CHAPTER 19

11.3K 270 21
                                    

ATHENA'S

"I love you Athena.. I love you, fresh meat. I love you damn much.." bulong niya sa akin sa gitna ng mga yakap niya.

Marahan kong tinignan ang mask niya. "Pero bakit? Bakit hindi mo maipakita? Or kahit pangalan mo na lang?" pangungumbinsi ko dito.

"I. Just. Really. Can't." yumuko siya. "You'll understand,soon babe." dagdag niya pa.

Wala na lang ako nagawa kundi tumango at kumalas sa mumunting yakap niya. "Okay.." ngumiti ako. "Labas muna ako ha? Susundan ko sila ni Mama." paalam ko sa kanya.

"Wait,babeee." hinawakan niya ang kamay ko. Gusto niya akong pigilan sa balak ko.

Ngiti lang ako isinagot ko sa kanya. At kumalas sa kamay niya.

"I love youu.." munting bulong niya. Sa boses na to ay parang nagmamakaawa siya.

Nilingon ko muli siya bago lumabas ng pinto. "I doubt that, Wolf. I doubt that." ngumiti ako ng mapait.


"MAHAL MO BA TALAGA SIYA,BUNSO?" madiiin at pamilyar na boses ang bumungad sa akin makalagpas ang ilang metro galing sa bahay.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses at namataan ko si Kuya. "Kuyaa." tawag ko dito kasabay ng paglapit. Nakita ko rin na katabi niya si Mama.

"Mama." bati ko pa muli.

"Mahal mo ba talaga siya? Athena?" Ulit na tanong ni Kuya. Napalunok ako sa tanong na pilit niyang ibinabato sa akin. "O-oo. Mahal ko siya. Oo,kuya." mahinang sagot ko. Mahal ko siya, pero hindi sapat siguro yung pagmamahal na yon para makita ko siya at malaman ang tungkol sa kanya. Sabay kaming napailing ni Kuya.

"Sorry.." nasabi ko na lang.

Ngumisi siya. "Kala ko ba, Athena si Maxwell? Si Louis Maxwell?" tumawa siya. "Hindi ba patay na patay ka don at yon nga ang dahilan ng pagpasok mo sa ICE. Bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin?"

Shit. Oo nga. Yon lagi ang nakekwento ko sa kanya non. Bilog talaga ang mundo. Hindi mo alam ang mangyayari sayo. Wala na akong balita kay Louis Maxwell. Tapos na rin naman na halos ang ginawa namin sa english at halos wala na akong balita sa kanya. "Ganun talaga eh. Still, he's my first." sagot ko dito.

Natawa si Mama. "First? Tapos may second agad? Ano bunso?" pang aasar nito at kitang kita ang pag kainis niya sa akin.

Yumuko ako. "Siguraduhin mo lang na mas gwapo yan kay Maxwell ha? Tangina, pag panget yan. Magkalimutan na tayo!" sigaw ni Kuya. "Pero hindi ibig sabihin na pabor na ako dito, ang gusto ko lang makitang maayos ang itsura ng nilalandi mo"

Kingina. Nasaktan ako sa mga salitang binitawan ni Kuya. What the fuck. Kailan siya gagwapo kay Louis Maxwell kung lalaki siya? How? Another problem made. "Mukha namang gwapo siya, anak. Ang ganda ng boses at pangangatawan niya eh." singit ni Mama.

"Pero weirdo ma, anong kagaguhan yung suot suot niya sa ulo niya? Parang gago eh no? Ewan ko ba dito sa bunso natin at anong nakita don sa ugok na yon!"

Ngumiti lang ako. "Her.. His soul. I've seen your soul, but for me. She.. He have the most beautiful soul I've ever seen." mautal utal na sagot ko. Ilang segundo ang nakalipas bago masabi ko lahat.

Natawa si Kuya. "Mukhang masama siya sayo. Her? His? He? She? Bat parang litong lito ka?" tingin niya sa akin.

