Chapter 11
Jenny's POV
Nakatingin lang sya sakin. Nagtatanong ang mga mata.Nakakatakot naman itong tumingin. May magagawa ba ako kung walang ama ang anak ko?
"ah..Miss?H-hindi ko po sya asawa..W-wala po akong asawa sa k-kanila" Nakatungo kong sabi
Tinitingnan nila ako. Gumihit ang sakit sa dibdib ko. Parang may tinik na tumutusok isa isa dito
Ito naman ang mahirap pag wala kang kasamang ama ng bata. Iba-iba ang iniisip nila sayo.Hinuhusgahan ka na nila agad-agad..Kesyo ganito kesyo ganyan. Pero sa case ko?Dapat lang nila akong husgahan
"ganun po ba?Eh Nasaan po pala asawa nyo?" napatingin ako agad sa nurse sa tanong niya
Kailangan pa ba yun sabihin?Tanungin?Hindi ko alam ang isasagot ko. Kung pwede lang sabihin na binuntis ko ang sarili ko ay sinabi ko na,pero sino namang maniniwala sakin?Katangahan na excuse yun!Nakatingin lang din ang dalawang lalaki sa akin... nagtatanung rin ang mga mata..
Gusto kong maiyak sa sitwasyon ko. Napakabigat ng nadarama ko ngayon! Alam kong ito na ang pinaka malaking responsibilidad na darating sa buhay ko,ang baby ko
Ang baby kong nagbibigay ng lakas sa akin sa lahat. Kailangan kong maging matatag.
Alam kong magtatanung ito paglaki niya kung sino ang papa niya.
At hindi ko pa napaghandaan kung ano ang sasabihin ko dito.
"wala po akong asawa.."
"g-ganun po ba?"
Alam kung naaawa sila sakin ngayon at gustong gusto ko ng umiyak. Lagi namang ganito diba?Awa lang ang ipinapahiwatig lagi
"ahh. Nurse. Pwede bang mamaya ko na lang fill-upan to?"pinilit kong ngumiti dito
Sana naman naintindihan nung nurse ang pinapahiwatig ko.Nahihiya kasi akong sabihin na walang ama ang anak ko. Ni hindi ko nga kilala eh
Naramdaman din siguro nung nurse na ayaw kong pag-usapan ito kaya ngumiti nalang ito sa akin
"oh sige po misis. Dadalhin ko na lang po dito mamaya ang baby nyo para po sa breastfeeding nyo"
"g-ganu po ba? Salamat.."pagkasabi ko nun ay tumalikod na ang nurse at lumabas na ng kwarto
"F*ck you!"sabi nung sungit kay White
Tumawa lang ito ng malakas bilang tugon.
"That is not funny!"
"hahaha! 'to naman!Highblood agad!Joke lang naman yun eh!"pilit na tawa niya
Alam kong awkward ang nararamdan nila ngayon. Alam kong gusto nilang magtanong tungkol dun
"tsk!"
"heheh! Ang bitter mo!"
"I just want to sleep and you're too noisy" tapus tumingin sya sa akin. Ang awkward ng atmosphere.Napalunok ako bigla
"I'm sorry..."bigla na lang tumulo yung mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan
"miss..Uy!Wag kang umiyak.Naiintindihan naman kita.Naiintindihan ka namin. Kung ayaw mong sabihin ok lang.."
pero mas lalong tumulo yung mga luha ko
"I'm sorry talaga..I'm sorry kung naabala ko kayo..I'm sorry..Ang totoo niyan,w-walang ama ang anak ko.."
"Hah!!?"gulat nilang reaksyon
Ok. This is it. Wala ng atrasan to,ngayon ko lang naman sila makikita eh.
BINABASA MO ANG
A Wonderful moment
Non-FictionHey! I'm OLAH. I have friends named MINT,BOY,ARCHER.SMOKE,DAN-DAN and WHITE. We made A WONDERFUL MOMENT that turn into unexpected situation.. Isang gabi ng kahibangan, Isang gabi ng kasiyahan na magdudulot ng habang buhay na paghihirap, Paghihirap n...