CHAPTER 11
Yulo’s Point of View
“A baseball field?”
Hulog ang panga kong nakatingin sa tahimik na field na nada harapan ko. Malawak, malinis at napakaganda. Hindi na ako makapaghintay na maglaro dito.
“Yes. Magbihis ka na dahil magbabayad lang ako,” utos ni Alyssa kaya napatango ako bago tuluyang pumunta sa banyo malapit sa field.
Nandito kami ngayon sa hindi ko alam na lugar. Mas kabisado pa ni Alyssa ang syudad kaysa sa akin. Kahit na nakaiinis ay ayos lang ang mahalaga ay nakasama ko siya ngayon. Magkano kaya ang bayad ng field na ’to?
Nakita ko si Alyssa na nakasuot na rin ng uniform na may tatak na AL, ang team namin no’ng highschool ay Allisyri Baseball Team kaya napangiti ako habang inaalala ang mga sandaling iyon.
“Parang kailan lang no’ng magkasama tayong naglaro.” Masaya ko siyang inakbayan.
Tinanggal niya ang kamay ko, seryoso akong tiningnan at binigyan ako ng isang baseball. “We are not here to enjoy.”
Napanguso ako saka umupo sa upuan. “Alam ko naman ’yon.” Hindi ko lang talaga mapigilan ang saya ko.
She folded her arms on her chest. “You’re now suffering from yips. Alam mo naman na mabilis ka lang makararanas ng gano’n.”
Sadness fills me as I bow my head. Yips is one of the greatest problem of a pitcher pero iba ako sa ibang pitcher. Sanay na sanay na ako sa yips, minor yips to be exact pero kailangan ko pa rin ng tulong ng iba, ang maganda nga lang ay hindi na ako namomroblema kagaya ng dati. Nakafu-frustrate kayang magkaroon ng yips. Hindi ko nga rin alam kung yips pa rin ba ang tawag dito. Nalilito at naiinis na ako sa sarili ko. Hindi na ako nakakapag-pitch ng tama at naayon sa gusto ko. Minsan, hindi na nakakaabot sa mitt at minsan din ay hindi na ito pumapasok.
“Mind to tell me the whole story?”
Ito ang dahilan kung bakit kami nagkita ni Alyssa, kailangan ko talagang sabihin sa kaniya ang totoo para malaman kung ano ang dahilan.
“Coach Zad said that I’m the starting pitcher and Kotaru will be the catcher. At pagdating sa field, hindi naman ako kinabahan dahil hindi ikaw ’yong batter.” Napatango-tango siya kaya pinagpatuloy ko ang pagkukwento. “Maganda ang simula ko. First inning to the third inning pero sa fourth inning, tumagilid ang sitwasyon. Hindi ko alam kung bakit.” The tone of my voice become tense. I clenched my fists. Hindi ko alam kung bakit naging gano’n. Ang plano ko ay mag-pitch sa buong game pero nasira ’yon dahil sa problemang dumating na lang ng hindi ko alam.
“Kailan nagsimula ang pagtagilid?”
Nakikinig ba talaga si Alyssa sa kwento ko? I sigh heavily. “Simula ng fourth inning.”
“Ano ang nangyari sa dugout noong nag-change?” seryosong tanong niya kaya napaisip ako.
Walang nangyari dahil lahat ay abala. Ang iba ay naghahanda na sa kanilang mga bat samantalang si Jinnrick ay natutulog lang sa gilid ng dugout dahilan para mapagalitan siya ni Coach. Hindi ko rin alam kung paano siya naging relief pitcher. Imposible namang iyon ang dahilan dahil tumatawa lang ako at si Romel sa sitwasyon.
“Walang nangyari! Ano naman ang—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. Ramdam ko ang mabilisang pagdaloy ng dugo ko papunta sa mukha. Bakit ko ba ’yon nakalimutan?
“You’re blushing. What happened?” Uminom siya ng dala niyang tubig. “It’s about the catcher named Ice, right?” Tinaasan niya ako ng kilay sabay lunok sa ininom niya.
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher