CHAPTER 09
Ice’s Point of View
I heavily sigh. I was now seeing my reflection, katatapos ko lang maligo. Napagapang ang kamay ko sa nangingitim na mga ilalim na mga mata ko. At sa pangalawang pagkakataon, malalim akong huminga saka lumabas na. Kumikibot din ang ulo ko, hindi ko namalayan na umabot ako ng alas singko nang umaga sa pag-aaral sa lessons na tinulugan lang ni Yulo. Dahil kaunti lang ang nakopya ni Romel ay nagse-search pa ako sa internet para madagdagan ang kaalam ko. At ngayon, alas siyete na ng gabi.
“Mapapahiya ako nito kapag wala akong maituro sa kaniya.” Inis kong binuksan ang mga notebook saka umupo at nag-unat unat. “Kaya ko ’to.”
“Hindi ko akalain na gan’yan ka ka-motivated na mag-aral ng hindi mo naman course.” Binuksan ni Levi ang hawak niyang energy drink saka uminom.
“Shut up, Levi.”
I forgot that Levi is here. I can feel the coldness in my palms. Hindi ako mapakali. Hindi naman ito ang first time na makakapunta si Yulo. Napapikit na lang ako sabay sara ng notebooks.
Napailing na naman siya at ngumisi sa akin. “Namumula na naman ang mga tainga mo. Ilang minuto o oras na lang ba ang hihintayin mo at makakasama mo na siya?”
Agad kong hinawakan ang tainga ko saka sinipa ang paa niya. “Umalis ka na nga!”
“Aalis na ako kapag nandiyan na si Yulo. Supporter mo ako pati si Coach Zad sinusuportahan ka idagdag mo na rin ’yong kapatid ko.” Tinapos na niya ang iniinom kaya napapunta na lang ako sa kama saka humiga.
Anong oras kaya pupunta si Yulo?
He took a sip. “Sabi rin ni Coach na ilalagay niya si Yulo sa starting player para sa practice game.”
Agad akong napatayo at ngumiti pero napawi rin ito sa sinabi niya. “But you’re not the catcher.”
Hindi na naman ako? And they talked about supporting me. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Coach. Alam ko na alam niya na ang kakayahan ni Yulo ay pwede na maging starting pitcher.
“Ang practice game na magaganap sa susunod na araw ay para sa mga first years. Alam mo na, para sa experience,” walang-ganang usal niya saka uminom ulit. “And this coming Monday, we’re having the training camp.”
Alam kong ganito si Coach Zad. Ganito ang pamamalakad niya. Ang hindi ko lang matanggap ay bakit ako umaasang magiging catcher ako ni Yulo. Matagal pa bago ko siya masalo.
“Huwag masyadong ikunot ang noo. Suportahan mo na lang siya.”
Kahit hindi mo sabihin Levi, sinusuportahan ko na siya ng palihim. Every training ni Yulo, sumisilip na lang ako sa bullpen kahit na nakakainis ang pagmumukha ng Kotaru na ’yon.
“By the way, Coach Zad said that you need to settle your plans about doing that underground stuff. Okay?”
Isang buntong hininga na lang ang naging sagot ko.
“Don’t tell me, you want to do boxing again?” Levi is gripping the can so tightly that it easily crumpled like paper under his fingers. “Answer me.”
He’s worried.
“No way,” bulong ko. But I cannot let go of that underground. It’s been my safe place.
“Gusto mo ba talaga si Yulo?”
The fuck’s this bastard saying? Kahit saan na lang pumupunta ang bunganga niya.
Isang mahabang katahimikan ang namuno sa pagitan naming dalawa. He is staring at me blankly. Hindi ko magawang buksan ang bibig ko.
A little smile escaped from his lips. A hint of confusion bares on his voice. “I am not judging you. It’s just… ang bilis mo yatang nahulog kaysa past relationships mo?”
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher