CHAPTER 07

1K 58 17
                                    

CHAPTER 07

Yulo's Point of View

"Sabi ni Coach na maglalaro ako ngayon!"

Kanina pa ako nag-iingay sa kuwarto ni Ice. Hindi ko akalain na iiwanan ako nina Coach Zad. Ang seryoso pa niya nang sinabi niya na ako ang starting pitcher sa practice game ngayon pero hindi man lang ako ginising para hindi ako ma-late. Nagtatampo na rin ako kay Romel dahil siya lang ang nag-iisang roommate ko 'tapos iniwan niya lang ako?

"You need to learn signs."

"Ayoko nga!"

Naiinis na rin ako kay Ice. Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nandito. Pagkagising ko ay si Ice na lang ang tao at pinapunta niya ako rito dahil may sasabihin siya. Akala ko naman ay mahalaga pero paulit-ulit na lang siya sa Science. Nakasasawa na.

Nakita kong tumaas ang kilay niya. "Bakit ayaw mo?"

"Sumasakit ang ulo ko sa Science na 'yan." Sinambunutan ko pa ang sarili ko. Kapag naaalala ko 'yon ay hindi ko mapigilang maawa sa sarili ko. "Kapag naaalala ko 'yong nakaraan ko ay nakaaawa talaga. Lagi na lang akong zero."

"Anong zero ang pinagsasabi mo?"

"Mathematics major ako at hindi Science. Halata namang ayaw ko sa Science, saka bakit ko ba kailangang matutunan ang Science?" Ang malambot na kama ang sumalo sa akin nang ibagsak ko ang katawan ko at inis na hinablot ang unan saka niyakap ito. "Graduate na ako riyan."

"Damn! Tanga nga pala itong kasama ko." Narinig kong bulong ni Ice. Inis niyang tinuro ang couch kaya napanguso akong umupo. Nakita ko siyang may hinilang maliit na white board galing sa ilalim ng kama.

"Before we proceed, mind to introduce yourself?"

Napakamot ako sa ulo ko. Kilala na namin ang isa't isa. Ayaw ko na sanang magpakilala pero nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya kaya ngumiti ako. "I'm Yulo Castro. I love flowers but ayaw ko sa Science. Nineteen years old na ako. Naging pitcher ako since highschool pero pinch hitter ako noong elementary."

Nakita ko siyang patango-tango. "So, that's why you can hit a pitch. And why are you always wearing a wristband?"

Agad kong tinago sa likod ko ang kamay kong may wrist band at pilit na tumawa. "S-Saka, noong bakasyon ay nag-pa-practice ako bilang fielder." Sasabihin ko na lang ang tungkol sa akin dahil wala namang masama kaysa tuturuan niya ako sa Science. Nakamamatay ng utak ang Biology lalo na sa part na genetics, sa Chemistry naman, sumasakit ang utak at mata ko, ang daming letter c, h at o kapag nag-fo-form na ng formula. May pa structure-structure pa at numbers na hindi ko alam kung saan nanggaling. Pagkatapos ay may balancing pa.

"Why did you practice as a fielder?" Bakas sa boses niyang hindi makapaghintay.

Umayos ako ng upo. "May nakapagsabi sa akin na puwedeng hindi ako makasali sa laro."

Bakas ang pagkagulat nang lumaki ang mga mata ni Ice pero mabilis na nakabawi. "Kung sino man siya ay sobrang practical niyang mag-isip."

Napatango ako. Tama nga si Alyssa, isa sa mga kaibigan ko. Iba ang college baseball sa highschool. Nakasalamuha ako ng maraming pitchers, si Kuya Levi, si Jinnrick at 'yong mga pitcher ng kalaban namin kahapon. Kuya Levi was their ace last season at parang ngayong season din. I watched him play yesterday, walang mintis ni isa. Swak na swak sa mitt ni Ice.

My heart swelled up a little. I smiled bitterly. I didn't play yesterday, I am just watching and cheering in the bullpen. Hindi lang ako ang nasa bench, marami-rami rin kami. I want to play but wala pa ako sa level ng isang starting player. Magagaling silang lahat at 'yong kakayahan ko ay hindi college level. Nakalulungkot isipin na kahit pitcher ang gusto kong posisyon, may posibilidad na hindi ko ito makukuha.

