CHAPTER 13

119 6 0
                                    

CHAPTER 13

Yulo's Point of View

"Yulo? We're here."

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang may mumunting tapik sa pisngi ko. Agad na tumambad sa aking paningin ang namamasang leeg ni Ice. Ngumiti ako nang marahan sa kaniya. "What a nice dream." Pumikit ulit ako at sinuksok ulit ang mukha ko sa leeg niya. It smells good. Ayoko munang gumising.

"A dream, huh?"

Napakunot ako nang tumawa si Ice. Parang totoo ang tawa niya. Idinilat ko ang kanang mata ko. Nakangiti siya sa akin. Dinilat ko rin ang isa, but this time, he chuckles.

"You're now awake?"

Mas mabilis pa ako sa kabayo na napalayo sa kaniya. "Ouch!" daing ko sabay hawak sa kumikirot kong ulo na nauntog sa bintana.

Napatingin ako sa buong bus. Halos kakaunti na lang ang nandito. Wala na ring players. Rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Napalunok ako nang mapagtanto na nandito pa rin si Ice sa tabi ko. Gusto ko ng gumapang at magpalamon na lang sa bus. Kahiya!

"Ice, tinatawag ka ni Coach!" sigaw ni Kuya Levi kaya agad na napatayo si Ice. Napahinga ako nang maluwag. Bakit pa kasi ako natulog?!

Nakangiting tumayo si Ice sabay sukbit sa dala niyang bag habang ang isa ay binuhat niya lang. Nag-thumbs up pa si Kuya Levi sa akin sabay kindat. He knew about it!

"Yulo, bumaba ka na!" Rinig kong sigaw ni Romel kaya nag-ayos na ako at hinanap ang bag ko pero wala.

Patuloy lang ako sa paghahanap.

"Hindi ka pa ba bababa?" tanong ng konduktor sa akin.

"Nawawala po kasi ang bag ko," sagot ko sabay tingin sa ilalim ng inupuan ko.

"Ano bang klaseng bag iyon?" Tumulong din siya sa paghahanap.

"Blue po at may tatak na AL."

Gusto kong batukan ang sarili ko sa sobrang katangahan.

"Ah, iyon bang halos pumutok na sa rami ng laman?" nagtatakang tanong ng konduktor

Napasimangot agad ako. "Ay, grabe si Kuya. Isang buwan din kasi kami sa isla."

Napatawa na lamang siya. "Dinala na ng lalaking katabi mo kanina."

"Ah, dinala na pala ni Romel." Napangiti ako nang maluwag. "Sige po. Maraming salamat!" Dali-dali na akong bumaba sa bus.

Pagbaba ko ay ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Ang lawak ng karagatang tumatawag na ako'y lumapit. Mabuti na lang at suot ko pa rin ang jacket ni Ice.

"Romel, iyong bag ko?" tanong ko kay Romel nang makita ko siya.

"Bag mo?" Kumunot ang kaniyang noo. "Iyon oh."

Sinundan ko kung saan nakaturo ang maniyang hintuturo. Ha?

Napatabingi ang ulo ko. Nakita ko si Ice na dala-dala ang bag ko. Sila'y nagkukumpulan at busy sa pag-uusap kaya nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi.

"Tara na!"

Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay kay Romel.

"Girlfriend ba ni Captain. 'yan?"

"Ang ganda niya!"

Lumaki ang tainga ko sa narinig. Girlfriend ni Martin? Lagot talaga siya sa akin! Kahit anong pagtaas ko ng leeg ay hindi ko makita ang babaeng tinutukoy nila.

"Coach, ang tagal n'yo! Kanina pa ako nandito!" inip nitong saad.

Mas lalo akong nagtaka at may namumuo ng inis sa puso ko. Pinilit kong makadaan para makita ang harap. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya. She grinned at me that made my heart leap out of joy. "A-Alyssa?" bulalas ko. Nawala lahat ng iniisip kong masama.

