CHAPTER 12
Yulo’s Point of View
Napayakap ako sa sarili nang dumapo ang malamig na hangin. Alas singko pa nang umaga kaya malamig pa ang paligid. Napatingin ako sa iba na may suot na jacket, napapa-sana all na lang talaga ako. Na-late ako ng gising at hindi ko namalayan na naiwan ko pala ang jacket ko. Ngayon kami pupunta sa Fin Island, sa sobrang excited ko ay hindi ako nakatulog!
Nakatingin ako sa bus na huminto sa harapan namin. Unang pumasok sina Coach Zad at ang mga senior kaya napasunod na rin kami.
Napahigpit ang yakap ko. Ang ginaw—
Nanlaki ang mga mata ko nang may telang dumapo sa ulo ko. It smells like a flower. Pagtingin ko’y isang jersey jacket ng Howling Wolves.
“Wear it,” mariing utos ni Ice.
Kahit na nagtataka ay sinuot ko na lang ito. Uminit ang mukha ko sa mabangong amoy ng jacket. I want to sniff it closely but I am afraid to be seen like a pervert. Anong softener kaya ang gamit ni Ice? Maluwag ang jacket at hanggang hita ang haba nito. He is 6’3 feet while me, I am just 5’7 feet. Ah! Kainis.
“Hindi ka ba giniginaw?” Narinig kong bulong ni Kuya Levi.
“Naiinitan ako,” simpleng sagot ni Ice at tumungo na kay Coach Zad.
Napakunot ang noo ko bago tiningnan ang mga kasamahan ko. May iilan ding walang suot na jacket kaya bakit sa akin niya pinahiram?
“That Ice is really something.”
“Sa’an ka nanggaling?” tanong ko kay Romel na kararating pa lang. His lips are swelling as well as his right cheek. There’s even a bite mark! May girlfriend ba siya?
Uminit ang mukha ko sa naiisip.
Napaiwas siya ng tingin sa akin. “Umihi lang ako.”
Hindi na ako nagtanong pa at napahawak na lang sa laylayan ng jacket at napabuntong hininga. Pagkaraan ng ilang minuto ay may dumating na bus.
“Wow! Ito ba ang bus ng team ng Howling Wolves?” namamanghang usal ni Shin, isa sa mga baguhang member na katulad ko at ito ay second year na ngayon.
Umasim ang mukha ni Kuya Levi. “No—”
Mas lumalim ang kunot sa kaniyang noo. “Ba’t may kasama tayong iba?” dagdag niya nang makitang may iilang nakasakay, may mga bata at matatanda.
Napabuntong hininga na lang ako nang napagtanto na nag-commute lang pala kami.
Tahimik na lang akong umupo sa likod na bahagi ng bus, tumabi na rin si Romel sa akin habang si Shin ay patuloy pa rin sa pagdaldal.
“Boys, shut your mouth! Umupo na kayo,” mariing utos ni Coach kaya napapalunok na napahanap ng upuan si Shin at ang iba.
Ito ang araw kung saan kami pupunta sa Fin Island para sa training camp namin. Mabuti na lang at lahat ng instructors ko ay pinayagan akong sumama dahil wala naman akong marka na mahuhulog na. I rested my back on my seat. I clenched my first. Hindi pa rin ako nakaka-pitch. Wala ni isang nakakaalam nito maliban kay Alyssa dahil kapag nalaman ito ni Coach ay tiyak na wala ako rito ngayon.
“Ayos ka lang ba?”
Napalingon ako kay Romel, I smiled a little bit. His eyes are full of worries and questions.
“Oo naman. Bakit mo naitanong?” I forced myself to be positive, to be jolly, but the thought of not being able to pitch still murdered me.
“You’ve been weird after our practice game. You’ve been quiet,” bulong niya sa akin.
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher