http://ask.fm/Clrssxx tanong tanong naman kayo. Lol
ATHENA'S
"Ma, di pa ba natin siya papasukin?" kanina ko pa kinukulit si Mama. Mga nasa sampung minuto na rin kaming nasa loob ng bahay. Therefore, sampung minuto na rin sa labas si Wolf. At nag aalala ako.
"Sana, inisip mo yan bago mo siya dinala dito." angil sa akin ni Mama. "Hayaan mong kuya mo sa kanya." dagdag pa nito.
Napabusangot ako. Ano naman gagawin ni Kuya don? Kinakabahan ako. "Asan ba si Kuya, Ma?" tanong ko dito. Na-mimiss ko na siya eh.
"Dyan lang, pa- chill chill lang. Atat kang bata ka!"
Tumawa ako. "Labas muna ako,Ma." paalam ko.
Bago pa man ako makalabas, nahawak na ni Mama yung kamay ko para mapigilan ako. "Ano? Magkasama na nga kayo sa ICE. Tas hanggang dito ba naman? Athena, anak! Ano ba meron dyan sa weirdong iyon!? Mukhang hulog na hulog ka?" ramdam ko ang tensyon sa nararamdaman niya sa pagbitiw ng salita.
Napangiti ako kahit alam kong hindi dapat. "Sasaluhin niya ako,Ma." Napailing na lang si Mama. "Ano pa ba gagawin ko? Andyan na eh!" niyakap ko siya at nilambing.. "Dalaga na po ang baby niyo,Mama. Dalaga na po." Hinalikan niya ako sa noo at tumawa.
"Ma! Andito na ako!" sigaw mula sa labas ng bahay namin. Napahawak ako sa aking bibig at nagulat. Si Kuya. Na-miss ko siya. Di ako makapagsalita.
"Pasok ka anak, may supresa ako!" sigaw naman ni Mama bilang pagsagot.
"Teka lang ho! May tao sa labas, nagsosolicit ata to. Cosplay po ba,boss?" sigaw ulit ni Kuya. Natawa ako. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Natawa na din si Mama.
Unti unti akong lumabas at nasilayan ko na ang ubod ng pogi kong kapatid. Nakita ko nanlaki ang mata niya at napailing. Naiiyak,maybe? I know boys have this sweet side. Walang ano ano ay tumakbo ako niyakap ko siya. "Kuyaaaa!"
"Oh,punyeta. Bakit di ka man lang nagpasabi na babalik ka dito?! Hayop ka talaga!" bati niya.
Natawa ako. At lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya.. "Kuyaaa.." sambit ko muli. Namiss ko talaga siya.
Kumalas siya sa yakap at ngumiti. "Na-miss kita,puta.." tas umiling muli siya. Napadako ang tingin niya kay Wolf.. "Ano ba,Athena?! Di niyo ba bibigyan to?" tinuro niya pa ito. Napakagat labi ko at nagkatinginan kami ni Wolf. "Mukhang g na g sya sa cosplay niya.." Tumawa si Kuya at dumukot sa bulsa. Nag labas ng bente pesos at lumapit kay Wolf at inabot.
"Eto oh. Pang cosplay mo.." tumawa tawa si Kuya. Halatang nang aasar. Para akong tuod don na nanonood lang. Hindi ito tinanggap ni Wolf. Kundi, tinabig pa ang kamay nito.
Nakita ko ang pagkagulat nito. "Aba't!" nagtaas ng tono ang boses nito. "Gago! Eto lang pera ko! Kung ayaw mo,wag mo!" kumunot na ang noo niya. Shit.
"I don't fucking need that.." patay ang boses ni Wolf. Gamit niya ang low tone voice niya.
Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya kaya sumigaw na ako. "Kuya! Si Wolf yan!" awat ko dito. Bumaling ang tingin nilang dalawa sa akin. "Si Wolf yan,Kuya. Si Wolf." ulit ko ng may maliit na tinig.
Tinignan niya lang ako ng mahinahon. Inaantay ang susunod na sasabihin ko, pero kahit anong pilit ko ay walang salita na lumalabas sa labi ko. "Manliligaw niya. Manliligaw ng bunso natin.." singit ni Mama na ngayon ko lang napansin ang presensya.
Literal na nakita ko ang paglaki ng mata niya. "PUTANGINA. ANO?! NARIRINIG MO BA YANG SINASABI MO?!" Singhal niya sa akin. Napayuko ako. "Kuyaaa.."
"Kala ko ba nag usap na tayo dito ha, Athena?! Kala ko ba?" sermon niya sa akin.
