CHAPTER 10
Yulo’s Point of View
Nandito ako ngayon sa isang upuan na nasa gilid ng vending machine. Napatingala na lang ako sa mga bituin at pilit na huwag alalahin ang nangyari sa game kanina. 10:00PM na kaya alam kong natutulog na ngayon ang players. Kinuha ko ang cellphone ko saka hinanap ang pangalan ni Alyssa at tinawagan ito. Marami akong gustong ikwento at itanong, siya lang ang una kong malalapitan maliban sa dalawa ko pang kaibigan. Ilang minuto rin bago niya sinagot kaya ako na ang unang nagsalita.
“I played in a game and—”
“And you didn’t pitch until the end?” Pinutol niya ang sasabihin ko. Ang boses niya ay halatang kagigising pa lang.
“P-Paano mo nalaman?” Hindi ko maiwasang magtaka at mamangha. May lahing manghuhula yata ’tong si Alyssa. Hindi ko siya narinig kaya nagtapat na lang ako. “T-The batters overwhelmed me.”
“You’re just too happy and excited to play.” Napangiwi ako. Tama lahat ng sinasabi niya. “You overwhelmed yourself.”
“A-Ano ang gagawin ko?” Alam kong alam na niya ang problema ko. Madalas akong nakakaranas ng sitwasyon na sobrang saya at excited ko.
“Do you want to meet me?”
May sayang nabubuhay sa puso ko pero kalaunan ay nangitim na naman ito dahil sa layo niya. Alam ko naman na gusto niya lang pagaanin ang loob ko pero umaasa akong magkikita kami. “A-Akala ko ba nasa probinsiya ka nag-aaral?”
Narinig ko ang munting tawa niya sa kabilang linya. “I didn’t said that. Wala pa ako sa school dahil may inaasikaso pa ako.”
“Huwag mong sabihin, nag-aasikaso ka na dahil ayaw mo ng mag-aral? Kahit tamad ka, kailangan mo pa ring mag-aral.” Narinig ko lang siyang nagmumura habang tumatawa. Alam ko kung gaano katamad si Alyssa kaya posibleng gusto na niya talagang tumigil. Dati pa siya laging nagsasabi na titigil na siya dahil wala naman siyang pangarap.
“I will help you tomorrow. Alam kong sa Monday na ang training camp.”
“Stalker ba kita?” Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasa tabi-tabi lang siguro si Alyssa at hindi niya sinabi sa akin o hindi kaya hindi siya sa probinsiya nag-aaral.
“Nalaman ko kay James.”
I sighed. Updated talaga si James dahil nandito ang kasintahan niya.
“Naglalaro ka pa ba ng baseball?” Ayoko ko munang ibaba niya ang linya. Gusto ko pa siyang makausap dahil hindi naman siya mahilig magkwento at saka gusto kong makalimutan ang nangyari sa laro.
“Oo naman.”
“Ayos lang ba ang mga kalaban mo sa probinsiya?” Ayaw na ayaw niya sa mga kalarong hindi niya gusto ang ugali. Natatakot lang akong masangkot na naman siya sa isang away.
Narinig ko siyang tumawa. “Kapag sinagot ko ang tanong mo ay iiyak ka na lang. Nasa probinsiya nga ako pero lahat sila ay magagaling.”
Napakunot ang noo ko. “Saan ang nakakaiyak doon? Expected na ’yon dahil sa probinsiya tayo nanggaling.” Hindi ko maiwasang maging proud. Sino naman ako para i-degrade ang pinanggalingan ko?
“Pfft. Lumalaki yata ang ulo mo?”
“Kapag ikaw ang kausap ko.” Si Alyssa ang tipong hindi mo mapapatawa nang mabilis. Sa sobrang seryoso at misteryoso ay para na lang siyang hangin kung minsan sa mga gala namin dahil laging pagod.
“Pinapakilig mo ba ako?” birong tanong niya dahilan para mapatawa ako.
“Alam kong ihi na lang ang nagpapakilig sa iyo.”
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher