CHAPTER 04

1.1K 72 9
                                    

CHAPTER 04

Yulo’s Point of View

“Tama na ’yan!” Inagaw ko ang atensiyon ng mga kalalakihan na ngayon ay nasa isang field. Dali-dali akong pumunta sa kanila. Tiningnan lang nila ako, pagkatapos ay nagsagutan na naman.

“Ang hina n’yo naman! Hindi mo pa kayang magdala ng kasama.” Kinuwelyuhan ng payat na lalaki ang maliit na lalaki kaya mabilis kong tinanggal ang kamay niya.

“Anong grade na ba kayo?”

“Grade 12!” Halos sabay-sabay na sagot nila.

“College na kayo next year pero ang mga ugali n’yo ay parang elementary pa.” Hindi ko maiwasang sawayin sila. May nakita ako rati na iilang mga elementary students na nagsusuntukan na akala mo ay nasa isang championship ng boxing na kailangan ipanalo.

Kumibot ang labi nito. “Huwag kang makialam! Labas ka sa away namin.”

“Let’s settle this with baseball.” Ngumiti ako saka pinulot ang baseball na nasa field. Baseball din ang tawag sa bolang ginagamit sa paglalaro ng baseball pero puwede rin namang bola. “A team only needs 2 runs to win. Hindi na natin susundin ang paglalaro ng 9 innings.”

The petite boy smirks. “Nagpapatawa ka ba?”

Napakunot ang noo ko saka binigay sa kaniya ang baseball. “Mukha ba akong nagpapatawa?”

“Walo lang kayo—”

In playing baseball, you need 9 players on each team pero dahil kinapos itong mga lalaking nandito ay walo lang kami.

“Okay lang ’yon sa akin.” Humihirit pa kasi, e. Siyam silang lahat pero ang payat lang dada nang dada na animo’y kambing na napaulanan. Pumunta ako sa isang bench at inilagay ang mga dala ko pero bumalik din ako agad.

“Kapag nanalo kami, lulubayan n’yo na sila,” turan ko saka tinuro ang walong lalaki na nasa likod ko ngayon, “at kapag nanalo kayo, kayo na ang bahala kung ano ang gusto n’yo.”

Nagtinginan silang siyam saka sabay na napatango at napangisi. “Kapag nanalo kami ay tatakbo kayo sa field ng walang saplot.”

“Iyon lang ba?” nagtataka kong tanong. Parang hindi naman fair ang kapalit. Masyadong mababa ang gusto nila.

“Maglalaro din kayo!” dagdag pa nito.

Napatango ako. Ito ang pagiging pantay. Ang hirap kayang lumayo kaysa maghubad. Nanood na lang ako sa siyam na lumayo sa puwesto namin.

“M-Maghuhubad?” nanginginig na tanong ng maliit na nasa likod ng isang kasamahan niya. Kitang-kita ko ang takot at pangamba sa mga mata nila. “Magagaling sila. Hindi natin sila kaya.”

Ngumiti ako sa kanila nang malapad. “You need to trust yourselves. Alam kong may ibubuga kayo.”

“W-Walang pitcher sa amin.”

Napangiti ako sabay turo sa sarili. “Don’t worry. I’m a pitcher.”

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa saka napapangiwi. Ang iba ay hindi maiwasang maipaskil nag pag-aalala. Napakamot na lang ako sa ulo. Alam kong hindi sila naniniwala na isa akong baseball player. Ang suot ko lang naman ay black shoes habang naka-white shirt saka naka-jeans habang sila ay naka-uniform na komportable para sa baseball.

“Huwag kayong mag-aalala. Ayos lang sa akin kahit na ganito ang suot ko.” Pinilit kong pagaanin ang mabigat na tensyong nabubuo. Nawawalan sila ng pag-asa.

Malalim silang huminga ng sabay. “Wala rin kaming catcher—”

“Alam kong marunong kayong sumalo.”

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now