Chapter 8

8.1K 106 15
                                    

Chapter 8

Third Person's POV

"JENNN!!" tawag ng isang tao sa kanya

"po!!?"

"YUNG ORDER NI ALING BEBA?!!"

"anjan na po!!" Sigaw nya at dali-daling lumabas ng kusina habang dala-dala ang lomi na order ni Aling Beba

Naglakad sya papalapit sa matanda

"sorry po aling beba kung natagalan. Alam mo na .. ang daming customer" sabi ni Jen habang nilalapag ang pagkain sa mesa

"akala ko ba tumigil ka na sa pagtatrabaho?" Tanong niti sabay tingin sa tyan ni Jenny na malaki na

Ngiting pilit ang isinukli ni Jen

"hindi ho pwede eh"

"DIYOS KO NAMAN JENNYLYN!! Mukhang manganganak ka na eh! Kabuwanan mo na diba?"

"o-opo.."

"hindi ka ba nahihirapan?Buntis ka at nagtatrabaho. Napapagod ang katawan mo. Ang dapat sayo nagpapahinga.."

Ngumiti lang sya ng mapait. Alam nyang naaawa na naman yung matanda sa kanya,wala rin itong maitulong sa kanya dahil narin sa kapos din ito sa pamumuhay

"w-wala pa pung ipon eh. Kaya kailangan" Napatungo na lang sya

Awang-awa rin sya sa sarili nya. pero ano bang magagagwa nya?Ni wala pa nga syang pera para sa panganganak nya

Simula kasi ng nagtrabaho sya sa maliit na restaurant dito sa probinsya ay nalimutan na nyang magpahinga. Kahit nahihirapan sya sa kalagayan nya ay pinipilit parin nyang magtrabaho para makaipon lang ng kunting pera. Tinitiis nya ang mga matang naaawa, nanghuhusga at mga nanglalait sa kanya

Ang totoo niyan ay papaalisin na sana sya dito dahil sa pagbubuntis nya pero nakiusap sya dito na hanggang sa kaya niya ay magtatrabaho sya

Paano ba sya makakaipon kung sapat lang ang sweldo nya sa pang araw-araw na gastos niya. Pambayad sa upa, tubig at ilaw

Gusto na nyang bumitiw, pero sa tuwing naiisip nya ang buhay sa sinapupunan nya ay nagkakaroon sya ng lakas

"naaawa ako sayo anak" Hinawakan nito ang kamay niya

"kung meron lang sana akong pera, tinulungan na kita para sa pagbubuntis mo at panganganak"

nakikita nito sa mga mata ang awa sa kanya at parang dinudurog ang puso niya

Wala na syang magagawa. Sa sitwasyon nya ay nakakaawa talaga sya

"o-ok lang aleng beba. Salamat"

"H0Y JENNY!" biglang tawag sa kanya ng may ari ng restaurant.Lumapit ito sa kanya

"hindi kita binabayaran dito para makipagtsismisan! Binayaran kita dito para magtrabaho! Ang kapal mo naman! Nakiusap ka na nga lang para tanggapin kita,ganyan ka pa!Umaabuso ka na yata!" Taas kilay nitong sabi. Napatingin ang ibang customer sa kanila

"s-sorry po boss. Magtatrabaho na ako.."nahihiya nyang sabi

"aba!Dapat lang!Ang dami nating customer ngayon!"

"wag ka naman magpahiya dito Lorna. Alam mo namang buntis yung tao, gusto lang magpahinga kahit saglit.."biglang sabat ni Aling Bebang. Napatingin tuloy ito dito

"wala kang pakialam dito Bebang! Hindi ko na kasalanan kung nahihirapan sya. Sa tutuusin nga pinaalis ko na yan eh! Kaso lang kailangan daw nya ng pera!" sabi nito at bumaling kay Jenny

"halika na!"sabay talikod at walkout

"ang maldita talaga nun"sabi ng matanda ng makaalis na ito

"oh sige ho Aling Beba" Paalam niya at umalis upang bumalik sa trabaho

A Wonderful momentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon