ATHENA'S
"Sige na, wolf. Kanina pa si Kuya nag wawala doon sa kwarto." tawa ko sa kanya. Simula kasi ng sumigaw ng 'cumming' eh nag stay pa rin si Wolf for 5 minutes. Wala lang, tamang cuddle lang.
"Konting konti na lang, maniniwala na akong may gusto sa akin yang utol mo." balik niya sa akin at kinurot ako sa pisngi.
Binigyan ko sya ng simangot na mukha. "Aba!" sigaw ko dito. "At gusto mo naman? Mag papaagaw ka ano!?"
Humalakhak siya at itinaas muli ang kanyang mask hanggang sa may ilong. Okay. Alam ko na ang kasunod nito. Hinalikan niya ako sa labi at ngumiti. "Of couse. Not. I'm yours,babe."
Namula ako at napangiti. "I love you,Athena." naunahan niya ako mag salita. Bago pa man ako makasagot ay bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko. "I love you too,wolf." nasabi ko na lang sa hangin.
Bukas ng umaga ang alis namin at balik sa dating buhay. Sa ICE. Masstress na naman kami nito. But for now, makakatulog ako ng mahimbing.
"PUTANG INA. PUTANG INA. TANG INA ATHENA. LUMABAS KA DYAN SA KWARTO!!!" Bigla akong napabalikwas sa sigaw ni Kuya. Kukusot kusot pa ako ng mga mata at tumingala sa orasan. Alas dos ng madaling araw. Anong problema non?! Alas cinco pa ang usapan ng gising namin ni Wolf para maaga kami sa ICE.
Ano na naman problema neto? Masyado ba siyang excited para paalisin kaming dalawa? Para akong robot at dahan dahan binuksan ang pinto. "B... Bakit kuya?" tiningala ko siya at nagulat ako na katabi niya si Mama na mukhang may problema nga.
"Mukhang kailangan mo mag paliwanag,putang ina." kitang kita ko ang pag taas at pag baba ng hinga niya.
Nagkamot ako ng ulo. "Anong ipapaliwanag ko ba,Mama? Kuya?"
"Siya, anak. Siya. Ano ba ang totoo?"bigla na lang lumabas si Wolf sa likuran nilang dalawa.
Parang biglang nawala lahat ng antok ko at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang panlalamig at paninigas ng aking buong katawan. Mamamatay na ba ako? Tang inang sitwasyon to.
"H..Ha? Ano? Di ko kayo maintindihan, mama, Kuya." pinipilit kong maging okay, at baka mali lang ang iniisip ko.
Nakita ko si Wolf na nakayuko. "Athena... Athena.. Sorry.."
"P.. Pa. Pakilinaw naman,kuya. D.. Di ko talaga maintindihan mga sinasabi mo,eh."nauuutal ako.
"Nakakita ka na ba ng lalaking...." paninimula ni Kuya habang hinahawakan ang baba niya wari'y nag iisip.
"Ng ano?" Nanginginig ako.
"Lalaking naihi ng nakaupo?" sagot niya.
Umiling ako. Nalagot na. Paano niya naman nakita?
"Lalaking mahaba ang buhok?" lalong dumiin ang boses niya habang si Mama ay nakatitig lang sa akin.
"Oo. Meron." sagot ko dito.
Tumango tango siya na mukhang naniniwala naman. Does it mean nakita niya si Wolf? Wtf. How!?
"Oo nga no? Pero di naman rakista tong barumabadong to eh!" turo niya kay wolf na nakayuko pa rin.
Napangiwi ako.
"Eh lalaking nag lalagay ng napkin?" this time sobrang nakakatakot ang boses ni Kuya. Parang nangangain. Napaatras ako. "W..Walaa." sagot ko dito. Lumingon ako kay Mama at nakita ko ang pag iling nito.
"Tang ina. Sabi na,eh. Bakla tong gagong to!" luminya sya kay Kuya at binatukan ng napakalakas. Di magawang manlaban ni Wolf dahil humalakhak siya ng napakalakas.
Halos maputol na rin ang ugat ko kakapigil sa pag tawa. Wtf. So yun ang conclusion niya? Na pag ang lalaking ay naihi ng nakaupo,mahaba ang buhok at may napkin ay bakla? Hindi niya naisip na posibleng babae yon? Wtf.