Tumawa ako ng mapait. "Hindi ba? Pag magaling sa math mahina sa english? Sorry na!" tumawa muli ako. Sinusubukan makalusot sa nagawa ko.


"Asan na siya? Gusto ko ng makita ang mukha niya?"
 tumayo si Kuya sa kinauupuan niya. Balak na naming bumalik sa bahay matapos ang isang oras ng kwentuhan

"Iniwan ko don, Kuya. Nasa bahay." sagot ko naman. Medyo naging light na rin kahit papaano ang aming pag uusap.

"Hindi ko naenjoy tong day off mo, ha. Anak, Athena. Problema ang dinala mo dito, tandaan sa susunod ha?" paalala muli ni Mama. Ilang beses niya na yon nasabi simula kanina at wala akong ginawa kung hindi sumang ayon na lamang. "Opo ma, Alam ko po yon. Pasensya na po ulit." ngiti ko dito. At ngumiti naman siya pabalik.


Makalipas ang ilang minuto ay nadatna naming si Wolf na nakasandal sa pader, mukhang hindi pa rin siya. Umuupo. Hindi ko alam kung nakikita niya kami, dahil ni isang galaw ay wala siyang ginawa ng makapasok kami ng bahay. "Wolf.." tawag ko dito.

Napabalikwas siya sa aking pagtawag. "B..Babe.. Athena," pagtatama niya. She's using her husky voice. Do you mean, nakatulog siya? Really? "Madame, sorry.. Got a nap." pag eexplain niya.

"Talent yan brad, nakatulog ng nakatayo? Iba ka." pang aalaska ni Kuya. Tumawa siya saglit. "So, handa ka na bang ipakita ang mukha mo sa amin?!" bakas sa boses niya ang pagkaseryoso at anytime kaya niyang sumuntok ng tao.

Nakatingin lang din ako kay Wolf ng seryoso,inaantay ang susunod na sasabihin nito. "Athena.." malalambot na tinig nito. Wari bang nang hihingi ng tulong. Ngumiti ako ng mapait, "Ano? Wolf? Ipapakita mo ba sa amin?"

Yumuko siya at umiling. Nanginig ang tuhod ko. Ibig bang sabihin niya ay hindi? "I cant, babe. I just cant do it. I promise.. I promise to.."

Tumawa ako. "You don't have to drop promises, you don't have to, Wolf. Okay na. Sige." nababasag ang boses ko. Lumapit si Kuya at inakbayan ako. "Putangina hindi ba Athena? Kumuha ka ng bato na makakasakit sayo." bulong niya. Lalong sumikip ang dibdib ko sa binitawan niya. Oo nga, pinapasok ko si Wolf sa buhay ko, ako pa ang agrabyado. Putangina.

"Aalis na po ako, Madame, Brad." tumingin siya sa dalawa. "Magkita na lang tayo sa ICE ha, Athena? Pasensiya ka na. I'm dreadfully sorry,babe." bakas ang sincerity sa boses niya pero still, hindi ko pa kayang maghupa ng galit ko sa kanya.

"Malapit na mag gabi na iho, kahit galit kami sa ginawa mo at panghihimasok sa buhay ng nagiisang unica iha namin, sagutin ka pa rin namin. Dito ka na matulog." pag aalala ni Mama.

"Don ka na lang sa Kuya ni Athena,matulog? Don ka sa lapag"

Biglang nag taas ng kilay si Kuya at napatayo. "Ano? Ayoko nga!"

"Anong gumusto mo ha?! Silang dalawa sa kwarto ni Athena? Sira ulo ka ba?!" sigaw ni Mama.

Namula ako sa pag iisip, shit. Naalala ko yung mga scene nung kaming dalawa sa kwarto. Fuck. Fuck. Urges, shit.

"I can control my urges,Madame. Ewan ko lang po sa unica iha niyo.." mapang asar na sagot ni Wolf.

"WOLF! FUCK YOU!" sigaw ko dito. Lalo niya akong ginagalit.

Tumawa siya ng malakas. "Sorry, just kidding around, fresh meat. Just to lighten you up, baby.." 






She Loves My Brother (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon