ATHENA'S
"Hay.." nagpakawala ako ng malaking buntong hininga. 6:00 pa lang ng umaga, isang linggo na rin ang nakalipas. Isang linggo na hindi ko nakita si Wolf, simula nung makita ko yung mapang akit na labi nya na gusto ko hagkan. Ugh. Shit! What's happening with me? Hmm. Wolf Sexy Effect? Hahahaha! Kusang napapangiti ako sa pag iisip.
"Dalian mo nga dyan,girl! Kaklase natin si Maxwell ano,ba!!" bulyaw ng isang babae di kalayuan sa kinatatayuan ko,
Oo nga pala, may atraso sya sa akin. Di man lang siya tumawag or text man lang about sa research namin. He told me na aayusin namin eh. Or,gusto niya talaga mag solo? Shit, mahihirapan ako kung nagkataon
Umaga pa lang, eh naglalakas na ako. 4000 mice na lang kasi ang meron ako, ang bilis ko itong nawaldas gawa sa elevator, at pagkain. Kahit na binibigyan ako parati ni Kuya James, at lalo na ni Clarisse, ay binibitin pa rin ako. Nanghinayang tuloy ako sa binili ko nung nakaraang araw, hmm. Isang keychain. Cute na keychain! Parang si wolf, yung asong yun! Siya kasi ang una kong naisip nung nakita yun, nung naglalakad ako papuntang another subject at may nadaanan akong stuffed toys na stall.
----
"Ganito na lang, bakit nag kakaroon ng fistula ang mga dogs?"
"What if hotspot na lang?"
"Fleas na lang, yun ang common eh!"
"Tapos ka na ba sa introduction ang chapter 2 ng research?"
"Pucha, isang chapter na lang tayo brad.."
"Pucha, ano na topic natin!?!"
Yan yung mga naririnig ko, sa klaseng english ngayon. Unlike last week, eh nagstay parin yung professor sa room. Lahat sila ay may kanya-kanyang talakayan about sa research tungkol sa dogs, Samantalang ako. Eto, humihinga lang. WALANG KAUSAP. WALANG MAXWELL. HINDI DUMATING. O HINDI NA DADATING. Mukha akong tanga dito, dahil lahat sila ay may kausap.
"Hey,Miss at the back who's talking to no one, who's your partner? Or you're just new to this subject?" bulalas nung prof at nakatingin sa akin.
"S-si Louis po. Wala po siya eh.."
Tumango-tango ang prof. "Ohh, that kid. Negotiate with him. Tell him if you're research will go through? Or he'll go by his own.."
Tumango naman ako, bakit hindi ko ba naisip na itext siya. "P-paano po kung, mag solo siya Paano po ako,Ma'am?"
"Simple. You'll go on solo. Sorry miss, were equal even numbers in class. So,yeah." ngumiti ito. Ako naman ang napangiwi. Kahit nahihiya ay tinext ko si Maxwell
To:Maxwell love,
Bakit hindi ka pumasok? Mag sosolo na ba ako sa research? Para may magawa na ako.
Natawa ako, dahil ang landi ng name niya sa inbox ko. Pero naiinis pa rin ako dahil wala siya dito. Makalipas ang pitong minuto, eh nag pop ang pangalan niya sa phone ko.
From: Maxwell love
Sick friend. We'll go by two's.
Napangiti ako kahit paano, at natanggalan ng tinik sa dibdib. Atleast di ako mapag iisa sa research.
Lumapit ako sa professor namin, "May emergency po si Louis, Ma'am. Can I go now? I have nothing to do.." pag eenglish ko. Para naman may effect na paalisin ako. Hahaha!
Ngumiti ito ng matamis. "Yes."
Tumalon-talon ako sa tuwa..
*
Nasa rooftop na ako ngayon, or shall I say. 10th floor? Ewan ko, parang kusang pumunta ang mga paa ko dito. At nagawa niyang di pumasok sa mga susunod na klase. Sana naman ay hindi ko ikabagsak to.
"Wolf? Bakit andito nanaman tent neto?" tanong ko sa sarili ko ng maaninagan ang tent nito sa 10th floor. So ito ba ang dahilan ng mga paa ko kaya kusang pumunta dito. Para lumandi? Well, para makipagkaibigan at para ibigay ang keychain, rather.