"Hey, are you okay?" nakangiti niyang tanong sabay tapik sa braso ko.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko maiwasang tanong sa kaniya pero bago pa siya makasagot ay nagsalita na si Coach Zad.

"Listen! Before you went to the Fin Island, let me introduce to you our manager."

Ha? I stepped backward. All of us gathered around. Manager siya namin?

Alyssa stepped twice forward. "Hi. I am Alyssa Laxamana. I will be the manager of Howling Wolves," taas-noo niyang pakilala sa sarili.

Ang iba'y namangha samantalang ako ay nagulat. Hindi niya man lang naikwento na nasa iisang university lang pala kami at ang mas malala pa ay manager pa siya namin.

"You really don't have words, huh?" Napailing si Coach sabay harap sa amin. "Boys! Alyssa Laxamana was part of the Youth Camp kaya siya natagalan sa pagkilala. She will be with us through ups and downs. She will be relaying and spreading what she learned during that camp."

Youth Camp?!

"Are you still single?"

Napangiwi ako sa tanong ng kasamahan namin.

"I don't have time for that. And I hope that you'll focus your attention on baseball. It's okay to be in a romantic relationship but still, handle baseball well," she sarcastically answered, folded her arms on her chest and smirked. "I, as your manager, will manage you to the top."

Malungkot akong napangiti sa kaniyang sagot. She still can't move on.

"Oh, it's not just me but with our captain and the seniors."

"Are you a senior?"

"I am a freshman."

"Enough!" saway ni Coach. "Let's just wait for the yacht to-"

"What the hell, Coach?! Ang gara ng yate!" Tinuro pa ng isa sa yateng papalapit sa amin.

Our jaws dropped. A yacht having a minimalist design yet overflowing with elegance. May helipad din ito sa upper deck. Kumikinang pa ang yate at sumasabay ang mga mata ng iba. I am sure that they cannot wait to see what's inside of this yacht.

Bago ba 'to?

"A yacht like this costs millions of dollars," usal ni Romel habang ang mga mata'y nanatili sa yate.

Millions of dollars? So, mayaman si Coach? Ba't sira ang ref sa dorm. Napasimangot ako sa naiisip. Ang kuripot naman ni Coach.

"Why the fuck did he send like this?!" Lumindol nang kaunti dahil sa sigaw ni Coach.

Halos kaming lahat ay napaayos ng tayo, napatikom ang bibig at ni-isa ay wala ng balak na magsalita.

Coach Zad's clenching his teeth hard. Naririnig na namin ang tunog na ginagawa ng kaniyang mga ngipin. Nagtinginan kaming lahat. Nag-uusap lang kami gamit ang aming mga mata. Tumango si Ice kay Martin. Bumagsak ang mga balikat ni Martin at akmang kakausapin si Coach pero napahinto siya nang may tinawagan si Coach Zad.

Napalunok kami nang matagal bago ito sumagot. Tahimik ngunit naiinis na naghintay si Coach.

"I instructed you to send a normal one!" sigaw ni Coach Zad sa kausap niya.

Kaibigan niya kaya 'yon?

"Normal ba 'to?" He even did a facepalm. "I heard you smirking! Stop that!"

Napayuko ako sa lakas ng boses ni Coach. Ramdam ko ang kaniyang galit kasabay ng pagtaas ng araw. Ang aga-aga ay galit na si Coach.

"Enough!" Napapikit si Coach para pakalmahin ang kaniyang sarili bago binaba ang tawag.

"Ang yaman mo pala, Coach," birong saad ni Martin at hilaw na tumawa.

Napakunot ang noo ni Coach Zad kaya napaatras kami.

"Hiniram ko lang," simple nitong sagot.

"Howling Wolves," maawtoridad na taeag ni Coach sa amin. His eyes were gleaming with determination, "aim higher than you're aiming right now. I'll see you in a month. Grow."

"Yes, Coach!"

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now