Winnie (Anabelle)"Okay ka lang? kanina mo pa hindi ginagalaw yang pagkain mo. hindi kapa naman nag breakfast kanina." Ani ni Victor.
Andito kami ngayon sa canteen to eat lunch pero ito ako naiwan yong utak sa 7/11 kagabi. And also I'm confused kasi bakit ako pa yung sinama niya para kumain ng Ice cream imbes na yung boyfriend niya?
Kailangan ko na mag take ng delulu pills.
"Alam mo ba saan nakalibing si dad and mom?" Pag iiba ko sa usapan.
Hindi ko kasi alam saan sila inilibing kasi ayaw sakin sabihin ni lolo, ewan koba at pati yun pinagdadamot niya sakin.
"Ay si tanga." Tanging nasambit ko ng mabulunan si Victor.
Akala mo naman kasi mauubosan ng pagkain sa kakamadali.
"B-bakit mo natanong?"
"Malamang magulang ko sila." Irap ko sa kanya, alam ko naman na hindi niya sakin sasabihin kahit alam pa niya.
Kung ayaw nila sabihin sakin gagawa nalang ako ng paraan.
"Excuse me. ikaw ba si Winnie?" Sulpot ng isang babae. tumango naman ako bilang tugon.
"Pinapatawag ka ni Miss Soriano."
Bakit kung kailan umiiwas ako siya naman itong lumalapit sakin. kung hindi lang straight si Ma'am iisipin kong may gusto siya sakin.
"Samahan na kita." Akmang tatayo si Victor ng pigilan ko siya.
"Hindi na, babalik din naman ako agad." Sabi ko at lumabas ng cafeteria.
Feel ko ipapacheck na naman niya sakin yong mga ni quiz namin kanina. gusto ko sana mag utos ng ibang student na gawin yon kaso baka ibagsak pa niya ako sa subject niya.
Knowing her na walang patawad pagdating sa grade. bali-balita nga rito na marami na siyang naibagsak na studyante niya.
Karamihan nga lang sa mga binagsak niya ay yong mga nagkakagusto sa kanya. palagi daw kasi nila pinupuntahan si Miss Soriano sa office nito sa walang kwenta na dahilan at pati sa oras ng klase ay hindi sila nakikinig.
Scary, baka ako na next na ibagsak niya.
Dami kong nasagap na chismis tungkol sa kanya. tinanong ko kasi sila Alicia at Shantel kanina pero bukod dyan ay wala na silang alam kay Miss Soriano.
Nang makarating sa Office niya ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok. agad namang bumukas ang pinto at binungad si Miss Soriano, walang bago. ang ganda pa rin niya sa paningin ko.
"Come in." Sabi niya at umupo sa swivel chair niya.
"Bagsak ka sa quiz kanina." Malumanay niyang saad at tinignan ako
Kaya niya ba ako pinunta dito para lang sabihin sakin 'yan? hindi kasi ako nakinig sa kanya kanina kaya nung nagpa quiz siya ay wala akong naisagot.
"Retake your quiz, here's the question." Muli nitong sabi ng hindi ako magsalita.
Tahimik kong kinuha ang papel kong saan nakasulat yong question. may kasama rin itong isang papel kong saan ko isusulat yong mga sagot ko.
Naupo ako sa kaharap niyang upuan at sinimulan ng magsulat. lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong masagot, ramdam ko kasi yung titig niya sakin kaya naiilang ako.
"Focus, Vergara. that's so easy."
Paano ako magfofocus kung hindi niya inaalis tingin sakin? wala naman akong kokopyahan kasi kami lang mag magkasama dito.