CHAPTER 06
Ice’s Point of View
“Oho. I think I can use him against you,” Levi teases me. Halos mapunit na ang labi niya sa pagngisi.
“Shut up!” saway ko. Halos maibato ko pa ang hawak kong mask sa kaniya. “Ano siya? Gamit para gamitin mo?”
“Sumasabay ka naman sa init ng panahon.”
Hindi ko siya pinansin, nakatingin lang ako sa bench. Hindi ko kayang umiwas kay Yulo na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa mga kasamahan namin. He’s too friendly.
“Then, can I ask why?”
Kanina pa ako ginugulo ni Levi at kung hindi ko siya sasagutin ay hindi siya titigil. “His eyes.”
“Huh?”
Nilingon ko si Levi saka inayos ang glove ko. “I love his eyes. You can see his overflowing happiness in his chocolate eyes every day.”
But… there’s pain lingering in that happiness.
Tumango siya bilang pagsang-ayon. “Ang cheerful at friendly pa.”
“Also, don’t forget that he’s an idiot.” Napatingin na naman ako kay Yulo pero napakunot ang noo ko sa bagong kausap niya. “Sino iyang kausap niya?”
“He’s Kotaru. Isang first year at isang catcher.”
One of my eyebrows raises. Catcher, huh?
Agad akong nilingon ni Levi saka binatukan , napadaing ako habang nakatingin pa rin kay Yulo. “Nasa game tayo pero ang utak mo nasa dugout.”
Being friendly is okay not until you’re showing your eyes to them!
“What’s with that frown?”
“Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?” Inis kong sininghalan si Levi pero napatawa lang siya.
Nasa laro kami at tinawag niya ako kaya nag-time out ako pagtapos ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Patapos na rin ang game kaya halos magsiuwian na ang mga nanonood. Sabagay, dalawang out na lang ang kailangan namin pero hindi natin alam kung babaliktad ang sitwasyon dahil ang lamang namin ay isang run lang.
“Huwag kang magpapahalata masyado,” nakangising usal ni Levi, tinapik niya ang balikat ko, “my catcher.”
Dahil sa tinawag niya sa akin ay nagsalubong ang mga kilay ko. “Puwede ba, magseryoso ka?!”
Tinaas niya ang dalawang kamay, siya’y sumusuko na. “Chill! Huwag kang mag-aalala. Alam ko namang isa lang ang dapat tumawag sa ’yo non saka ang corny masyado.”
“Be serious, Levi!”
Hindi niya ako pinakinggan. Siya ay nag-unat-unat kaya wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa posisyon ko. Dalawang out na lang at mananalo na kami, makababalik na ako sa dugout.
I wore back my mask and punched the inside of the glove to clear my mind. Now Ice, focus yourself on the game. Hindi na ako magiging katulad ng dati. Isasara ko na ang pinto ng nakaraan at magbubukas ng panibagong pinto.
I crouch down and give a sign to Levi. Levi followed the sign and he pitched a cutter. Tuloy lang ang pagbigay ko ng signs.
I was stunned when I heard the audience screaming. Their voices echoed in my ears as I am in a musical theater. I am still crouching down behind the home plate. I cannot stand up. Napapagitnaan ako ng sigawan.
“Panalo tayo, Ice!” Sigaw ni Levi ang nanaig sa aking pandinig, nanatili akong nakayuko’t nakatitig sa lupa.
“Oho. Tumatanda ka na ba at hindi ka na makatayo?” pagbibiro ni Levi.

YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher