Chapter 5

9.1K 104 2
                                    

Chapter 5

Jenny's POV

Pinilit kong magpakatatag sa mga nagdaan pang mga linggo. Medyo umuumbok na ang tyan ko at minabuti kong gumamit na ng maluluwang na damit ng di masyadong mapaghahalataan

Ang dami ko ng naisip na paraan para matapos na ang problema ko. Ang magsuicide o kaya magpa-abort

Pero hindi ko kaya. Ang tagal kong nagtiis, hindi pwedeng ganoon na lang kadali kong kikitilin ang buhay ko.

At isa pa. Hindi ko kayang patayin itong anghel sa loob ko. Bigay to sa akin ng Diyos at alam kong may dahilan kung bakit nangyayari itong mga to

Hindi naman siguro ako papatayin ni Papa. Madi-disappoint lang sya pero alam kong matatanggap nya rin kami pag naglaon

Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Magpapakatatag ako. Ibibigay ko lahat sa kanya ang mga baay na hindi ko naranasan noong bata pa ako

Ang maalagaan ng Mama nya. Bigla komg naisip si Mama

'Ma, tulungan nyo ako. Just give me a sign.. nakakayanin ko ito'

Nagulat ako ng may maramdaman akong gumalaw sa tyan ko

Napangiti na lang ako

'Salamat, Mama'

"Kamusta na si baby? Mukha kang masaya ha" Napatingin ako kay Anne

Nasa bakeshop kasi ako ngayon. Sinabi ko na rin kay Anne ang totoo. Kailangan ko rin ng mapagsasabihan at makakapitan. Lalo na at bawal ako mastress

"Naramdaman kong gumalaw sya kanina sa tyan ko" napangiti na ako "Isipin ko pa lang na magiging Ina na ako at may tatawag sakin ng Mama ay naeexcite na ako" lalong lumaki ang ngiti ko

"Halata nga! Excited na rin ako, may tatawag sa akin ng Tita" sabi nya at naglean pa sa tyan ko at may binubulong pa doon

"Baliw ka talaga! Tatlong buwan pa lang 'yan! Hindi pa yan nakakarinig" Natatawang sabi ko sa kanya

"Heh! eh nakakaexcite talaga eh...nga pala, nakapagpacheck-up ka na?" Tanong nya sabay upo sa tabi ko

"Medyo busy kasi ako sa school eh. Idagdag mo pa yung pag-aalaga ko kay Papa"

"Inaalagaan mo pa Papa mo? Hindi mo pa simasabi? Kailan mo sasabihin? Alam mo namang bawal kang mapagod diba?" sunod sunod nyang tanong na may halong pag-aalala

"Balak ko rin namang sabihin eh. Kumukuha lang ako ng tyempo. Mamaya atakihin bigla si papa, dagdag problema pa"  hay. ayoko namang maging dahilan kung bakit mao-ospital nanaman si Papa

"eh yung maldita mong tita at yung bruha nyang anak, alam na ba nila?"

"hindi nga rin eh. Madalang lang kami magkita sa bahay. minsan lang din ako pumunta sa restaurant namin. Busy kasi talaga ako sa school at dito"

"eh kung hindi naman dahil jan sa maldita mong tita hindi ka sana magkakaganyan!hindi ka sana namomoblema ngayon!wala sana yang-----"hindi ko na sya pinatapos magsalita

"wag mo ng sabihin na problema sa akin ang anak ko Anne..Tanggap ko na sya at gusto kong mabuhay kasama sya ng matiwasay.."

Ayokong sisihin pa ang baby ko sa mga nangyayari at mangyayari pa sa buhay ko. Iniisip ko na lang na hindi to ibibigay ni God para lang maging miserable ang buhay ko

Sya ang magiging inspiration ko sa buhay kaya kailangan kong magpakatatag dahil mas mabigat pa na resposibilidad ang dadlhin ko pagkalabas nya

Narinig ko nalang na bumuntong hininga si anne sa sinabi ko

"bahala ka na jenny, matanda ka na naman eh. alam mu na ang mabuti at hindi pero ito tandaan mo, andito lang ako para sayo kung kelangan mo ng karamay. Lalo na pag dumating ang panahon na saktan ka ng mga bruha na yun. alam mo namang mahal kita, ikaw BFF ko eh!" Tapos hinawakan nya ang kamay ko

Nakaramdam ako ng comfort sa sinabi nya at sa init na dala ng mga kamay nya

"salamat Anne"

salamat sa lahat anne, sayo lang ako nakaramdam ng tunay na pagmamahal..

Bukas na bukas ay magpapacheckup na ako para naman malaman ko kung safe ang pregnancy ko

***

Third Person's POV

Pumasok ng kwarto ni Jenny si Monic para hanapin yung books na ipinahiram nya kay Jenny para sagutin yung turn paper nya

Alam nyang mas matalino sakanya si Jenny dahil sa pagiging full scholar nito sa school nila, kaya ginagawa nya itong tiga sagot sa lahat ng homework nya

"nasan kaya yun?"

hinanap nya ito sa cabinet nito, sa drawer at kama,sa mga unan at sa table nito pero hindi nya mahanap.

"napakaburara kasi ng babaeng to!malandi na nga-- well...mas malandi pa pala ako sa kanya pero kaya kong protektahan ang sarili ko.."patawa-tawa nyang sabi habang nagkibit-balikat

Nahagilap ng mga mata nya ang bag nito sa school na nakasabit sa dingding ng bahay kaya naisip nyang baka andun naitago ni Jenny ang aklat nya

kinuha nya ito at tiningnan sa loob habang kinapa-kapa nya ang bulsa ng bag nito

Bigla syang may nahawakan na matigas at maliit na bagay

"a-ano to?"tapos inilabas nya mula sa bag nito..

Napalaki sya ng mata ng makita ito

"p-pregnancy test?bakit meron ang babeng yun?"

Napangisi sya ng may maisip

kaya pala!

Kaya pala may nababago sa kanya ngayon

Patay ka ngayon jenny!bilang na ang araw mu!

Napangiti sya sa naiisip nya

A Wonderful momentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon