ATHENA'S
Apat na araw ng di ko nakikita si wolf. Miss ko na siya, pero mas miss ko na sina Mama at Kuya, what if kung tawagan ko kaya sila? Wag na siguro? Kasi next week na bday ni Kuya eh. Masasayang lang. Sa mismong birthday niya na lang..
Nandito kami ngayon ni Clarisse sa dorm. Kaming dalawa lang. Alas kuatro pa lang ng hapon at parehas ng tapos ang klase namin. Buti at wala yung dalawang kambal. Kaya magkakaron ng 'girl talk' hehe. At himala din dahil wala silang lakad ng boyfriend niya. After 10 decades eh di sila magkasama.
"Athenaaaaaaaa!!" tili niya.
Napabalikwas ako at kinusot ang tainga ko ng todo. Putang ina, magkatabi lang kaming dalawa. Tas sinigawan ako ng babaeng ito. Nakaka-beastmode ah!
"Ano ba, Clarisse!!" ganti ko sakanya na sinigaw din sa tenga niya.
Tumawa siya ng tumawa. "Ano ba,sis! Nakaisip na ako!"
Kumunot ang noo ko sa sinabe niya. "Pinagsasabi mo tang ina ka!"
Pinakyu niya ako. "Wag na nga! Di ko na sasabihin. Hmp!" at nag cross arm siya, ang arte talaga.
Di ko siya pinansin. Wala akong interest sa sasabihin niya. Puro tsismis naman. Sa araw araw na ginawa ng Diyos eh puro tsismis kung saan saan ang nakakalap neto.
*poke* *poke* *poke*
Inalis ko ang kamay niya. Naburyo din siguro sa limang minuto na katahimikan na bumalot sa amin.
"Hmmm?" paninimula ko.
"Sasabihin ko na nga! Eto naman kasi! Di ako kinulit para i-spoil!" ginulo niya ang buhok niya. Natawa ako. Iniintay ang susunod niyang sabihin.
"Alam ko na yung kapalit ng info na gusto mo!" pagmamalaki niya.
Nanlaki ang mata ko at pumalakpak ang tenga ko sa narinig. Matapos ang isang linggo ay nakaisip na rin siya ng kapalit nung info tungkol kay Louis Maxwell.
Napagkasunduan namin na one info is equal to one kapalit. Well yes, desperate it is. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin at bakit hayok na hayok ako makaalam ng information tungkol sa kanya.
"Wanna know?" ngumisi siya ng mapang akit. Pero nandididiri ako. Grabi itong babaeng ito! Grabe!
Tumango ako at humagikgik. "Syempre,girl!" at tinulak ko siya.
Tumawa naman siya. "Eto lang kasi, simple lang naman yun---"
Nag salubong ang dalawang kilay ko at sinapak ang braso. "Araaayy!" reklamo nito at tumawa.
"Kainis, pa bitin! So ano nga kasi!!" kating kati na ako malaman yung kapalit niya.
"Simple. Your phone call,sis.." ngumisi siya.
Napatayo ako sa kamang inuupuan namin. "Nahihibang ka na ba! Para kay Kuya yun! Tatawagan ko sila sa bday niya!" protesta ko sa hiling niya. Di maaari yun. Mas mahalaga yung kina Kuya.
Tumawa lang siya. "Okay sis, madali lang naman ako kausap eh. I'm sure magugulat ka sa malalaman mo!" daig niya ang saleslady kung makapag-salestalk. Konting konti na lang at bibigay din ako.
Umiling iling ako. "Kuya before Maxwell. It is!" binelatan ko siya at iniwan mag-isa sa kwarto.
*
"W-wolf??" nasabi ko na lang nung mamataan ko ang tent niya nung iniluwa ako ng pinto ng dorm namin.
Kusang nagkaron ng buhay ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan niya.
"Wolf. Sorry.. Can I come in?" paalam ko nung nasa harap ako nung tent niya.
"Hmmm.. Hmmm.. Athena.." ungol niya.
Kinilabutan ako sa sinabe niya at walang ano-ano'y pumasok sa tent niya kahit di ko narinig ang pag sang-ayon niya.
