Chapter 10
White's POV
T*ngna oh! Akala ko naman talagang nakabuntis na si Olah kaya napaaga ng uwi.
Tawagan daw ba kasi ako na dumiretso na daw kami ng hospital kasi nanganak na daw yung babae
Yun pala-- Nagpaanak lang ang loko! Tsk! Kamusta naman ang pagiging doktor? Hahaha!
"talaga pre? Nagpaanak ka? Hahaha! Ayos ha! Lumelevel-up ka na!Hahah!" Archer
"Tsk! No choice eh. Alangan namang iwanan ko sa daan"
Andito kami sa loob ng kwarto ng babae. Private room pa talaga ang kinuha ni Olah!Galante talaga ng boyfriend ko!
"sabagay, nakakakonsensya rin naman" Arch
Biglang lumapit si Mint sa natutulog na babae sa hospital bed at pinagmasdan ito.
"dude! Maganda yung babae oh! Kung hindi lang mukhang haggard. Tignan mo pa. Na love at first sight ka noh?" Nakangiting mapang-asar na sabi nya
"tsk!Whatever!" walang ganang sagot ni Olah. Biglang lumapit si Mint sa amin habang nakangiti ng nakakaloko.
"baka naman hindi mo makalimutan yung....yung pagpapaanak sa kanya? Hehe.Siguro nakita mo lahat noh? Nakita mo yung ano noh? Aba!Walang bay---arraaay!!" Binatukan ko na kasi sya. Baka mainis si Olah at sipain pa niya palabas ang Budoy na to. Mukhang wala pa kasi syang tulog simula kagabi at alam kong mainit ang ulo nya pag ganitong bangag sya.
Binalingan ko si Mint
"Hoy UTAK MUNGGO! Isara mo yang bibig mo, Tumigil ka nga! Ang lumot talaga ng utak mo kahit kelan!"
kumamot lang sya sa ulo nya
"to naman!Joke lang yun eh! Pero anu ba talaga nakita mo---"tinaas ko bigla yung kamao ko sa kanya
Aba!Baka makauwi to ng Maynila ng wala sa oras
"Oo na nga!Titigil na po" Dinampot nya nalang yung Nova sa mesa at kinain.
"nasan na pala sila Dan?"biglang tanong ni Olah sakin
"nasa daan na raw! Excited makita yung asawa't anak mo! Hahaha!" Arch
-_- andito na naman. psh! Sana di pa dumating yung iba kundi baka pati ako ay maconfine dito sa hospital. Ako, si Arch at Mint lang ang nandito. Busy yung iba.At aba!Hindi namin kasalanan maging tambay!
"hahaha! Tama! Your wife. Your baby!" Mint sabay kindat sa amin at nagtatalon talon pa sya huh.
Lagyan ko kaya ng pako yung sahig? Tignan ko lang kung di magkasugat-sugat yung paa nya
Tsk! Bitter na rin ako! langya! pagod na rin ako
"Wife? Baby? Kung sapakin kaya kita!" Inis na sabi ni Olah
"cool lang dude!Baka magising asawa mo!Hahaha!" Mint
Parang mga bata talaga!
"pwede ba?!!Tinulungan ko lang yang babae!Hindi ko nga yan kilala eh!Ni pangalan nga hindi ko alam!!Tsk!!" Ayan na. Inis na sya.Humahaba na ang speech nya eh
"ang dugo Olah!Ang dugo!Tataas!Baka hindi mo na masilayan ang anak mo! Hahaha!" Arch
"SINABI NG HINDI KO--"napatigil sya ng biglang umungol yung babae sa kama
"hhmmm.."
lahat kami ay napatingin dito. Unti-unti nyang iminulat ang mga mata niya
Jenny's POV
Nakaupo ako sa damo at minamasdan ko ang batang nagtatatakbo sa harap ko
Nilibot ko ang paningin ko sa lugar.Napakaganda ng tanawin,maaliwalas ang asul na langit,ang simoy ng hangin ay napakalamig,ang naglalakihang mga puno ay kaygandang pagmasdan sa ilalim ng nagsisimulang paglubog ng araw
BINABASA MO ANG
A Wonderful moment
Non-FictionHey! I'm OLAH. I have friends named MINT,BOY,ARCHER.SMOKE,DAN-DAN and WHITE. We made A WONDERFUL MOMENT that turn into unexpected situation.. Isang gabi ng kahibangan, Isang gabi ng kasiyahan na magdudulot ng habang buhay na paghihirap, Paghihirap n...