CHAPTER 01

3.3K 96 30
                                    

CHAPTER 01

Yulo’s Point of View

“Aalis na ako sa team na ’to!”

Napahinto ako sa paglalakad. Kalalabas ko lang sa kuwarto ko sa dorm ng baseball team. Hindi ko gawaing makiusisa pero napahanap ako kung saan nanggagaling ang usapan. Gabi na at tiyak na nagsisimula na ang meeting namin. Unti-unting lumakas ang mga boses ng mga nag-uusap. Napakunot ang noo ko nang makita ang isang lalaking may dalang dalawang bag habang ang isa ay pinipigilan siyang maglakad pababa ng hagdan, galing sila sa pangatlong palapag at parehong marurumi ang suot na practice jersey.

Galing sila sa practice?

“Kulang tayo sa players! Kaunti na lang tayo. Tiyak na makakapasok tayo sa Playoffs this season!” A man pleaded, a soothing tune of desperation seeking hope that the other man would stay. But, wrong move.

Pwersahang binagsak ng lalaki ang dalang bag. “Dalawang taon na akong kasali pero wala talagang pag-asa ang baseball team, Dave.” He paused briefly, then reached into the bag with a deep breath. “Good luck na lang sa inyo.”

Bakit siya aalis sa team?

Napaupo ang lalaking nagngangalang Dave sa hagdan. He runs his long fingers on his short slicked-back black hair. Hindi niya ako napansin kaya dahan-dahan na ko na lang siyang nilagpasan st bumaba sa hagdan.

“Freshman ka ba?”

Napahinto’t napalingon ako. “Opo!” masigla kong sagot.

Dave’s lips raised slightly, his gaze softened gently. “Welcome to Howling Wolves.” Kahit na pilit niyang pasiglahin ang kaniyang boses ay bakas pa rin ang kalungkutan.

“Thank you!” Napayuko pa ako habang malawak na nakangiti.

Kumatok ang katahimikan sa paligid namin.

Napakamot siya sa ulo. “Late ka na sa meeting.” Siya na ang tumaboy sa katahimikan.

“Oo nga po. Mauuna na ako!” Yumuko ulit ako sabay binilisan ang pagbaba sa hagdan.

 Ang dorm ng baseball team ay may tatlong palapag. Hindi ito gaano kalaki. Nasa second floor ang kwarto ko, Room 4. Alas otso ang meeting na magaganap pero nasa first floor lang ang conference room kaya ayos lang na ma-late ako ng kaunti.

Pagkababa ko ay agad kong hinanap ang conference room. Nang makita ko ang pinto na may nakasabit na name plate na may nakasulat na “CONFERENCE ROOM”, kumatok ako ng dalawang beses at maingat na pinihit ang doorknob. Malamig na ere ang sumalubong sa akin. Halos lahat ng players ay napalingon sa gawi ko. Malawak ko silang tinapunan ng malawak na ngiti.

“Hello! Good evening po sa lahat,” masigla kong bati, ako’y yumuko pa sabay kaway.

Bumati ang iba, ang iba naman ay tumango lang. Nilibot ko ang aking paningin sa silid. Iilan lang ang mga nandito. May mga nakapambahay lang ang suot kagaya ko at ang iba nama’y nakasuot ng kanilang practice uniforms, halos marurumi ang puting uniporme. Tiyak na lumang players sila, nasa kalagitnaan na ng June kaya nagsimula na Pre-Season hudyat na nagsisimula na ang preparasyon para sa darating na Regular Season. I can’t help but smile due to the excitement that I felt.

This is it! Nandito na ako sa Howling Wolves!

Dumapo ang mga mata ko sa lalaking tumikhim sa harap. I was in awe when I saw his crew-cut hairstyle impeccably groomed, especially his short-trimmed beard. Maybe, he’s the coach? May mumunting linya na ang kaniyang noo’t gilid ng mga mata, ang mukha niya’y blanko, habang ang mga mata niya’y nagtatapon ng panghuhusga na nakatigin sa amin. Napababa ang tingin ko sa suot niyang itim na polo.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now