Pumagitna si Wolf sa aming magkapatid. "Sorry to interrupt you, but my intentions are good for your princess.. Maganda ang intensyon ko sa kanya. Kung papayagan niyo ako, sana papasukin niyo ko sa bahay niyo.." kalmado si Wolf.. "PO." Dagdag niya kaya natawa ako. Lumalabas pa din ang pagka badass niya shit.
Tumango si Kuya. "Sige, pero hindi ibig sabihin nito ay pumapayag na ako. ATHENA." binalingan niya ako ng tingin kaya napayuko muli ako.
*
Pagkapasok namin ay sumalampak ako agad sa sofa. Ganun din si Mama at Kuya. "Ikaw? Wala akong sinabing maupo ka." mapang asar na sabi ni Kuya towards kay Wolf, ng makitang papaupo na ito.
Umiling iling ang mask niya. Nababadtrip na ito, alam ko. Tumango siya matapos ang ilang iling niya. Nakita ko naman ang pag ngisi ng magaling kong kapatid.
"Inuubos mo ba ako? Sorry, no luck for you.." Nag cross arms pa siya kaya natawa ako. Nakita ko ang muling pagkunot ng noo ni Kuya. "Ano pangalan mo tol?"
"Oo nga. Ano nga tawag mo dito Athena?" balik sa akin ni Mama. Shit. Bakit ako nadamay dito. Kala ko sila lang mag uusap? "W-wolff. Wolf. Oo Wolf tawag ko po sa kanya." alanganing sagot ko.
Nakita kong nagkatinginan sina Mama at Kuya at sabay na umiling. Bakit? Mali ba ang sinabi ko. "Bunso, ang pangalan niya mismo. Hindi yung endearment niyo!"
Napangiwi ako. Putangina, maski nga ako di ko alam pangalan ng babaeng mahal ko. I used to call her Wolf. At wala naman siyang tutol sa pagtawag ko sa kanya non. "Ah.. Ahm.." wala akong masabi.
"Is it important, Mister? Kahit naman anong ganda ng pangalan ko, eh mag catcall ka parin sakin diba? Calling me gago, asungot? So ano pa?" May kayabangan ang pagkakasagot ni Wolf dito. Maski ako eh parang di nagustuhan ang sagot niya. Shit. Dinala niya pagka badass niya dito.
Tumayo ako at ngumiti. "Ano gusto niyong pagkain? Mukhang gutom na kayong tatlo ahh/" I tried my best to sound sweet.
Di nila ako pinansing lahat. "Sorry Madame. But I have my reasons to keep my information private. You'll know them soon. As I have told you a while ago, my intentions are good. I have no harm for your one and only daughter.." yumuko si Wolf.
Narinig ko naman ang pag-tawa ni Kuya. "Wag ako tol. Di ako madadala ng english mo." ngumisi siya. "Oh sige, sabihin na nating private. Pero sana, atleast? Ipakita mo naman yang mukha mo sa amin ni Mama? Baka mamaya, mukhang adik na tong manliligaw ni Athena!"
Napangiti ako. Pabor din ako sa sinabi ni Kuya. Gustong gusto ko talaga makita mukha ni Wolf. I'm pretty sure na sobrang ganda niya/ She's near to perfection.
"Sorry. But.. I. JUST. CANT.DO.IT." Matigas na sabi ni Wolf. This time lumuhod siya at ikinagulat ko. "Sorry. Pero totoo po ito. Totoong mahal ko ang anak niyo. Sana payagan niyo ako, kasi gustong gusto ko siya. Despite of my weirdness. Sana po,Madame.." lumambot ang boses niya at para siyang hapon na yuko ng yuko. Shit. Wolf. Di ko maiwasan na mapaluha sa ginawa niya.
Akala ko lalambot na si Kuya pero kabaliktarana ang ginawa niya. Tumayo siya bigla. "Tangina tol, ang daldal mo. Mukha mo lang naman hinihingi ko,namin. Kung hindi mo magawa, wala ka! Aalis muna ako, puta ikaw ha!" dinuro niya si Wolf na nakaluhod pa rin hanggang ngayon. "Kung mamaya eh,ganyan pa rin ang ayos mong hayop ka. Wag ka ng lumapit sa kapatid ko!" bago pa man namin siya mapigilan ni Mama eh tuluyan na syang nag walk out.
Nagkatinginan kami ni Mama. At napaiyak na talaga ako. "Mamaa.." pag hingi ko ng tulong pero tinalikuran niya ako. Lalo akong naluha. Naramdaman ko na lang ang init niya at niyakap ako nito.
"Hush,babe. You have me.. You haveee. We can do thiss.."
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...