ATHENA'S
4 na araw ang nakalipas pagkatapos non. Hindi ko pa ulit nakikita si Wolf. Tinetext ko siya, pero walang reply. So iiwan niya ako sa ere,ganon?
Vacant ko ngayon at nakatambay lang ako sa rooftop, kasama ni Clarisse ang kaibigan niya. I insist na sumama. Mag lalasing lang yung babaeng yon, well. Break na kasi sila ng boyfriend niya,dahil nanawa siya. May pinag iinitang bago yon,panigurado.
"Hey,stupid." bati sa di kalayuan, pamilyar ang boses na iyon. Napangiti ako kahit papaano maski tinawag niya ko ng ganon. Lumingon ako, si Maxwell.
Ngumiti lang ako. "Bakit?"
Ngumiti siya ng matamis. Ang gwapo niya talaga. "Wala naman,namiss kita. Masama ba?"
Napaitlag ako. Seriously? Namula ang pisngi ko. "Bakit nga? Don ba sa english?"gulo ko.
Umiling iling siya. "Tapos na yon,stupid. Matagal tagal kitang di nakita. San ka ba naglulusot bubwit ka?" humalakhak siya.
Kumunot ang noo ko. "Ginamit ko ang day off ko,eh. Bakit ba? Maxwell? Mukhang may kailangan ka eh?"
This time lumapit na siya at tumabi sa akin. Lumungkot ang mata niya. "Akala ko ba ako ang kasama mo? Bakit hindi ka nag sabi?" para siyang bata na inagawa ng candy. Natawa ako.
"Ano ba? Sino ba kasama mo non? Mas mahalaga ba sa akin yon at sa subject natin?!" this time galit na ang tono ng boses niya.
Napaatras ako. "Oo." "Si Wolf. Bakit?"
Ngumisi siya. "Eh ikaw? Importante ba sa kanya?" tumawa siya. "Eh diba madalas magkasama kayo ng weirdo na yon?" tuloy niya pa.
Tumayo ako, "Wala kang pakialam." hinawakan niya ang kamay ko. At napatingin ako sa kanyang mata. Hindi ko alam kung bakit wala akong naramdamang kilig sa kanya. Samantalang patay na patay ako dtio dati at sobrang die hard fan. Natawa na lang ako. Si Wolf talaga.
"Meron. Eh hindi mo nga nakikita yon,diba? Tas ginugusto mo? Bakit hindi na lang ako ha,stupid Athena?"lalong humigpit ang hawak niya sa akin.
"Ano bang alam mo sa amin ha?!" nag taas na ako ng boses at pilit kumawala sa hawak niya.
"MADAMI ATHENA. MADAMI." maatirudad na sabi niya.
Humalakhak ako. "Edi wao."
"What if? Alam kong pumunta ka sa inyo with that stupid wolf huh? Stupid? Little you know." tumawa siya.
Literal na nanlaki ang mata ko. "What the hell, saan mo nalaman yan?"inis na inis na ako sa kanya. Ano bang alam nito? Or mag kakilala sila ni Wolf. Unti unti ko inaanticipate ang nangyayari ngayon.
Shit! Tuwing namemention ko si Maxwell kay Wolf ay galit na galit ito. Or sinisiraan niya, does it mean, mag kakilala nga sila and they're enemies?
Ngumisi ako. "Siraan mo pa.."
Tumawa siya at pinisil ng sobra ang pisngi ko. Napamura ako sa kanyang ginawa at lalo siya natuwa. "Just kidding,stupid." ngumiti siya sa akin
Nag labas siya ng maliit na sobre sa kanyang bulsa, at ngumiti ngiti. Inaantay ko ang kanyang susunod na sasabihin.
"I just received a letter,Stupid. From your brother,maybe?" tumawa siya.
Napailing ako. Kingina talaga si Kuya.
"It states that, you have a big crush on me,huh? At medyo matagal na din." ginaglance niya lang ang letter habang may nakakalokong ngisi sa labi.
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...