Chapter -16

6.5K 111 8
                                    

Chapter - 16

Isang buwan ang lumipas simula ng bumalik sya ng maynila..

Simula ng madatnan nya ang bahay nila dito..Nadatnan nyang sarado lahat ang kabahayan!Tinanung nya ang mga kapit bahay nila pero ang alam lang nila dito ay lumipat na raw ito ng bahay at hindi raw nila alam kung saan naman.

Nagulat pa nga ang mga tao ng makita syang may sabit sabit na bata!Yung iba kasi hindi rin nila alam na buntis sya dati!Pasalamat nga sya at wala man lang nagtanung kung asan ang ama ni jolan!Kundi di nya alam ang isasagot sa mga ito..

Pati narin yung mini restaurant nila ay pinuntahan din niya pero sarado rin ito at mukhang matagal tagal ng sarado ito base sa mga sapot ng gagamba na natatanaw mula sa labas..

Kaya minabuti nyang tumuloy muna sa isang boardinghouse 🏡 ..Salamat at may napaka bait ng mate sya na babae kaya sa tuwing naghahanap sya ng trabaho ay sa kanya nya iniiwan si jolan..At kung busy naman ito ay dinadala nya nalang ito san man sya mapadpad..

Ang hirap maghanap ng trabaho pag alam nila yung nangyari sa kanya..

Pag alam nilang may anak na sya ngunit walang asawa!

Mga tanga na tao sabi nya sa sarili!Ok naman yung mga grades nya pero mas base nila ang experience at dalaga talaga!Kaya nahihirapan talaga syang matanggap sa mga opisina dahil na rin sa kalagayan nya..

Hindi na nya alam ang gagawin!Nauubus na yung kunting perang naipun nya..Pasalamat talaga sya at 3 months syang required ng doktor na makapag breast feeding..

At ngayun nasa isang park sya at nakaupo sa isang bench habang kalung-kalung ang anak nya..

Namumugto na ang mga mata nya sa kakaiyak!Gusto na talaga nyang sumuko ngunit sa tuwing napagmamasdan nya ang anak ay nagiging malakas naman sya!

Hindi sya dapat maging mahina!May isang anghel na tumutulong sa kanyang maging matatag!Hindi sya dapat na sumuko!!

Pinunasan nya ang mga luha sa pisngi nya..

Ginabi na sya sa paghahanap ng trabaho!Ganito na lang palagi ang routine nya.Uuwi syang luhaan at bigo..Pero hindi sya pinaghihinaan ng l0ob dahil alam nyang isa ito sa mga pagsubok ng diyos na dapat nyang lagpasan!

"gutom ka na ba anak?"hinaplos nya ang pisngi ng anak nya habang nakangiti.Nakatingin ito sa kanya..Gumagaan talaga ang l0ob nya pag napagmamasdan nya ang mukha ng anak nya..

"siguro miss muna yung mga lalake sa hospital n0h?Si mint,si boy,si archer,si smoke,si dan,si white at.."tumingin sya muna sa langit.Ang dami daming bituin ngayun..

"si olah..."bul0ng nya na nagpakaba ng husto sa puso nya..Hindi parin pala nawala ang epekto ni olah sa damdamin nya!Kelan kaya sila magkikitang muli?Hindi na pala nya namalayan ang oras at isang buwan na pala nyang hindi nakikita ang mga ito..

Namimiss na nya ang mga kakulitan ng mga lalakeng yun!Nakakatawa talaga!Nakakawala tuloy ng problema!

Alam nyang handang tumul0ng sila sa kanya pero hanggang sa kaya pa nyang tumayo sa sarili nyang mga paa ay gagawin nya muna ng mag-isa!

Napatingin sya sa paligid ng may maramdamang nakamasid sa kanya..

Nararamdaman nya talagang may mga nakatingin sa kanya..Biglang tumindig ang mga balahibo nya sa katawan!

Marami pala ngay0ng napapabalita sa radyo at televisi0n na laganap na ang pagnanakaw sa mga sanggol sa maynila..Kinukuha at ginagawang gam0t!..Minsan naman ay ibinibenta sa mga foreigner o di kaya ay humihinge ng ramson money..Binalot sya ng kaba sa dibdib sa iisiping yun!

A Wonderful momentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon