13

83 4 0
                                    


Winnie (Anabelle)

"Hey, coz. wake up."

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa mukha ko, andito na pala kami. hindi ko man lang namalayan na natulogan ko na pala siya habang nagkwekwento.

"Sana sinabihan moko kanina na matutulog ka, hindi yong parang baliw ako nagsasalita." Maktol niya sakin kaya natawa nalang ako.

Habang naglalakad kami papuntang puntod ni mommy ay puro pa siya kwento kasi tinulogan ko daw siya kaya naputol yong kwento niya sakin.

"Malayo pa ba tayo?." Kalaunan ay tanong ko sa kanya. napahinto naman ito at napatingin sa paligid namin.

"Lagpas na pala tayo." Natatawa niyang sabi.

Sabi na e, kung hindi pa ako nagtanong nakarating na kami sa dulo nitong sementiryo.

Ang ending bumalik kami, sinabihan ko siyang manahimik muna kasi ang daldal niya masyado. baka bigla pa gumising mga patay rito dahil pa minsan minsan ay tumitili siya.

"Nakalimutan ko na saan puntod niya." Napahinto ako sa paglalakad at sinamaan siya ng tingin. "Just kidding! andito na tayo kaya wag moko tignan ng ganyan kasi naaalala ko sayo daddy mo." Sabi niya at nag peace sign pa.

Binuksan niya ang sling bag niyang dala. inilabas nito ang susi at naglakad sa kalapit naming parang bahay na maliit at binuksan. ngayon ko lang napansin na ang expensive ng sementiryo na 'to.

Halatang puro mayayaman ang nakalibing.

"Hi tita! good afternoon sayo. andito na ulit ang maganda mong pamangkin pero ngayon kasama ko ang anak mo." Sabi niya ng makapasok sa loob. kung magsalita siya parang hindi patay yong kausap.

"Hi mommy." Mahina kong sambit ng makalapit ako sa mismong libingan niya.

Ilang taon na ang nakalipas pero andito pa rin yong sakit na pilit kong itinatago noon pa man.

Noong nalaman kong wala na siya hindi ako umiyak sa harap ng kahit sino man sa mansion. ilang araw ako nagkulong sa kwarto at doon lahat iniiyak ang nararamdaman ko.

"Sorry po kung ngayon ko lang kayo napuntahan dito, hindi ko po kasi alam saan hahanapin 'to." Hinaplos ko ang nakaukit niyang pangalan.

Napatingala ako dahil naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. ang hirap tanggapin, hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala na siya.

Kung hindi lang siguro siya sumabay kay daddy sa pag alis hindi sana siya napatay at kasama ko pa siya ngayon.

Nangako ako sa sarili ko na hahanapin ko sino pumatay sa kanila para mabigyan ng hustisya pagkamatay nila. pero hanggang ngayon hindi kopa rin mahanap ang may gawa nun.

Pero hindi ako titigil hangga't sa makita ko na siyang nagdudusa sa kulongan.

"Wag ka umiyak kasi natatakpan ganda mo." Sabi ni kat, lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko.

Agad na pinunasan ko ang luha, nakalimutan kong may kasama pala ako dito ngayon.

"Hindi ako umiyak, napuwing lang ako." Siniko ko siya kaya napaaray nalang siya.

"Ouch it's hurt! Tita oh inaaway ako ng anak niyo." Sumbong niya kay mommy.

"Parang nagsumbong ka lang sa binge."

Napatingin ako sa labas, mag gagabi na pala kaya kailangan ko na magpahatid sa kanya pauwi dahil sigurado akong kanina pa ako hinahanap ni Victor.

"Pahatid ako pauwi." Sabi ko kay katrina na busy haplosin ang siniko ko sa kanya. ang arte talaga.

WHO'S THE KILLERWhere stories live. Discover now