"Kahit na hindi ako ang pitcher, ayos lang sa akin kahit ano'ng posisyon basta makapaglaro ako ng baseball."

 

Ice's Point of View

Yes, he's an idiot but he's a typical baseball nerd. Hindi ba niya alam ang kakayahan niya bilang pitcher? He doubted himself.

"Ice? Anong gagawin mo sa whiteboard?"

Hinila ko ang isang upuan sabay upo at humarap sa kaniya. "I'll teach you some catcher's signal." I don't want to use the word signs anymore. He's an idiot.

I saw him nod slightly. "Tuturuan mo pa ako? May signs akong alam."

Tumaas naman ang kilay ko. "Paulit-ulit?" Kanina ko pa siya gustongsigawan. Napaiwas ako saglit dahil sa malawak niyang ngiting nakasisilaw.

Nakita kong tinaas niya ang dalawa niyang daliri at parang may baseball na hinahawakan saka pinakita sa akin. "Two-seam fastball."

Nagulat ako sa sinabi niya dahil may alam siyang sign pero iba ang sign na ginagamit niya sa amin. "Who taught you those signs?"

"Si Alyssa. Siya ang kauna-unahang catcher ko at siya lang din ang naging catcher ko na nagbibigay ng signs."

Alyssa? A girl?

Ngumiti si Yulo habang nakatingin sa mga daliri. "Our signs will depend on what grips I'm going to use."

"Huh? Why?" Ngayon ko lang nalaman na may ganoong signals.

He relaxed his shoulders, and he pouted. "Sabi niya na ang tanga ko raw at makalilimutan ko lang kaya mas maganda raw kapag ang signs na ipapakita niya ay kung anong grip ang gagawin ko."

Sa sobrang lawak ng pagkakangiti ni Yulo ay halos mapunit na ang bunganga niya. Si Alyssa lang ang catcher niya na gumamit ng signs. I tightly crossed my armson my chest. So, their battery is beyond limits?

"I want to learn those signs."

"Exclusive 'yon para sa battery namin!" tutol niya.

He didn't hesitate to object immediately. I stared at him with a scowl on my face when he objected. Ganoon ba kahalaga kay Yulo ang battery nila at ayaw niyang bitiwan?

"May kontrata ba 'yan?" I refrain my voice from raising. Wala akong karapatang magalit pero hindi pa nga kami naka-fo-form ng battery sa isang official match ay hindi na niya ako pinagkatitiwalan.

His lips stretched. "Oo. Pang-habang buhay."

"Just tell me o hindi ka makakalaro," pagbabanta ko na nagpakunot sa noo niya.

I wasn't sure where this conversation was headed. I am being immature. I noticed him bowing down and then nodding. He had remained silent for several minutes.

"Napatahimik ka?"

He flashed a half smile. "Wala. Gusto kong sa amin lang 'yon at wala ng makakaalam na iba."

I hit my forehead softly. Fine, importante 'yon sa kaniya. Hindi ka dapat mainis, Ice. Wala kang pakialam sa lalaking kausap mo.

"Dahil ayaw mo akong turuan ay tuturuan kita sa mga signs na gusto ko-"

"Tuturuan na kita!" Tumayo pa siya at saka inurong ang couch palapit sa akin saka kinuha ang baseball na nasa side table. "Nakakatamad kayang mag-aral."

Pinakita niya ang kamay niya na may hawak na baseball. "Just imagine na wala ang baseball." He made a circle using his thumb and index finger then he put the ball at the center of his three other fingers and he showed it to me. A change-up?

"A change-up sign!"

Tumango na lang ako kaya pinagpatuloy na niya ang pagpapakita ng mga grips. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nakatitig lang ako sa mga mata ni Yulo. Masaya niyang ipinakita ang mga grips. Sa pagtuturo niya sa akin ay enjoy na enjoy siya pwera na lang kapag naaalala ko kung sino ang nagturo sa kaniya ng mga signs. Babae pa talaga.

"Gusto kong gumawa tayo ng bagong signs!" irita kong sigaw.

"H-Ha? Ang hirap kayang mag-explain at ipakita sa 'yo ang mga grips!" sigaw niya pabalik. He even stomps his foot.

Why is he shouting at me?

Padabog kong tinago ang whiteboard sa ilalim ng kama. "I don't care! Let's create new signals for our battery!"

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now