Kinapalan ko na ag mukha ko at kusa akong pumasok sa tent niyang malaki. Nakajacket siya at nakahiga doon. Kahit nakamask siya, ay alam kong natutulog ito.
"Wolf..." tawag ko sa kanya ng malumanay at hinawakan ang kamay niya
Nagulat ako nung hinawakan ko ang kamay niya. "Mainit ka ahh,wolf. May lagnat ka ba?" Tanong ko
Mukhang naalimpungatan siya, "F-fresh meat.. B-bat ka andito?" tanong niya with her husky voice. Di ko alam kung bakit nag blush ako. I find it sexy?
"May lagnat ka din ata, Fresh meat, you're turning red and hot?" humalakhak siya na parang ang sigla sigla ng gaga. Umiwas ako ng tingin.
"Aalis na nga ako!" bulyaw ko dito, akmang tatayo na ako. Umupo kasi ako kanina para maging magkalevel kami ng mukha
Nagulat ako ng hinila niya ng may tamang lakas ang braso ko, dahilan para mahiga na rin ako. Saktong sakto sa mukha niya, I mean, mask niya. Namula ako ng todo, lalo na ng niyakap niya ang bewang ko. Bakit ganun,di ko pa nakikita mukha niya pero ganito na ang epekto niya sa akin? You're turning me into bisexual or lesbian,wolf?!
"Nurse ATHENA..." ang husky ng pagkakasabi niya lalo na dun sa huli. Hindi ko alam kung nanadya ba tong babaeng to o natural lang dahil may sakit at kagigisig niya lang.
Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko at umupo ako, "Ahh. M-magluluto lang ako sa dorm namin ahh." iwas ko dito. Dahil natutukso ako dahil nanunukso siya?
"Noodles or soup?" tanong ko, yun lang kasi ang available sa dorm namin. At kahit nakakahiya man eh hihingin ko yun kay Kuya James para lang dito kay wolf
"Ikaw, wala ba sa choices?" sexyng saad nito. Mapapaputang ina ka na lang dahil nang aakit talaga siya. Lalo akong namula.
"A-ahh. S-sige. S-soup na lang." sagot ko. at tumalikod.
"So, masabaw ka pala, fresh meat? Soupy soupy Athena! I want Athena soup!" I swear,ang kulit niya. Di bagay. Di ako sanay. Mahahalintulad ang itsura ko ngayon sa isang hinog na kamatis. Di ako sumagot pero umalis na lang ako sa tent para magluto.
*
"Wolf. Ito na yung soup." paninimula ko nung makapasok sa tent. Nakarecover na rin ako sa Wolf effect.
Bumangon siya at sumandal, "Ready na ba ang Athena soup? With fresh meat?" sagot naman nito This time, hindi na ganun ka-husky yung boses. So natural pala yung husky voice sa kanya pag bagong gising.
Namula ako siyempre, "WOLF!" Suway ko dito.
I heard her chuckle. "So asan na nga yung Athena soup?" tanong niya muli
"Ito ohh," Abot ko sa isang mangkok ng soup at sa isang kamay ko naman ay ang kutsara.
"I thought youu.."
"Anong ako?! Gago ka ha wolf!" nang aakit at nang aasar talaga pala ang isang to, buti na lang ay di ako nauutal kahit namumula ako.
Tumawa nanaman siya. "Subuan mo ko.." madiin na sabi nito.
"WHAT!?!" Makapal din pala ang isang to.
"Nurse Athena!" masiglang saad niya, at nag snap pa siya, parang cue na subuan ko na siya
Walang ano-ano'y napasunod ako sa dilag na nangaakit na ito.
"Paano kita susubuan dyan? Yung mask mo oh!" this time,ako naman yung nang aasar.
"W-wag na! Ako na nga lang kakain. You may go now, nurse!" pagtataboy nito.
Ngumisi lang ako, "Okay,wolf." Umalis ako, dala dala din ang soup.
"OO NA! OO NA! MAGPAPASUBO NA SABI EH! TSS.."
Bumalik ako sa kanya, at ngumisi. "Yes, as you wish. Ang bait naman pala ng patiente ko eh!"
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...