Nakita ko siyang nalulunod. Nalulunod sa alak. Puno ng hard na inumin ang halos dumisenyo sa tent niya.
Tinabig ko ang kamay niya na may hawak ng alak,at tumilapon ito kung saan. "WOLF ANO BANG GINAGAWA MO!?!"
Napatingin siya sa akin, na ngayon lang ata napansin ang presence ko. Ngumisi lang sya sa akin. "Uyy.. Bakit ka andito//??" bungad na tanong sa akin.
Nakalabas ang labi niya ngayon, na dati ko pa man nakita. Pero I tried my best na hindi ma-tempt sa kanya at halikan ito ng kusa. "Bakit ka ba naglalasing?! Ano ba naman wolf! Pinag-aalala mo ako! Ano ba naman!"
Humagikgik siya. "Paranoid girlfriend?" tumawa siya. "Well, sana nag-alala ka nung iwan mo ko nun! La na! Wala na!" sigaw niya at dinuro duro ako.
Napailing na lang ako. Kailangan niyang mahimasmasan. Ang hirap niya pala pag nalalasing."Wolf. Wolf, hilamusan kita ah? Para kumalma ka naman oh." aya ko dito.
Hinawakan ko ang mask niya para hubarin,pero tinulak niya ako. Hindi malakas, pero parang nasaktan ako. "Ano ba! Di kita kailangan! Nasan ka nung kailangan kita? Wala!!"
Napaiyak ako. "S-sorry. Wolf.." pagmamakaawa ko dito.
Tumawa siya ng malakas. "Okay.."
Lumipas ang sampung minuto pero wala parin imikan. Nakatingin lang ako sa kanya. Every time na lumalapit siya sa mga alak, eh pinipiglan ko siya kahit tinutulak niya ako ng tinutulak.
"Wolf.. I miss you.." Nasabi ko na lang, totoo naman. Namiss ko na siya.
Napaawang ang bibig niya t ngumiti ako sa kanya. Lumapit at niyakap siya ng pagkahigpit higpit. "I miss you, alam mo ba yun? Sorry ha? Di ko naman alam, eh. Pero alam mo Wolf? Sising sisi ako nung mas pinili ko siya. Parang nawala ang 1/3 ng buhay ko..." pagbibigay ko ng tawag dito. Habang di pa rin kumakalas sa yakap namin
Narinig ko ang buntong hininga niya. "Am I drunk?" tanong niya. At kumalas sa akin
Natawa ako. "Yes you are. Sobrang drunk!" biro ko.
Ngumiti siya, at nakita ko ang retainers niya. Utuin ko kaya na ipakita ang mukha niya?
"Really? I'm drunk?" tanong niya muli
Tumango ako at ngumiti. Oo, lasing na lasing ka at kung ano anong ka-dramahan ang sinasabi mo, an di ko din naman siya masisisi/
"Eh? Bakit ka andito? Di ba pinili mo si L-louis? Di ba?" malungkot ang boses nito.
Nagulat naman ako. Paano niya nalaman? Nakita niya ba? Nabalitaan? Paano niya nalaman?
"Basta alam ko lang,fresh meat." tumawa siya. Alam niya pala ang tumatakbo sa utak ko.
"Di ka lasing wolf.." sabi ko muli at nilapitan siya.
*tsup* "May lasing bang ganito?" tumawa ako *tsup*"oH,Alam mo pa naman ginagawa ko sayo diba? Edi hindi ka lasing!" *tsup* "May lasing bang kinikilig?"*tsup*
Pinugpog ko siya ng halik, sa pisngi. Dahil ang bilin niya, ang halik sa labi ay halik para sa magkasintahan.
Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko. "Then, kung lasing ako. Susulitin ko na." ngumisi siya ng nakakaloko.
Di ko namamalayan eh lumapat na ang malalambot niyang labi sa akin,napangiti ako. First kiss ko ito,at hindi ako nagsisisi na sa kanya ko binigay. Kahit uminom siya ng alak eh amoy chocolate mint ang hininga nito. So, official it is? O dahil lasing lang siya?
"Ako ata ang lasing sa atin.. Lasing sa halik mo.." biro ko between our kisses..
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...