Chapter 4

8.9K 91 0
                                    

Chapter 4

Jenny's POV

Nakayuko kami pareho para maghanap ng cake na gusto niya, kaya napagmamasdan ko yung mukha nya sa salamin sa pagitan namin

Ang gwapo naman ng lalakeng to. Pero mukhang malungkot ang mga mata nya,seryoso at parang galit sa mundo.





"miss..kukunin ko to"

Ang tangos naman ng ilong nya,mabibilog ang mga mata..

"miss..ito yun kukunin ko"

ang ganda ng biloy nya sa pisngi,ang puti,ang tangkad,ang mga lips nya..

"miss?"

Parang ang sarap halikan pati ang katawan nito. Ang ganda!

"miss?"

Parang gusto kong---

"HOY MISS BINGI KA BA O SADYANG TANGA KA LANG?"nagulat ako sa biglang pagsigaw nito

Napatingin ako bigla sa kanya at nakita ko dito ang pagkairita

"ahh..s-sorry po..sorry!san po ba dito kukunin nyo?" taranta kong tanong sa kanya. bad jenny!anu ba kasing pinag-iisip mo?

"Hay! tanga ka talaga noh?! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig..tapos ngayon tatanungin mo ko kung anu ang kukunin ko??"naniningkit ang mga mata nitong nakatitig sakin

'natanga lang naman po ako sa kagwapuhan nyo po!'

ang sarap sabihin sa pagmumukha nya pero baka tatawanan lang ako nito. Kaya napatungo nalang ako -_-"

"sorry po talaga mister..hindi ko lang po kayo naririnig eh!"

Grrrr! ang sama sama naman ng ugali!

"bingi ka kas--ARRAYY!!" bigla syang siniko ng kasama niya

"tsk!nagsorry na nga yung tao.. pinagsasalitaan mo pa ito ng masama!"sabi nito

hay!buti naman at mabait ang kasama nya at pinagtanggol ako.tapos bumaling ito sakin ng nakangiti

"Sorry sa sinabi ng kaibigan ko. Ganyan lang talaga ugali nyan sa babae..BITTER!well,ito yung kukunin nya" sabay turo nito sa cake.

Ube cake?ang dami naman bat yung favorite ko pa?

"wala po yun!kasalanan ko rin naman eh..ah yan po ba?teka lang po ah?"tapos kinuha ko na yung cake at inilagay sa karton nito pagkatapos ay inabot ko na sa kanya

"magkano miss?"tanung nya sakin

Nakatingin lang ng masama sakin yung may biloy. Bitter nga ata talaga -_-

"sir, wag nyo na lang po bayaran. Treat ko na po yan sa inyo sa nangyari kanina.."sabi ko

nahihiya rin naman kasi ako sa nangyari kanina. Kasalanan ko rin naman kasi talaga kung bakit nagalit itong may biloy

"no!kaya nga nagtatrabaho ka para kumita ng pera, right?kaya eto.." Inabot nya sakin yung pera

Ayaw ko parin sanang kunin pero nilagay nya sa counter kaya kinuha ko nalang to

"sir sumobra po!"tangka kong ibalik yung sobrang pera nito pero pinigilan nya ako

"keep the change..sorry ko yan sa masamang sinabi ng kasama ko" sabi nya tapos tumalikod na sakin at lumabas na ng shol

"stupid!"sabi bigla nung may biloy sakin at tiningnan ako ng masama bago sumunod dun sa kasama niya

Grr!ang sama talaga ng ugali!buti gwapo ka kundi titirisin kita!

***

Magdadalawang buwan din ang lumipas simula nung trahedya na nangyari sakin at araw araw ay ipinagdadasal ko na sana datnan na ako ng period ko.

Pero habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa kaya araw-araw rin akong humihina pag naiisip kong baka nga may laman nga talaga ang sinapupunan ko

Pati si Anne ay nahahalata na umiiba ang kurba ng katawan ko  pero minabuti nito na tumahimik lang kesa ang tanungin ako

Yung mga jeans na gamit ko dati ay nagsisimula ng  sumikip sakin,pati narin yung mga gamit kong shirt ay lumalaki. Minabuti ko na lang na magpalda para mas komportablr lalo na't lumalaki na ang balakang ko

Mahilig pa rin akong kumain ng maasimat matulog kungsaan saan

Para mawala yung kaba na nararamdaman ko ngayon ay minabuti kong bumili na ng Pregnancy Test

Nasa banyo ako ngayon at hawak hawak ang PT na nilagyan ng ihi ko

Lord, ang saklap-saklap na po ng buhay ko. Sa araw-araw na dumaan ay hinahabol ako ng bangungot noong araw na yon. Nalalagpasan ko lang yon dahil may tatag ako

Wag po muna ngayon. Hindi pa ako pwede, madami pa akong pangarap

Parang awa nyo na po

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Pag dalawamg linya daw ay positive, kung isa lang, negative.

Pagkakita ko sa resulta

O___O

Nanlumo ako. Tuloy tuloy na dumaloy ang luha ko.

Ang saklap naman ng buhay ko

Sobrang makasalanan ba ako? Bakit ako? Bakit?

Eto ba ang kabayaran? Katibayan na makasalanan ako?

Positive

Buntis ako

Anong mangayari sakin? Hindi ko matatago ito kay papa. Itatakwil nya ako. Lalo na at hindi ko alam kung sino ang tatay nito

Kahit anong paliwanag ang gawin ko, siguradong hindi nya ako pagniniwalaan. Bulag sya sa pagmamahal nya kay Tita Olga

Ano ng gagawin ko?

Lalayas?

Ipapalaglag ko to?

Suicide?

Anong gagawin ko?!?

A Wonderful momentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon