CHAPTER 9

13K 320 19
                                    

Pasensya na at ngayon lang ulit nakapag-update nito. Lalo na sa isang story ko. Di pa gumagana utak ko dun sa susunod na chapters. HAHAHAHA! Matapos lang tong putang midterms namin okay na,tuloy tuloy na pag update nito. Thanks! :))


ATHENA'S

Katatapos lang ng last subject ko, at pababa nako sa hagdan para makaalis ng building na ito. Gabi na rin, mga 7:30 na kung titignan sa bintana at tignan ang labas. May mga kasabay ako bumaba, mga kaklase ko. Kokonti lang naman ang mga nakakakilala sakin,kundi yung mga katabi ko lang din.

"Athena,next week ah? Yung report natin?" paalala sa akin nung gwapo kong kaklase na kagrupo ko sa reporting.

Huling hakbang ko na sa hagdan ng may nagsalita. Mga salitang pamilyar na pamilyar sa akin. "Sino yon?! Kaya ka ba hindi nakakasagot sa mga tawag at text ko dahil sa kanya?!" bakas sa boses nito ang inis at galit

Nagpalinga-linga ako, pero hindi ko siya makita. Saan ba siya nagtatago? At talaga bang inabangan nya ako umawas? Unti-unti na rin nauubos ang tao dito sa building

"Asan ka ba kasi?" untag ko.

"Sagutin mo yung tanong ko, fresh meat." may diin ito. Ngayon nya na lang ulit ako tinawag sa pangalang yun

Napakamot na lang ako sa ulo. "Okay. Si Richard yun,kagrupo ko sa reporting. Okay? Pakita ka na,wolf." di ko alam kung matatawa ako sa sarili ko dahil parang tunog girlfriend ako na nagpapaliwanag sa tamang hinala niya.

Unti unti siyang nagpakita, nandun lang pala siya sa ilalim ng hagdan. Ngumiti ako, na-miss ko siya kahit ilang oras ko pa lang siyang di nakikita.

"Eh bakit?"

Kumunot ang noo ko. "Anong bakit?"

"Bakit ganun itsura nung gagong yun?! Bakit gwapo siya? Lumipat ka sa pangit na grupo."

Natawa ako, ang OA niya. "Jealous,huh? Wolf?" ngumisi ako.

Lumapit siya agad sa akin at hinawakan ang bewang ko papalapit sa kanya. "Tandaan mo, may kasalanan ka sakin, kung hindi mo ko hahalikan, di ako magkakaganito." Bulong nito sa tenga ko.

Namutla ako. Kumalas ako sa kanya, "S-sorry.."

Umiling siya. "Ako ang dapat, mag sorry, fresh meat.. Bakit hindi mo ko sinasagot? Di ka nagrereply?" lumambot ang boses niya

Kunwari'y nagtaka ako. "Nagtext ka ba? Naka-silent eh.." pagsisinungaling ko, alam kong nagtetext siya dahil tunog ng tunog ang phone ko, pero hindi ko binuksan maski isa.

"Look.." Utos nito

Tumango naman ako at tinignan ang phone ko para di siya makahalata. Sumimangot ako, "S-sorry talaga.." malalambot ang boses ko, wari ba'y naglalambing.

"I have to go, fresh meat.."  pamamaalam niya.

Nagtaka ako at kumunot ang noo. "Agad? Eh kakakita lang natin ah?"

Nilagay niya lang ang dalawang kamay sa kanyang bulsa at humalakhak. "Disappointed?"

Nahihiya akong tumango, "O-oo eh, e-eh kasi naman may atraso ako sayo.." naiilang kong tugon.

Tumawa ulit siya at hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko. Nagblush nanaman ako, pesteng pisngi yan. Bakit ka ba namumula tuwing andyan siya? "Rest day mo tomorrow diba? Let's have a date.."

Nanlaki ang mata ko literally. Parang daig pa niya ang teacher ko nung highschool na paulit ulit yung sinasabi. Paulit-ulit ang salitang date  sa tainga at isipan ko.

Tinapik niya ang pisngi ko. Kaya bumalik ang ulirat ko. "Hey? Bakit? May lakad ka ba bukas?" bakas sa boses niya ang lungkt.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya at tumango. "Wala, reserved ako sayo bukas!"

