CHAPTER 08
Yulo’s Point of View
Tatlong araw na ang lumipas simula no’ng tinuruan ko si Ice sa signs na ginawa ni Alyssa dati. Noong una ay ayaw niyang pag-aralan dahil sa sobrang dali lang naman at pinipilit pa niyang turuan ako ng bagong signs pero hindi ako pumayag. Nakatatamad kayang mag-aral. Buti na lang sa tatlong araw ay wala kaming training kundi kanina pa sumabog ang utak ko dahil sa mga lessons kanina about understanding the self.
Ang hirap kayang intindihin ang sarili ko!
“Yulo, okay ka lang ba?”
Banayad kong inangat ang aking mukha. “Romel, bakit ba ang dami nating kailangang pag-aralan?” Nakatulog pa ako sa isang course at hindi ko alam kung ilang lessons ang itinuro. Hindi ko na nga lang namalayan ang oras at tapos na pala. Nanatili lang akong nakaupo, kasama ko pa rin si Romel na busy sa pagsusulat sa kaniyang maliit na notebook.
“Dahil isa iyon sa tasks ng isang estudyante.”
Ayoko na. Hindi ko na kaya. Puro numero at pangalan na ang nasa utak ko saka ang mga nakikita ko sa paligid. Idagdag pa ang mga petsa sa History course. Major in Mathematics ang kinuha ko dahil akala ko puro numbers lang pero nagkamali ako. Ito na siguro ang pinakamasaklap na scam na nangyari sa akin.
Ang bobo ko kasi!
Pagod kong binagsak ang mga balikat kong nalulusaw na. “Gusto kong maglaro lang ng baseball at hindi na mag-aral. Magiging tanyag akong baseball—”
“Paano ka magiging tanyag kung signs lang hindi mo pa kayang pag-aralan?”
Napalingon agad ako sa mga dumating. Napaayos ako ng upo habang ang mga mata ko’y nanatili sa kanila. Si Ice at Kuya Levi, nakasuot sila ngayon ng kanilang departmental shirt. A combination of black and white having elements like buildings and bridges. Para itong isang construction site. Hindi ito masakit sa mata at litaw na litaw ang kanilang maipagmamalaking mukha. Bagay na bagay sa kanila. Ngayon ko lang silang nakitang naka-uniporme ng ganito.
Malawak akong napangiti. “Ice! Kuya Levi!”
Napakamot si Kuya Levi sa ulo saka tiningnan ako. “Huwag mo nga akong tawaging kuya, nagmumukha akong matanda.”
“Bakit kayo nandito?” tanong ni Romel sa kanila, nailigpit na niya ang kaniyang mga gamit.
Halos lahat ng blockmates ko ay nakatingin na sa amin, napapasilip na rin ang iba na nasa corridor, nagbubulungan. Halos engineer ang naririnig ko. Sino ang hindi makakatingin sa dalawang lalaki na ito na bagay na bagay ang uniform nila idagdag mo pa ang mga mukha nilang hahabulin at ang pagiging sikat nila sa baseball.
“Engineers, kailangan n’yo ba ng teachers? Free kami lagi,” kinikilig na wika ng isang babae sabay hampas sa katabi niya.
“Talaga?” Ngumiti si Levi sa kanila. “Puwede n’yo ba akong tulungang gumawa ng projects?”
“Levi.” Isang malamig na boses ang pinakawalan ni Ice na nababagay sa pangalan niya. Ang mga mata niya ay matalim na nakatignin kay Kuya Levi.
“Titigil na.” Hilaw na tumawa si Kuya Levi. “Ikaw lang naman ang nangangailangan ng teacher.”
Ha? Umasim ang mukha ni Ice. Napano ’to?
“I’m not! We’re just here to relay something.” Tumikhim si Ice, tinitigan niya ako bago muling nagsalita, “We’re here to inform you that we will be going to attend the training camp for a month starting Monday.”
“Training camp for a month?!” sigaw ko. Wala na akong pakialam sa iilang estudyante.
Isang buwan? Bakit ang haba yata?
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher