Chapter 2
Jenny's POV
Lakad takbo ang ginawa ko papuntang hospital
Kelangan ni papa ang pera pambayad sa hospital!
Kahit paika-ika ako sa paglalakad dahil sa nangyari sakin kagabi ay ininda ko na lang ang sakit
Ang sakit parin ng katawan ko, isama mo na yung hapdi sa gitna ng mga hita ko..
Pati na rin yung sakit na nararamdaman ko. Ang papa ko
Madalim pa lang ay umalis na ako dun sa bahay nung mga lalake. Mabilis akong lumabas ng di nililingon yung lalake na kumuha ng pinaka-iniingatan ko
Hindi ko masikmura na ganun lang kadali nawala 'yon sakin sa lalakeng hindi ko alam ang pangalan
Yung ipagmamalaki ko sana sa mapapangasawa ko balang araw.. wala na! Parang bula lang. Ganun lang kadali. Wala na
Umaagos na pala ang luha ko ng di ko namamalayan pero agad ko din itong pinunasan
nasa tapat na ako ng kwarto ni Papa. Pinusan ko ulit ang luha ko at huminga ng malalim bago buksan ang pinto
Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko yung asawa ni papa
"k-kumusta si papa?" Tanong ko ng nasa tapat na ako ng kama ni papa kung saan sya nakahiga
Hindi ko namalayan na lumapit sakin si Tita Olga
*paaak*
bigla nya akong sinampal
"bakit ngayon kalang umuwi?!?"
Napatingin ako sakanya habang hawak ko yung sinampal nyang pisngi ko
Bakit sya ganito?hindi ba't sya ang dahilan kung bakit ako nagkaganito? BINENTA NYA AKO NG HINDI KO NALALAMAN!! Kahit anong gawin kong pagtanggi ay sinasaktan nya ako!
"b-bakit po tita?"
"tsh!!sinabi ko bang dun ka matulog sa mga lalake ha?! alam mo namang walang bumabantay sa inutil mong ama!"sabi nito habang nakapamewang
"oo nga ma!malandi kasi 'yang babaeng yan!"napatingin naman ako sa nagsalita
Anak ni tita sa ibang lalake nung di pa sila magkakilala ni papa. Si Monic. Magkasing- edad lang kami nito pero kung umasta sakin akala mu alila nya ako!
"n-nakatulog po kasi ako tita----"hindi na nya ako pinatapos magsalita at biglang dinuro duro nya ang sentido ko
"wala ka bang utak?sinabi ko na sayong sapat lang ang ibinigay nung customer mo ha? alam mo ba yun?malandi kalang kasi..TALANDI KA! Nakakita lang ng gwapo di na umuwi!"
Wala akong magawa,umaagos nalang ang mga luha ko..
"sa uli-uli mag isip ka!porket sarap na sarap ka hindi mo na iniisip ang sitwasyon mo!"sigaw nito sakin
Napayuko nalang ako..
Ilang taon na ba ako nagtitiis dito?
15 years..
15 years akong nagtitiis simula noong mamatay si mama
At ngayon 20 na ako, hindi ko parin kayang iwan si papa. Wala syang kasama, sya na lang ang natitira sa akin. Titiisin ko lahat para hindi kami magkawalay. Kahit ang pananakit ni Tita
"Hmm" napalingon ako sa umungol. Gumalaw si Papa!
Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay
"pa..pa.."hagulgol kong tawag sa kanya
"alberto.."tawag ni tita at lumapit din dito
"monic!tumawag ka ng nurse..bilisan mo!"dali-dali namang tumalima si monic
"kelan po ba ipapaopera si papa?"tanong ko kay tita
"nextweek pa!"
"pa..magpagaling ka!sa wakas ooperahan na yang puso mo!magpakatatag ka papa!hindi kita iiwan, nandito lang kami..gagawin ko ang lahat gumaling ka lang pa!"sabi ko kay papa
Sana pa bumuti ka na. Nawala ang pinaka iingatan ko gumaling ka lang kaya wag mo akong bibiguin.
***
After 1 month
Well,4th year college na ako ng BS HRM. Hilig ko na kasing magluto simula bata pa ako. 5years old kasi ako ng mamatay si mama, pero sabi ni papa kay mama ko raw nakuha ang skills na to kaya masaya parin ako kahit hindi ko masyadong matandaan si Mama.
Bumuti narin si Papa after ng operation. Ako parin ang nag-aalaga dito dahil sa pagiging busy ni tita sa maliit na kainan namin sa market.
"pa..kain na po kayo"tawag ko kay papa mula sa kwarto nito
"oo anak.."tapos nagpatuloy na to sa paglabas ng kwarto
Umupo na sya sa mesa at nagsimulang kumain
"wala kang klase anak?"
"w-wala po pa. May HRM day lang po kami ngayon kaya di naman po yun importante. Sige na po kain na po kayo"
"si monic?"
"pumasok na po, may klase po kasi sya ngayon" Accountancy kurso ni monic
"ganun ba. Hindi ka ba kakain?"
"h-hindi po ako gutom.."
"may sakit ka ba?
"w-wala po pa. Medyo nahihilo lang po ako. Stress lang po" sagot ko na lang. Hindi ko alam. Parang may iba akong nararamdaman
"ganun ba. Sige magpahinga ka na anak. Ako ng bahala dito"
"salamat po pa" tapos tinalikuran ko na sya
Ilang araw ko na rin 'tong napapansin. Minsan bigla na lang aasim ang sikmura ko tapos mahihilo. Lagi akong walang gana kumain. Minsan ayaw ko ng naamoy ko. Minsan naman wala ako sa mood.
Papasok na sana ako sa kwarto ng bigla akong napatakip ng bibig.
"ugghh!!" Ano ba talagang nangyayari sakin?
Bakit lagi nalang umaasin sikmura ko?
Baka may ulcer na ako?
UTI kaya?
Waahhh! Siguro naman sobra lang ako sa pagod kaya kung ano-anu na ang nararamdaman ko
"ugghh!!"pinigilan ko parin sumuka
Pero hindi ko na kinaya, naduduwal na talaga ako!
Patakbo akong nagtungo sa lababo..
"uuugghh!"
"anung nangyayari anak?"di ko na namalayan na lumapit na pala si papa sakin tapos hinihipo ako mula sa likod.
"nangangasim lang sikmura ko pa.baka po yung kinain ko po kanina"
Kumain kasi ako ng mangga ng kaaga-aga kaya baka eto napala ko!
"anu palang kinain mo at nagsusuka ka jan?"habang hinihimas parin ni papa yung likod ko
"mangga po kanina..ewan ko nga po at bakit takam na takam ako kanina kumai--urrgghh!"nagsusuka parin ako
Bwisit na mangga yun hindi na kita kakainin! -_-
"hay nako para ka namang buntis!ang aga-aga kasi kumain ka ng ganyan..para ka naman si mama mo pagnaglilihi!ang hilig kumain ng mangga sa umaga psh!"
O_O
Napatigil ako at biglang nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Papa.
Naglilihi?
Buntis?
O___O
Bakit nawala sa isip ko yun?!
BINABASA MO ANG
A Wonderful moment
Non-FictionHey! I'm OLAH. I have friends named MINT,BOY,ARCHER.SMOKE,DAN-DAN and WHITE. We made A WONDERFUL MOMENT that turn into unexpected situation.. Isang gabi ng kahibangan, Isang gabi ng kasiyahan na magdudulot ng habang buhay na paghihirap, Paghihirap n...