"Fuck you, bat ka kasi nag bubukas ng pinto ng hindi nagkakatok?" inis na tanong ni Wolf dito. Alam kong gumaan ang pakiramdam niya ngayon.
"Bopols gago. Oras ng pag lalabas ko yon. Malay ko bang may baklang nag aano don. O sya, tulog na tayo. Sorry ha? Athena. Naistorbo ko pa tulog mo." pag hihingi niya ng paumanhin.
"Pero sana, bunso. Itigil mo na pag lalandian niyo. Bading kasi talaga siya eh. Sige na. Bugbugin kolang to." tawa ni Kuya habang hila hila ang leeg ni Wolf. Gusto kong matawa at maawa at the same time.
Isasara ko na ang pinto pero bigla akong napigilan ni Mama. "Anak. Pwede ba tayong mag usap?" paninimula niya.
Napalunok ako. "Mama?"
"Kailangan nating mag usap."
Pumasok si Mama ng kwarto at umupo kami sa kama. Ngumiti siya sa akin. "Alam mo at alam ko na hindi abot ng isip ng kuya mo ang nakita niya kanina kaya ganon ang mind set niya." tawa ni Mama at pilit naman akong ngumiti.
"Pero ako, anak. Athena hindi mo maloloko. Alam ko kung ano yon, at ano siya." seryso si Mama at di ko magawang tignan ang ekspresyon ng mukha niya ngayon. Hindi ko kaya.
"Is wolf gay?" tanong ni Mama.
Pilit akong tumawa. "Hindi siya bakla,mama"
Hinawakan ni Mama ang baba ko at itiningala niya para magkatitigan kami. "Rephrase ko ha? Is Wolf lesbian? Or bisexual?"
Titig na titig siya sa akin at kita ko sa mata niyang nasasaktan siya. Pilit kong dinidivert ang attention ko. Hindi ko kayang sagutin yung tanong na yon. Daig pa ang algebra at trigonometry
Nakita ko ang luhang kumawala sa mata ng nanay ko na parang nadurog ako. "Okay. So oo no? Athena. San ako nag kulang anak? Paano ka aayusin?" ngarag ang boses niya. Wala akong maisagot kyng hindi umiyak na lang din.
"Your daughter's not broken, Madame. Why fix? It's just that, iba yung nagustuhan niya which is me na babae. Kumpara sa nakagawian na kung babae ka ay dapat sa lalaki ka magkagusto." bigla na lang sagot ni Wolf kung kaya't napalingon kaming dalawa. Nandoon siya sa harap ng pintuan
"And sorry for eavesdropping. Nasaktan lang din po ako sa sinabi niyo. I'm no harm for your Athena madame. Hindi po kami masahol sa hayop." bakas sa boses ni Wolf ang pagpapakumbaba.
Ngumiti si Mama at nag punas ng luha. "Matatanggap ko rin siguro kayo in time. Pero sa ngayon, pwede bang umalis muna kayong dalawa?"
"Mama!" sigaw ko sa kanya at niyakap siya.
Kumalas siya. "Nasasaktan ako Athena. Sobra. Sobra. Kaya please, umalis ka muna? Hayaan mo. Hindi ko muna sasabihin sa Kuya mo to. Hindi ko alam kung ano kayang gawin noon."
"There's nothing wrong sa pagiging bisexual, Madame."
"Bata pa kayo. Exploration yan, iho. Iha pala rather."
"Mama.. Sorry.."
"Sorry saan? Sa pangloloko mo? O sa pag patol sa kapwa mo,anak? Saan yung sorry mo? Para saan?" di na ako nilingon ni Mama.
"C'mon babe. Let's go." hatak ni Wolf sa akin.
Bago ako sumama sa kanya ay binigyan ko ng mahigpit na yakap ang aking ina. "Sorry mama, I love you.." nag intay ako ng kalahating minuto pero wala akong narinig na kasagutan kung hindi hikbi lamang.
"Matatanggap niya rin tayo,babe. It takes time. But I'm pretty sure, magiging okay ang lahat. You have me, I have you. Okay?" yakap ni Wolf sa akin bago kami sumakay ng kotse.
BINABASA MO ANG
She Loves My Brother (GxG)
RomanceSi Athena ay isang simpleng babae lang na nangangarap makapasok sa Imperial College of Engineering. Gusto nyang makapasok dahil as crush na crush nyang si Louis. Isang sikat na model sa bansa na pinili muna mag aral as ICE. Sinundan nya ito para mag...