Tumango siya. "S-sige.. A-alis na ko ahh.."

"Agad,wolf?!" takla ko.

Tumango muli siya. "Oo, okay na sa akin na makita ka bago ako matulog.. Okay na yun!" "Tsaka mamimimiss mo ako agad? May bukas pa bae, f-freshmeat rather.. 9:30 am bukas"

at eto nanaman ang pesteng puso at pisngi ko, nag rereaact sa bawat kilos niya.

*

"Aba Athena! Late ka ah? San ka nagpunta?" bati ni Clarisse ng makapasok ako ng dorm namin.

Napakamot lang ako sa ulo ko. "N-napakwento lang. Eto naman! OA!" Natatawa kong sagot.

Tumango naman si Kuya James, na nakapamewang. "Athena, naka-ilang texts kami sayo alam mo ba yon?" madiin ang boses niya

Napangiwi ako at yumuko. "S-sorry.." kinuha ko sa bulsa ang phone ko at nakitang may 3 texts nga don. Hay. Tatlong text lang naman pala, ang oa ng mga to! Binuksan ko yon. Isa kay Kuya James, isa kay Clarisse at isa kay Maxwell love.

Nagulat ako at nagtext siya out of nowhere. Napangiti ako at binuksan ko yon.

From" Maxwell love

Hey, tomorrow. Research. 10 am sharp. Don't be late. In case na wala ka, mag so-solo ako. I'm serious. We'll do this shit tomorrow. All tomorrow.


"Bat ka ngumingiti dyan ha? Kumain ka na muna, Athena. Late na po.." paalala ni Clarisse.

Tumango na lang ako at pumunta sa may kusina. FUCK! 9:30 kay Wolf, 10 kay Maxwell. Ano ang uunahin ko? Sino ang sisiputin ko? Mahalaga yung kay Maxwell. Research namin yon. Ang hirap pa naman niyang hagilapin. Eh pano naman si Wolf? Nakapagbitiw na ako ng salita sa kanya? Tang ina, please enlighten me!


WOLF'S

Nandito na ako sa tinitirhan ko at humilata sa sofa. Hinubad ko ang mask ko, dahil medyo mainit na rin. Sinalubong akoni Bullet. Ang aking cute na cute na siberian husky.

"Oh? Baby Bullet! Di ka ba sinaktan ni Louis?"

"Arf arf!"

Natawa naman ako. Hays. Excited na ako para bukas. Ano kayang susuotin ko? Well, kahit naman anong suotin ko eh maganda parin naman ako. Hahaha!

Grabe impact sa akin ng babaeng yun, hindi ko alam bakit ganun siya. Ang lakas! Ngayon lang ako nagkaganito. Sana, sana gusto niya rin ako.

"Di ka niya gusto.." napalingon ako sa nagsalita. Si Louis Maxwell naman pala.

Kumunot naman ang kilay ko. "Anong sinasabi mo!?"

"Alam natin ako ang gusto niya,. Tumigil ka na, ayaw ko ring masaktan ka.." sumbat niya

Napabuntong hininga na lang ako, "Alam mo bang magda-date kami bukas?!"pagmamalaki ko dito.

Ngumisi lang tong kamukha ko, "Alam mo rin bang gagawin namin ang research bukas!?!"

Napangiwi ako at napatayo sa sofa. "Ano ba naman! Bakit ka ba ganyan!" sigaw ko.

Ngumisi ulit siya, yung tipong magpapataas ng dugo ko. "Alam mong ayaw kitang nasasaktan, by this, makikita mo kung sino talaga ang gusto niya sa ating dalawa."

Napaawang ang bibig ko. Bakit ba siya ganyan? Paano kung siya ang tagpuin bukas ni fresh meat? Does it mean siya talaga ang pinipili neto?

"May gusto ka ba kay Athena?" pagbabanta ko dito

Humalakhak lang siya at umiling. "Alam mo kung ano ang gusto ko. Diba nga?" pagpaaalala nito sa kanya.

Tumango ako sa kanya at napaluha. "S-sorry."

"So, may the best Maxwell win tomorrow?"

Tumango na lamang ako bilang pagtugon

She Loves My Brother (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon