CHAPTER 02
Yulo’s Point of View
“Ang init-init! Huwag kayong pabagal-bagal. May jogging ba na naglalakad?” Martin, the captain of Howling Wolves, shouted with a slight strain in his voice, veins popping out. “Bakit ba natin ’to ginagawa?” Huminto siya saglit, ginulo ang buhok sabay pinunasan ang pawis.
I shake my head as I continue to jog on the baseball field. Despite his complaints, he continued to swing his arms back and forth, his feet still pounding the ground.
Napapangiwi na lang ang iba dahil nasa hulihan si Martin kasama si Kuya Levi. Ayaw niyang nasa unahan dahil nagmumukha raw siyang asong maraming buntot.
“Kanina pa nagrereklamo si Captain, pero ginagawa rin naman niya,” bulong ni Romel, napapahikab pa siya habang nag-jogging.
Alas singko pa lang nang umaga kaya hindi ko maintindihan kung bakit naiinitan si Captain. Eight minutes lang ang gagawing jogging at two minutes naman ay light running. Ito ang sinabi ni Captain bago kami nagsimula. Kung hindi ako nagkakamali ay six minutes pa lang kaming nag-j-jogging. During Pre-Season, which is June to August, ang mga buwang naghahanda ang mga team para sa darating na season. Mahaba-haba pa ang panahon dahil third-week pa lang naman ng June.
Ang akala ko nga ay si Coach Zad ang gagabay sa amin pero hinayaan niya lang kami. Ganito ba talaga kapag college team na?
“Si Ice?” narinig kong tanong ni Martin.
“Wala pa rin,” sagot ni Kuya Levi, malalim pa itong napabuntong hininga.
“Schedule niya ngayon sa paglilinis ng shower room and comfort rooms.” Pinipigilan ni Martin na tumaas ang kaniyang boses.
Patuloy lang kami sa pag-j-jogging habang ang mga tainga ko’y nakikinig sa pinag-uusapan nila.
“Pinuntahan ko kagabi ang pinagtatrabahuhan niya pero hindi ako pinapasok. Hinintay ko siya sa labas pero walang Ice ang lumabas sa arena,” sagot ni Kuya Levi, may inis pang nakaukit sa kaniyang boses.
“Damn that brat! Pinapainit niya ang ulo ko. Arena siya nang arena habang tayo dito, humahangos na sa kapapraktis!” Hindi na napigilan pa ni Martin at siya’y napasigaw.
Sabay na lang kaming napailing ni Romel nang umuna si Martin sa harap kasama si Kuya Levi.
Napakamot si Kuya Levi sa ulo at napahinto kaya napahinto na rin kami. “Kaya nga. Hahanapin ko muna siya sa ibang department—”
“Levi,” sambit ni Martin, hinila ang kamay ni Kuya Levi nang aalis ito.
Ngumiti pa si Kuya Levi, ang mga paa niya ay unti-unting humakbang papaatras. “Yeah?”
Tinuro ni Martin ang mga kasamahan namin na patuloy na nag-j-jogging. “May praktis ka pa at maaga pa. Huwag mo akong isahan.”
Napangiwi na lang si Kuya Levi saka kinilos na lamang ang mga paa pasulong. Napaatras kami ni Romel nang lumingon si Martin sa amin.
Kumunot ang noo nito. “Ano pa ang tinutunganga n’yo? Takbo na!” utos niya sa amin kaya napatakbo kami, pumapalakpak pa siya. “Two minutes for light running starts now! Takbo!” Nag-echo ang sigaw ni Martin sa buong field.
“Who are we?” sigaw ng isa. Ito ay nasa pinakaunahan naming lahat.
“We are the only Howling Wolves!” pakantang sigaw ng mga nakasunod sa kaniya.
“Hey! Hey! Hey!” hirit pa ng iilan.
Napakunot ang noo ko nang marinig ang ibang players na kumakanta na, napapasabay na rin ang mga freshman kahit na nagtataka. Paulit-ulit lang ang mga sinasabi nila. Siguro, ganito talaga ang morning routine nila?
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher