ulit nga ang sinabi mo kupal ka!" bulyaw ni Kuya dito.
"Di mo narinig?" pang aasar pa ni Wolf.
"Wolf! Kala ko ba masama pakiramdam mo!" sigaw ko dito.
"Bat kasi ang hilig mong magain tong bibig ko. Factor to tuloy kung bakit masama pakiramdam ko.." ang lambot ng boses niya habang sinasabi yon at wari'y nag papaawa.
Namula ako parang kamatis. Sa sinabi niya. Tangina. Bakit ba siya ganito? Anong trip nito sa buhay. Parang pinaalam niya na rin kay Mama na naghalikan na kaming dalawa. Shit ka Wolf. Shit ka.
"ATHENA." Sabay nilang sabi in chorus. Alam ko na ang ibig nilang sabihin.
Lumingon ako sa kanila, na kasalukuyang nakatayo na sa hapagkainan. Mukhang wala ng balak ubusin ang kinakain nila.
"Kain tayo, dami pa pagkain oh? Hehe." suyo ko dito. "Nag jojoke lang naman si Wolf eh.." dagdag ko pa.
"Yes Madame, biro lang ho yon. Don't take that seriously. Let's eat." sabi ni Wolf. Hindi ko alam pero gusto ko siyang suntukin ngayon. Ganito ba siya pag may period? Parang mas malala pa to kesa sa lasing siya. Shit. How to deal with you wolf.
"Hindi ko gusto tabas ng dila mo, iho. Ayusin mo yan." seryosong saad ni Mama. At muli silang umupo nila Kuya sa mesa. Uumpisahan muling kumain.
"Sabi ko na nga ba. Isa kang fuccboi. Ewan ko ba dito kay Athena. Hindi ba dati si Maxwell naman talaga?"
Napatingin ako kay Kuya. "Wala na yon!"
"Bading yon, si Louis Maxwell. Bading." nasabi na lang ni Wolf out of the blue.
"Mas bading ka, di mo nga mapakita yang mukha mo!" singhal ni Kuya.
Natawa si Wolf. "Baka magkagusto ka sa akin at magbago pananaw mo kung makita mo ang nasa likod ng maskarang to." at nag smirk siya.
Humalakhak ng malakas si Kuya, "Asa boy. Asa." "KINGINA. DI AKO KATULAD MONG BADING. HAYOP KA!" Pangkukutsa niya kay Wolf.
Napailing na lang ako. "Tapusin na lang natin tong kinakain natin oh. Huwag natin pag hintayin yung pagkain. Kuya,Wolf." sabi ko at pinasadahan ko silang dalawa ng matatalim na tingin.
Nag buntong hininga lang sila at tumango.
"I'm done.." napasabi ni Wolf matapos maubos ang laman ng pinggan niya. Samantalang di pa rin tapos kumain sina Mama, nag dagdag pa ka sila ng kanin.
"Wolf..." tawag ko dito. Hindi dahil sa pagiging bastos niya, kasi dapat patupusin muna lahat kumain, dahil may mas malaking problema, sa tingin ko.
Lumingon siya at napahawak sa kanyang baba. "Why?" tanong nito.
"Ano yang nasa likuran mo iho? Okay ka lang ba?" pag aalala ni Mama.
Nahalata ko ang mangilang ngilang pag lunok ni Wolf. Alam niya na ang ibig sabihin nito. Unti unti siyang tumingin sa kanyang likod at tinignan sa may puwetan. "Shit." napamura niya.
"King ina, ano yan? Almuranas?!" Pangungutya ni Kuya at patuloy ang pag tawa.
Alanganing napangiti ako. Di sana nila maisip na tagos ni Wolf yun shit. Bakit ngayon pa ang period mo? Kahit dark pants ang suot niya, ay mahahalata na may stain dito.
"Ewan ko ha, pero parang hindi eh.." komento ni Mama.
Nagkatinginan kami ni Wolf. "Patay.." nabulong ko na lang.
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...