July/23/2015 4:23 AM
Chapter 58
Nakita Kong nakatayo nasa labas na ng bahay si jirem at hinihintay ako..agad ko syang nilapitan..
"Ang aga mo naman ah?"tanung ko agad sa kanya.kinuha nya sa akin si jolan at kinausap ito..
"Kumusta na ang cute na baby?namiss mo ba ang gwapo mong Tito ha?" Sabay laro Kay jolan..ito namang si jolan panay smile lang kay jirem..siguro masaya ito ngayun kasi nakakita na naman ng tao.."ang cute cute talaga ni baby jolan..nagmana sa gwapong gwapo nyang tito haha.."
"Ba't nga ang aga mo? Wala ka bang pasok ngayun?" huwebes ngayun at alam kong may pasok pa sa school..
Binalingan ako bigla ni jirem..
"It's already 7 pm na po miss..may pasok nga ako but i already finished my exam for the students..don't worry hindi ko naman po napapabayaan ang trabaho ko..ok na po ba?" sabay ngiti ng malapad sa akin..
Yung ngiti nya na nakakakaba ng todo. sinabi ko na kasing wag sya masyadong pumunta sa bahay o bisitahin kami sa bahay para makapagfocus naman sya sa work nya but napakatigas din ng ulo ng lalakeng ito..kung anu yung sinasabi ko na wag nya gawin..ganun din ang ginagawa nya..piningot ko nga ng isang beses..pumunta ba naman sa bahay ng basang basa..porket takot daw ako sa ulan at wala daw akong kasama sa bahay..
Pero alam ko ang nasa isip nya..alam kong gusto nya ako pero sinabi ko na sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga kami at hanggang dun lang talaga..ayaw ko naman syang paasahin.. Pero hindi naman daw nya ako minamadali, ok lang daw na maging kaibigan muna kami handa naman daw syang maghintay..hayaan ko na daw sya sa ginagawa nya dahil masaya naman daw sya sa ganun.,mas mabuti raw na kaibigan na muna kami para raw makilala pa namin ang isa't isa..
"Hmm..oo na!!" yun na lang nasabi ko..
"Alam ko naman namiss mo ko eh..isang linggo rin kaya tayong di nagkita.."
"Kapal mo haha!!"ganyan yan makapal pa sa make up ni sandy pag naglalandi yun haha..
"Pero ako sigurado ako.."tinitigan nya ako ng parang muupos akong kandila..
*dub.dub.dub*
Ayan na naman yang pusong yan.. lumalakas ang tibok ng puso ko pag nakakatitig sya ng ganito sa akin..ngayun ko lang napagtanto..gwapo naman pala sya. medyo kamukha nya ng konti si paulo Avelino..the way sya magsmile..
Bigla nyang kinuha isang kamay ko and hold it tight..
"Namiss kita ng sobra.." titig na titig sya sa mga mata ko..ako naman ay halos magtatambol ng napakalakas ang tibok ng puso ko..
Bigla syang napaiwas ng tingin At binitawan ang kamay ko.."hahaha..halika na nga..baka gabihin pa tayu." subrang namumula sya..kitang kita ko sa mukha nya ang pamumula nya..bigla akong napahawak sa dibdib ko.bat ganun kabilis ang tibok ng puso ko?bakit umaabnormal ng ganito?
Ay ewan!!bahala na nga jan!! Hindi ko nalang iniisip kung anuman ang dahilan basta ang alam ko..masaya naman ako kahit papaano..
Hindi
ko alam kung saan ako dinala ni jirem pero alam ko na mamahaling lugar ito..hindi ito simpleng lugar lang na karaniwang pinupuntahan namin nila sandy..
"Sure ka bang dito tayo kakain? Mukhang ang mamahal naman ng pagkain dito ah..ok naman kami Kahit sa--"
"I'm not cheap Jhen..in fact, pwede kitang dalhin sa kung saan mo gustong kumain, kung saan mo gusto pumunta. Name it.." sabi nya sa akin ng mapaupo na kami sa isang dining table..super romantic yung lugar kasi ang ganda nung light sa loob..napapalibutan ng roses sa loob and the scent..ang sarap amoy amoyin..
BINABASA MO ANG
A Wonderful moment
Non-FictionHey! I'm OLAH. I have friends named MINT,BOY,ARCHER.SMOKE,DAN-DAN and WHITE. We made A WONDERFUL MOMENT that turn into unexpected situation.. Isang gabi ng kahibangan, Isang gabi ng kasiyahan na magdudulot ng habang buhay na paghihirap, Paghihirap n...