Winnie (Anabelle)
6am nang gumising ako ng may ngiti sa labi, ang masasabi ko lang ay ito yung pinakamagandang araw ko mula nung umalis ako sa mansion.
Lalong lumawak ang ngiti ko nang maalala ko na naman yong nangyari kagabi, sulit yong lamig na naramdaman ko kasi nakasama ko naman siya, bonus na yung ngiti niya.
Ngayong alam kong wala siyang boyfriend. hindi ko siya titigilan hanggang sa mabaliko ko na siya.
"Ang saya mo ah, parang wala ginawang kasalanan kagabi. pasalamat ka at hindi kita sinumbong kay senorito." Saad ni Victor na kasalukuyang hinahanda ang pagkain na inorder pa namin kasi parehas kami hindi marunong magluto.
Speaking of him, sobrang galit siya sakin kagabi kasi akala niya may nangyari ng masama sakin. pero hindi ko na siya pinatulan kasi ayoko masira yung mood ko kagabi.
Nag sorry naman ako sa kanya kaya okay na rin 'yon, alam ko kasing ginagawa lang niya trabaho niya at iyon ang bantayan ako.
"Bakit pala magkasama kayo ni Miss Soriano kagabi?"
"Nakisabay lang ako sa kanya." Tipid kong sagot.
Ayoko ikwento sa kanya yung totoong nangyari kagabi, okay na yung ang alam lang niya ay may gusto ako kay Miss Soriano.
"Hindi ba siya nagalit sayo? pinagalitan kasi siya ng dean dahil sayo."
Napahinto ako sa pagkain ng pandesal dahil sa narinig, nakaramdam ako ng guilty bigla. pinilit ko kasi niya na wag ako isumbong sa dean without even knowing na pinagalitan pala siya dahil sakin.
Ang linis ng pangalan niya sa university tapos madudungisan ko lang dahil sa ginawa ko. pero hindi ko naman sinasadya e.
Kakausapin ko nalang siguro yung dean na walang kasalanan si Miss Soriano.
"Nakita mo bang lumabas kanina si Miss Soriano?" Tanong ko sa kanya kasi galing siya sa labas kanina para kunin inorder namin.
"Umalis na siya kanina pero mukhang masama pakiramdam niya. may kasama ngang babae."
May sakit kaya siya? ano ba yan, lalo akong maguguilty kapag nagkasakit nga siya dahil naulanan siya kagabi tapos nilamig pa ng sobra kasi sakin pinasuot blazer niya.
"May itatanong pala ako." Tumango lang ako bilang tugon.
Nawalan ako bigla ng gana kumain.
"Gusto mo pa rin ba siya?" He asked. titig na titig siya sa mga mata ko na para bang hindi ako pwede magsinungaling kasi mahahalata na niya.
"Oo, wala namang masama dun." Honest kong sagot.
Wala namang rason para hindi ko sa kanya sabihin yong totoo. may tiwala naman ako sa kanya kaya alam kong hindi niya ipapaalam kay lolo.
"Hindi ba yan laro lang? kilala kita, I know how you play games." Seryoso niyang saad na ikinairap ko, hindi naman lahat ginagawa kong laro lang.
Iba si Miss Soriano.
"Mukha bang laruan si Ma'am?" I asked. umiling lang siya "Pala e, wala akong maisip na rason para paglaruan siya kaya tumigil ka sa kasasabi mo ng laro kasi hindi ko yun gagawin sa kanya." Mahabang lintaya ko sa kanya. napaiwas siya ng tingin at napalunok.
Mas mabuti ng sinabi ko sa kanya yan para hindi niya sabihin na pinaglalaruan ko si Miss Soriano, naiinis din kasi ako kasi parang pinapamukha niya na lahat ng ginagawa ko laro lang
"Hindi mo pa siya kilala ng lubosan kaya wag kang magtitiwala sa kanya, control your feelings for her. kasi pwede niyang gamitin sayo yan." Huli niyang sabi bago lumabas.